bc

Owning Mistake (2nd Gen #5)

book_age18+
4.1K
FOLLOW
18.2K
READ
possessive
family
manipulative
badboy
goodgirl
confident
drama
comedy
mxb
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Living with her bestfriend is a good for her. Being unwated child is never easy. She only wants is their love, attention and hugs. But, she knows that will never come. But still she tried the best to be top, make them proud. Anjoe is always there for her for good and bad. One day, bigla nalang s'ya pinakilala ng parents ni Anjoe as his fiance.

chap-preview
Free preview
SIMULA
"Sa'yo na 'yang anak mo! Si Mama na nag-alaga d'yan kaya ikaw naman!"   "Hindi ko pwedeng dalin ang batang 'yan! Alam mo naman public lif----"   "So, sino mag-aalaga sa kan'ya?"   Tahimik lang ako nanonood sa pag-aaway ng mommy at daddy ko. Hindi ko sila maintindihan kung bakit sila na- aaway dahil sakin kung bakit hindi nila ako maalagaan. Kaya naman lagi kong kasama si Mama kasi s'ya lang ang nararamdaman kong may love sakin. Bakit di nalang sila ang mag-alaga sakin pareho, sabi ni mama prinsesa daw ako kaya wag daw ako sad.   "Ibibili ko ng condo ikaw kumuha ng yaya n'yan."malamig ng sabi ng daddy ko.   Agad akong bumaba ng upuan saka lumapit kay daddy. Tumingin ito sakin pero isang malamig ng tingin lang. "Asan mama ko?" tukoy ko sa mama ko ni mommy ko. "Sabi ni mama ko babalikan n'ya ko. Gusto ko kay mama." inosenteng sabi ko.   "Wala na ang mama ko. Kaya mamumuhay kang mag-isa."   "Hindi ko kayo kasama?" takang tanong ko pa.   Walang pumansin sakin at tumalikod sila pareho. Naglakad ako papunta sa sofa saka nalang nahiga don at pinikit ang aking mga mata dahil inaantok na ko. Kung nandito siguro si Mama papatulugin n'ya ko sa tabi n'ya tapos hahalikan ang noo ko.   Pero nagising ako ay nasa isang malaking kwarto na ko. Bumaba ako nang kama at saka lumabas ng kwarto ko pero may nakita akong dalawang yaya do'n.   "Bakit kaya ayaw nilang makasama ang anak nila?"   "Isang pagkakamali lang naman. Kita mo? Mistake pangalan."    "Anak sa labas?"   "Tumpak!"   Dahan dahan akong lumabas at napatingin sila sakin. Mabilis silang umayos ng tayo pero di ko sila pinansin. Hindi ko alam kung san ako pupunta pero sinundan ako ng isang yaya. Napangiti ako ng makita ko ang isang kusina na maliit. Tinulak ko ang upuan papunta sa ref at saka binuksan 'to.    "Milk!" sigaw ko.   Mabilis lumapit sakin ang Yaya at binuhat ako. "Gusto mong gatas?"   "Opo! Pero wag mong sasabihin kay mama ko? Gagalit sakin 'yon kasi five na ko pero dede pa ko. Tapos gra-graduate na ko sa isang buwan honor ako!" masayang sabi ko sa kan'ya pero tinitigan lang n'ya ako.   "Diba may pasok ka?"   "Opo!"   Inayos n'ya ang milk ko at saka binigay sakin ang isang baso. May binigay sakin Card si daddy saka si mommy pero di ko alam kung para saan 'yon pero sabi n'ya ay bilin ko daw gusto ko pero wag ko sa kanilang sabihin.    Binigyan ako ni Yaya ng sandwich at saka ako bumalik sa kwarto ko para maligo. Tinuruan ako ni mama kung paano maligo mag-isa at kung paano magbihis na mag-isa. Kaya naman sanay na ko dahil sabi ni mama ko pag daw wala na s'ya kaya ko na daw mag-isa.    Wag ko daw s'ya hahanapin at wag daw ako iiyak pag wala na s'ya.   Eto ba sinasabi n'ya?   Babalikan n'ya pa kaya ako?   Sinuot ko ang isang yellow kong uniform na dress at saka sinuklay ang buhok ko. Nag pabango ako at pinolbohan ko ang likod ko. Kinuha ko ang black kong bag saka lumabas. Nagulat sakin ang dalawang yaya ko saka ngumiti ako.   "Baon ko." lapag ko ng kamay ko.   Kailangan ko ng pera para may pambili ako sa canteen.    "H-Huh?"   "Baon ko. Wala akong pambiling food saka pamasahe sa school pabalik."   "Sabi ni Ma'am bigyan daw 'yan ng five hundred. May cash syang binigay sakin para sa pamasahe ng bata."   "Akala ko ba nanakawin natin?"    Nanlaki ang mata ko kaya naman lumabas nalang ako ng bahay ko pero hindi kalsada ang nakita ko hindi pinto din ng katulad ng sakin. Biglang naglock pinto at saka ko binuksan pero ayaw na.   Kinuha ko ang cellphone ko saka ko priness ang one.    "Hello? Anong kailangan mo?"   "Mommy, paano to? Hindi ako marunong pumasok sa loob ng house ko. Tapos sabi ng dalawang yaya ko nanakawin daw nila yung pera. Paano ako papasok?"   "Bahala ka na sa buhay mo."   Pinress ko ang number two na number at saka tinapat ko sa tenga ko. "What?"   "Daddy, paano ako papasok sa new house ko eh ayaw mag- open nong lumabas ako? Tapos sabi ng dalawang yaya ko nanakawin dahil nila yung pera? Wala akong baon? Daddy pano ako papasok sa school?"   "May papauntahin ako dyan. Mag hintay ka."   Umupo muna ako sa isang gilid at saka tumingin sa tapat ng pinto ko.    Sabi ni mama wag daw ako iiyak kahit anong mangyare. Kailangan ko daw maging matapang, kailangan ko daw maging magaling para mahalin ako ni Mommy saka ni daddy. Gusto kong mahalin nila ako para pwede na kaming tumira sa isang bahay.   Noong natulog si Mama tapos di na nagising pumunta ako sa bahay ni mommy pero ang tagal nila akong hindi pinagbuksan kaya naman naiiyak na ko pero di ko ginawa. Nag hintay ako don kahit antok na antok na ko kasi doctor mommy ko sure ako kaya nyang gisingin si Mama.   Dumating na ang isang lalake na nakilala ko 'to dahil s'ya ang secretary ni daddy! Mabilis ko s'yang niyakap at hinalikan ako sa noo. "Mag nanakaw dalawa kong yaya."   "Tara. Tignan mo pipindutin ko."   Pinanood ko ang pinindot nya at nanlaki ang mata ko na nag bukas ang pinto. "Wow Magic!" natawa s'ya nangg mahina. Sinarado n'ya ang pinto at ako naman pinapindot n'ya at nabuksan ko to.    "Alam mo na paano ka papasok?"   "Opo!"   Bumukas ang pinto at nakita namin ang dalawang yaya ko na nag bibilang ng maraming pera. Agad pumunta si secretary ni daddy para kunin 'yon. "Umalis na kayo dito."   "P-Po?"   "Alis!"   Mabilis umalis ang dalawa at naiwan kami ni Secretary. Binigay n'ya sakin ang maraming pera at hinila nya ko papasok ng room ko. Nilagay nya ang pera sa isang tabi at tinuro sakin 'yon. "Kukuha ka lagi ng five hundred don para sa pamasahe mo okay? Tapos sa school naman ay gamitin mo ang card mo para bumili ka ng food. Wag kang pupunta ng mall mag-isa tulad ng ginawa mo noon nag-aalala si mama mo."   "Opo!"   "Press mo ang number three pag kailangan mo ng tulong at dadating si super secretary!"   "Yeheeey! May hero ako!" ginulo n'ya ang buhok ko at saka lumabas na kami don.    Hinatid n'ya ko sa school ko pag katapos non. Masayang masaya ako bumabaa ng kotse at agad ako tumingin sa mga kaklase kong lalake at babae.   "May daddy ka na?"   "May daddy naman talaga ako ah?" sagot ko sa kanya.   "MISTAKE!"   "MIS TA KE 'YON SABI NG LOLA KO! MALI MALI KAYO NANG BASA!" Galit na sigaw ko sa kanila.   "Sabi ni mommy mistake daw hindi MIS TA KE!"   "MIS TA KE NGA!"   Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak. Hindi ako makikipag-away, nag promise ako kay mama bago n'ya ko iwan. Tumakbo na ko paalis don at mabilis ako pumasok sa room ko. Umupo ako sa pinaka dulo saka tumingin sa harapan.   "Second si Anjoe, Lyricko." napatingin ako sa babaeng maganda at isang laging pogi. Nakangiti sila habang nakatingin sa card.   Bumaba ako ng upuan ko saka kinalabit sila. "Ako first honor." pagmamayabang ko.   Pumantay sakin 'yung magandang babae. "Sabi kasi lola ko dapat daw galingan ko sa school para i love na ko ni mommy saka ni daddy." nakangiting sabi ko. "Gusto mo invite kita sa new house ko?"   "Pwede ba?" mabilis akong tumango.   "Mom..." napatingin kami kay Anjoe na may iniinom na chuckie. Lumapit ako sa kanya at kumunot ang kanyang noo.    "Penge ako."turo ko sa chuckie n'ya.   "No. I am a boy, you should not drink my chuckie."   "Andamot damot mo! Sabi ni mama pag daw hindi nag bibigay ang isang bata mapupunta daw sa hell."   Mabilis nitong inabot sakin ang chuckie nya kaya ininom ko agad 'yon. "Sorry ah? Gutom kasi ako. Kasi yung yaya kong dalawa mag nanakaw kaya nasumbong ko kay Super Secretary. Isang sandwich lang binigay sakin eh si mama ko pag ni reready breakfast ko maraming rice para malakas energy."   "Mama mo? Totoong mama mo?"   "Hindi po. Lola ko s'ya."    May nakita akong awa sa kanyang mga mata. "Wala s'yang daddy saka mommy, Mommy. Mistake pangalan n'ya." mabilis kong binato si Anjoe dahil don.   "MIS TA KE NGA 'YON! SABI NG MAMA KO!" naiiyak na sigaw ko sa kanya.   "Mistake..." napatingin ako kay teacher.    "Lagi nalang ako aaway ng classmate ko dahil sa name ko. Tapos lagi nila sinasabi na wala akong mommy at daddy kahit meron naman! Hindi lang nila ako mahal pero may mommy at daddy ako!"   "Shhh, Mistake. Ayos ka lang ba?"   Pinunasan ko ang luha ko saka tumingin kay Anjoe. "Akala ko mabait ka. Bad ka din pala!"   Mabilis ko s'yang tinulak saka pumunta sa desk ko para dumukdok.   Nagsimula na ang klase namin pero ako tahimik lang. Pag may alam akong sagot agad kong sinisigaw at napapatingin sila sakin. Hindi naman nangingielam teacher ko don kasi alam n'yang bad mood ako. Kaya naman marami akong star ng lumalabas ako sa room.   "MISTAKE!" sabay sabay nilang sigaw.   "MIS TA KE NGA E! KUKULIT NYO!" sigaw ko sa kanila pero natawa lang sila.    "Kids, bad 'yon!" sigaw ng teacher ko sa kanila.   Nilampasan ako ni Anjoe at saka tumingin sa kan'ya. Pumunta sya sa mommy nya na nakangiti sa kanya habang may kasamang isang babaeng maliit at isang babaeng maliit din pero iba na uniform nila samin. Tumingin sakin ang mommy n'yang maganda at saka ngumiti.   Umiwas ako ng tingin saka na ko nag lakad paalis. Nilampasan ko sila saka tumingin ako sa mga taxi.   "Bakit 'ua pinapalabas ang bata ng walang sundo?" napatingin ako sa magandang mommy ni Anjoe.   "Eh? Ma'am, wala naman po talaga sumusunod d'yan. Papasok at uuwi po talaga ng mag-isa 'yan." nagulat s'ya sa narinig n'ya.   Lumapit sakin ang magandang mommy ni Anjoe. "Mommy! Let her! Let's go to the jollibee!" sigaw ni Anjoe.   "Hindi ko naman aagaw mommy mo. Arte arte mo magkakaroon din akong mommy!" sigaw ko sa kanya at tumalikod ako sa mommy n'yang maganda pero humarap ulit ako. "Ba't maganda ka?" nagulat s'ya sa tanong ko. "Mas ganda ka sa mommy ko."   "S-Salamat."   "MOM!"   "Anjoe! Shut up!" sigaw ng babaeng maganda.   "Ikaw lang bad sa mga kapatid mo, Anjoe! Forever kitang hindi bati!"   Mabilis akong tumakbo paalis don saka pumara ng taxi. Sumakay ako don saka sinabi ko kung san akong Condo nakatira tulad ng sabi ni Super Secretary ni Daddy. Binigay ko sa kan'ya ang one hundred pero sabi nya kulang kaya ginawa kong two hundred at pinayagan na nya ako bumaba.    Pumasok agad ako sa loob ng building at nilapag ang bag ko para maabot ko ang number floor dahil sabi ni Super secretary.   Nang mapindot ko yun ay mabilis na kong bumaba saka inayos ang gamit ko. Mabilis lang bumukas 'yon at tuloy tuloy ako sa new house ko at pinindot ang number don. Dahil gutom na ko ay agad ako dumiresto sa kusina at tumingin sa ref pero puro fruit saka chocolate 'yon.   Tumingin ako sa cabinet saka kumuha ng upuan para umakyat don. Napangiti ako ng makakita ako ng noodles. Kumuha ako non saka binuksan ko, kinuha ko ang heater at nilagyan ko ng tubig 'yon saka inayos.   But nalang marunong ako. Galing talaga mama ko.   Nang alam kong mainit na 'yon at binuhos ko na sa noodles ko pero pati ang wrist ko ay nalagyan kaya umiyak ako dahil masakit. Sinarado ko 'yon saka nilagay sa mesa. Panay ang blow ko sa wrist ko dahil masakit at 'yon nalang ginawa ko saka pumunta sa kwarto.   Gumawa ako ng homework at hindi na kumain kasi wala naman akong alam paano mag mluto. Natulog ako nagugutom at gumising ulit na nagugutom. Hanggang tanghali ako nagugutom, ayoko na mag noodles kasi napaso ako.   Pumasok akong hawak hawak ang tiyan ko at nanginginig ang katawan ko sa gutom. Hindi ko alam kung san ako kakain pero siguro after nalang ng school ko saka ako pupunta jollibee tutal may extra ako pamasahe. Gagamitin ko card ni mommy saka ni daddy.   Nang makarating ako don ay hindi ko pinansin ang umaaway sakin. Pumasok ako at hindi sumagot sa klase dahil sa gutom ko. Lumabas ako at hindi pinansin ang kahit sino don.   "MISTAKE!" Napatingin ako sa teacher ko.   "Graduation mo na ah? Sa mismong graduation mo susuotin ang toga mo na nandon sa desk ko? Hindi ko muna papauwi 'yon sa'yo no? Aattend ka kasi first honor ka."   "Dadalin ko ba mommy ko saka daddy ko?"   "Oo naman!"   "Sige! Marami akong medals diba?" tumango teacher ko pero napatingin sya sa wrist ko.   "San mo nakuha 'yan?" turo nya.   Lumapit sakin ang mommy ni Anjoe na maganda. "Napano 'to?"   "Luluto akong noodles kahapon nabuhusan s'ya. Hindi pa ko kakain kasi mula kahapon kaya pupunta ako jollibee para bumili ako ng maraming pag kain." huminga ng mahinga ang teacher ko.    Lumapit sakin si Anjoe pero inirapan ko s'ya. Hinila ko na ang wrist ko saka umalis don.   Tuloy tuloy akong lumabas saka sumakay ng taxi para sabihin na sa jollibee. Mabilis akong bumaba don at saka pumasok sa jollibee. Tumalon talon pa ko para makita ako pero hindi ako nakita.   "Next please.   "AKO NEXT!" sigaw ko pero nagulat ako ng may bumuhat sakin.   Nakita ko ang daddy ni Anjoe na nakangiti. "Ayan, kita ka na."   "Salamat!"    Kinuha ko ang card ko sa bag ko. "GUSTO KO NG MARAMING CHICKEN NA YON TAPOS WATER. SABI KASI MAMA KO WAG DAW AKO IINOM SOFTDRINKS BAKA DAW UTI AKO."    "Ang cute mo naman. Ikaw lang ba mag-isa dito?"   "First honor ako sa school ko. Lagyan mo din ng maraming rice ah? Mga five rice o six." sabi ko sa kanya para may bukas ako kakainin.   Binigay ko ang Card ko at umandar 'yon. Binaba ako ng Daddy ni Anjoe at binuhat ko ang binili ko. "Salamat po!"   Tumingin ako kay Anjoe na nakatitig sakin pero inirapan ko lang s'ya. Tuloy tuloy ako sa pag lalakad sa labas saka tumawag ng taxi. Sumakay ako don at saka sinabi ko ulit ang building ko. Pag dating ko don ay kumain ako ng kumain at ng matapos ako ay lumabas ako para pumunta sa bahay nila daddy.    "WHAT ARE YOU DOING HERE?!"    Sabi ni mama kapatid ko daw sila kaya dapat daw mabait ako sa kanila. "Asan si daddy?" nakangiting tanong ko.   "He's not your dad!" maarteng sabi ni nestle sakin. "Dyan ka! Wag kang papasok!" sigaw n'ya sakin.   Inabot ako hanggang madilim na madilim na pero wala parin si daddy. Nilalamig na ko pero di parin ako pwedeng umalis kasi kailangan ko sabihin kay daddy na kailangan sya sa graduation ko sabi ng teacher ko.   Hinampas hampas ko tuhod ko saka hita ko dahil maraming lamok. Nikamot kamot ko pa 'yon at nag talon talon ako ng makita ko ang car ng daddy ko. Huminto ito sa harapan ko at bumaba s'ya.   "What are you doing here?!" sigaw nya sakin at napasibi ako.  "I mean what are you doing here?"   "Sabi teacher ko kailangan ko ng daddy saka mommy sa graduation ko dahil marami akong medal. Punta ka daddy ah?" tumango s'ya sakin at mabilis ko s'yang niyakap ng mahigpit.   "Hatid mo na 'to pauwi." utos nya sa driver n'ya.   SUmakay na ko don at saka bumulong sa driver. "Kela mommy pa ko."   "Huh pero sab ---"   "Shhhh ka lang."   Papikit pikit ako habang nasa byahe. Pero hindi pwede kasi kailangan ko maabutan si Mommy ko don dahil sa graduation ko.   Kaya naman ng makarating ako don ay umupo lang ako sa gilid. Kasi kung papasok ako ay baka magalit sakin si mommy. Mabait yung asawa ni mommy saka yung anak ni mommy pero ayaw talaga sakin ni mommy, ayokong magalit s'ya sakin. Ayoko non kaya kailangan dito nalang ako.   Tinignan ko ang binti ko dahil sa marami ng pantal at nangangati. Hindi ko alam kung anong oras na pero kailangan ko parin mag hintay kay Mommy. Tinignan ko cellphone ko at nakita kong 2am na 'yon.   Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig.   "MOMMY!"   Nakita ko syang nag lalakad habang naka fitted skirt sya saka blouse na mahaba ang manggas. "WHAT ARE YOU DOING HERE?!"   "KASI MOMMY GRADUATION KO NEXT MONTH. RAMI PO AKONG MEDALS, PUNTA KA AH? KASI PUNTA DADDY KO!"   "Oo. UMALIS KA NA DITO."   "SIGE PO!"   Masayang masaya akong nag lalakad palabas don saka pumara ako ng taxi. Nakauwi ako ng ligtas at saka pumasok ako sa room ko at natulog agad.   Nang magising ako ay late na ko sa school. Kumain ako ng jollibee ko tira kagabi saka ako pumasok ng di naliligo. Tumingin ako sa binti ko  na puno ng pantal at super na nangangate talaga s'ya.   Nakarating ako sa school at pumasok ako sa loob ng room. "Ba't ngayon ka lang?"   "Galing po kasi ako kela Mommy at daddy kagabi." nakangiting sabi ko saka tumingin sya sa binti ko.    "Napano binti mo?"   "Kagat po ng lamok."   Pumunta ako sa upuan ko saka umupo don. Masayang masaya ako nagsagot sa kanila. Ako huli lumabas ng room saka nag lakad. "Mistake! May sasabihin si Anjoe!" tawag sakin ng mommy ganda ni Anjoe.   "Ano 'yon Mommy ganda ni Anjoe?" natawa ito ng mahina sakin.   "Anjoe..."   "I am sorry for teasing you. Let's be friends."   Tinanggap ko yun pero agad bumaba ang kamay ko sa binti ko dahil sa kati. "Ano nang yare d'yan? May allergy ka ba?"   "Di po. Lamok po kagabi. Galing kasi ako kay Mommy kagabi mga two am po. Tapos nag lakad ako umuwi palabas ng village."   "A-Ano?! Bakit hinahayaan ka ng ganon?!" nag shhh ako sa kan'ya.   "Kasi po di ako love mommy ko saka ni daddy. Kaya po kailangan ko maging magaling para mahalin na nila ako at alagaan nila ako." may tumulong luha sa mga mata nito. "Bakit ka iiyak? Di ka din love mommy mo?" inosenteng tanong ko.   "Hindi ka dapat ganito. Mas'yado kang bata."   "Po? Wag mo sila susumbong sa DSWD." Galit na sabi ko saka tinulak s'ya.    Mabilis akong tumakbo paalis don saka sumakay ng taxi. Pag nag sumbong sila sa DSWD mas magagalit sakin sila mommy saka si daddy kaya dapat hindi sila mag sumbong.   Kinabukasan ay tumatakbo ako papunta sa room ko habang hawak hawak ang tiyan ko. Hindi nanaman kasi ako nakakain kahapon saka kanina, kaya pupunta ako mamaya sa mall pala bumili ng pag kain ko para di na ko nahihirapan.    Tahimik lang ako sa dulo ng upuan ko habang hawak hawak ang tiyan ko na nag lwawala. Hindi ako sumasagot dahil hindi ko alam kung ano ang topic nila, first honor parin naman ako kahit na hindi ako nakikinig sa kanila kaya naman ng matapos na ang klase ay mabilis kong inayos ang gamit ko saka tumakbo palabas.   "MISTAKE!" huminto ako sa tawag ng mommy ni Anjoe. "I'm sorry. Hindi na kita susumbong. Gusto mo sumama samin kumain?" tumingin ako kay Anjoe na seryosong nakatitig sakin.   Napahawak ako ng mahigpit sa tiyan at biglang tumunog. "T-Tara na?"   Tumango ako sa Mommy ni Anjoe pero ang kinagulat ko ay inalis nya ang bag ko sa likod at binigay kay Anjoe 'yon. Binuhat nya ko saka hinalikan. "Ang bango bango mo naman."   "Pwede pag tapos natin kakain, hatid mo ko mall." nagulat s'ya sa sinabi ko. "Bibili ako madaming food para di na ko gugutom."   "S-Sure!"   Nag lakad na sya palabas ng gate at pumasok kami sa isang magandang kotse. Pumasok din si Anjoe at umupo sa tabi ko at nakita ko ang daddy n'yang pogi sa harapan kasama nag mommy n'yang maganda.   "Anjoe, kabit mo seatbelt ni Mistake." utos sa kan'ya ng daddy nya na agad n'yang ginawa sakin.   Tumingin ako kay Anjoe at ngumiti ako sa kan'ya pero agad s'ya nag-iwas sakin ng tingin. Ngumuso lang ako sa kan'ya at mabilis kong dinikit 'yun sa pisnge nya habang kinakabit n'ya seatbelt sakin.   "What are you doing?!" inis na sigaw n'ya.    "I kissed you." sagot ko sa kan'ya.   "Anjoe." walang nagawa si Anjoe kundi umayos dahil sa tawag sa kan'ya ng mommy n'ya.   Nakarating kami sa jollibee at inalis ko ang seatbelt ko pero di ko magawa. Ilang beses ko ginawa pero di ko parin magawa. "Anjoe!"   "Tsk. Ayaw ko ikikiss mo ko!"   "Hindi!" sagot ko agad saka tumawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.6K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.5K
bc

My Husband's Mistress

read
298.0K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.7K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook