"It's fine, sa likod ng kotse ko na lang ako matutulog, sanay naman na akong doon natutulog kasi kapag nagbibiyahe ako naaabutan ako ng gabi sa daan at walang malapit na hotel." I said to Alison, mabilis siyang umiling sa akin. "Ano ka ba, pumayag na si Dad. You can stay for as long as you want, right Dad?" Ngumiti si Alison kay Mayor Alastor na mabilis namang tumango. "Of course, tinawagan ko na rin si Cassandro para sabihin na kasama ka namin, he seems to be pleased by the coincidence." Saad ni Mayor, "I hope you find Alisa who is definitely not my daughter. Definitely not." Dugtong nito saka tumayo na, "let's go home." Tumayo na silang lahat, tumayo na rin ako at sumunod. "Sundan mo na lang ang kotse ko, okay?" Nakangiting saad ni Alison sa akin, tumango naman ako at sumakay na sa ba