Does it mean that Alisa is here? Nasa Alta Rio siya? Mabilis akong lumabas sa kwarto ko para pumunta sa kwarto ni Alison, hindi ko alam pero may nagtulak sa akin na sabihin sa kanya na may clue na rin ako sa wakas, nang nasa labas na ako ng kwarto ko ay bumungad ang madilim na at tahimik na pasilyo, napatingin ako sa kanan at kaliwa ko na may pinto. Saan sa dalawang ito ang kwarto ni Alison? Napaggitnaan pala ang guestroom kung nasaan ako ng dalawang kwarto, nagbuntong hininga ako, nasa pangalawang pinto ako, tumungo na lang ako sa pangatlong pinto instead of going to the first door. Kumatok ako sa pinto, "Alison?" Ilang beses kong tinawag ang pangalan niya ngunit walang sumasagot, pinihit ko na lang ang busol ng pinto at agad naman itong bumukas, dahan dahan kong binukas ang pinto at s