Nakangiti akong nakaharap sa salamin habang naka suot ng isang fitted miniskirt at isang white polo na uniform namin sa Alvarez. Noong grumaduate ako ay agad akong nag trabaho para sa sarili ko. Hindi na ko umaasa sa pera ng daddy at mommy ko. Wala na kong inaasahan kundi ang sarili ko.
Madali lang naman akong napasok sa trabaho dahil na kay Anjoe. Anjoe is my boy bestfriend na laging nandyan sa oras na kakailanganin ko. He always there for me, sya ang kasama ko sa lahat. Alam nya ang lahat sakin, tungkol sa daddy ko sa mommy ko at lalo na sa pagiging anak ko sa labas.
Isa akong anak sa labas na parehong kinahihiya ng dalawang side ng magulang ako.
Masakit man isipin pero kailangan kong tanggapin.
Si Mama lang ang kasama ko noon pero maaga nya kong iniwan. Ang akala ko umalis lang sya pero wala na pala talaga s'ya. Napaka inosente kong bata para sa ganon sitwasyon at hindi ko man alam na iniwan na nya pala ako. Iniwan na ako ng mama ko dahil sa sobrang katandaan nito.
Ang kakaisang taong nag bigay at nag paramdam sakin ng pag mamahal ay wala na. Kaya tiniis ko ang sarili ko na mag isa.
Wala man ako kaalam alam noon. Ang gusto ko lang ay sila at wala ng iba. Pero pinag damot pa nila sa isang batang walang muwang at tiniis nila ang batang 'yun.
Five years old girl, nag gro grocey? five years old girl nag susubok na mag luto kahit mag kanda paso paso na. Ni wala man silang pakielam sakin? Ni hindi man nila ako binisita kung maayos lang ba ako? And worst? they banned me in their village. Ganon ba nila kaayaw sakin? Pero bakit hindi nalang nila ako pinalag lag kung gaganituhin lang nila ako? Nabuhay lang ako dahil sa isang gabing pag kakamali.
Mistake?
What a name, right? Gano'n s'ya kagalit sa akin para pangalanan ako ng gan'yan. Ang sakit at hirap. Lagi ako tinutukso sa school dahil sa pangalan ko, dahil wala akong mommy at daddy.
Si Mama, para sa kan'ya ay isa akong blessing na ayaw n'ya mawala kaya inalagaan n'ya ako at hindi hinayaan mag isa.
Napabuntong hininga ako at saka kinuha ang bag ko. Sa pag labas ko ng pinto ng condo ko ay nakita ko si Anjoe na may dalang isang basong gatas at nakaayos na din ito.
Agad ako napangiti.
Ang isang taong hindi nag dalawang isip na mag stay sa tabi ko. Ang isang tao walang ginawa kung hindi tulungan ako sa lahat.
Minsan ko ng nakitang umiyak si Anjoe, noong namatay ang Lolo nya. Sobrang pag tatago ang ginawa ko don, pumunta ako don at buti na lang walang nakakita sakin. Pasikreto akong pumunta sa kanila para lang damayan sya. Tinabihan sa pag tulog. He cried too much that time at ako ang nandon dahil kahit ang mga kapatid nya ay nasasaktan din.
Lahat sila nasasaktan sa pag kawala ng Lolo nila.
"Ang aga mo? Anong oras nag Sarado ang Club A kagabi?" i asked.
"I don't know. Maaga ako natulog kagabi dahil may meeting ako." napatango ako sa kanya.
Saka tinitigan ako gamit ang kan'yang mapupungay na mga mata.
Nang maubos ko ang gatas ko ay mabilis ko sa kanyang inabot 'yon. Pumunta ako sa sala para ayusin ang kalat na ginawa ko kagabi.
"Let's go."
Kinuha n'ya ang bag ko at nag simula na kaming dalawang lumabas. Humihikab hikab pa kong nag lalakad patungo sa elevator. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ako ng mahuli ko s'yang nakatitig sakin.
Anjoe is handsome like his father. Kung tutuusin mas gwapo pa sya sa mga kapatid n'ya eh pero may mga pag kahawig sila but for Anjoe is the most handsome. Hinawakan n'ya ang wrist ko at nag simula syang pumindot pero may babaeng humabol. Hinihingal hingal ito habang inaayos ang gamit.
Pinindot na ni Anjoe ang elevator para mag sarado ito ng tuluyan. "Oh gosh! My phone!" napatingin sakin pero ng napatingin s'ya kay Anjoe ay biglang umawang ang labi nito. Titig na titig s'ya dito na para bang walang pakielam kung mahuli s'ya nito.
Alam ko na ang mga gan'yan. Kahit noon pa naman ay talagang halos lahat napapatingin na kay Anjoe. Ang gwapo ba naman ng bestfriend ko.
Umayos pa ito ng tayo at saka humarap sa pinto. Hindi na 'to muling lumingon samin. Nang bumukas ang pinto at lumabas na kaming dalawa ni Anjoe. Hindi ko maiwasan tignan pabalik ang babaeng 'yon. Tinaasan n'ya pa ako ng kilay at napabuntong hininga na lang ako.
Iba talaga dala ni Anjoe sa mga kababaihan. Wala pang ginagawa ay nakukuha nya agad ang mga atensyon nito paano pa kaya kung may gawin s'ya diba?
He's handsome enough. His cold treatment na nag papadagdag ng kagwapuhan nya.
Hindi ko alam kung paano ko nga sya noon naging kaibigan e. Basta bigla na lang naging mag kaibigan dahil sa halik na binigay ko sa kanya sa backseat ng kotse ng magulang nya. Tapos mommy n'ya pa ang umakyat noong graduation ko, pati noong elementary highschool and college.
Malapit din ako sa magulang nya and kay Angelo, is okay naman. Pero di ko pa nakakausap ang mga kinakapatid nya at isang beses pa lang din akong pumunta sa kanila kaya naman nakilala ko si Lander at Lana.
Tapos nag karoon pa ng problema ang Alvarez. Ang pag kawala ni Sena pagkatapos nito ma rape. Ang pag tatanan ni Ate Angel at ni Kuya Saimon pero ngayon ayos na. Masaya na silang lahat, halos tatlong buwan na nakalipas simula nang yare 'yon. Maayos na ang lahat ngayon pero si Sena ay nasa ibang bansa para mag pagaling dahil sa nang yare sa kanya.
"My mom wants to see you. Almost half a month simula ng sumabay ka samin ng dinner."
Sumakay ako sa kotse n'ya. "Nahihiya ako."
"Tss." napanguso ako sa kanya. "Kailan ka ba hindi nahihiya?" med'yo inis na sabi n'ya sa akin.
"Paano kasi alam k---"
"Ano bang mali kung makilala mo ang mga kinakapatid ko? Wala naman, 'di ba?" natahimik ako. "Mag kakaroon kami ng dinner and i want you to be there."
"Okay." napatitig s'ya sakin. "Sasama ako pero wag mo kong iiwan ah." napatango sya sakin at mabilis hinalikan at sintido ko.
Nag simula na sya mag drive at hinatid ako sa Alvarez Corp. Bumaba ako don at saka mabilis na nag lakad papasok sa loob para lang walang makakita. Dire diretso ako pumasok at pumunta sa cubicle ko. Binaba ko ang bag ko saka binuksan ang laptop ko.
"Mag kakaroon nanaman daw ng Dinner party ang Alvarez, sigurado ako nandon na naman ang mag pipinsan! Ang kaso lang may mga asawa na 'e."
'Yun agad ang bumungad na usapan sa pag pasok ko. Sanay naman na ako sa gan'yan, noon pa naman ay talagang ganito na usapan kung gaano kagwapo ang mga Alvarez, kung gaano ka hot.
"Yung anak ni Lyricko Mendez? Yung tatlong lalake wala pa. Kaya lang masyadong bata para satin si Lander at nakakatakot din tingin non."
"Imbitado naman daw lahat. Kung sino gusto pumunta." rinig ko pa sa ng isa.
"Punta tayo tapos mag damit tayo ng maganda."
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kung makaharap ko na silang lahat.
Kinuha ko ang mga papel at lapis ko para mag simula sa bagong project na dinisscuss saming kahapon. May bagong hotel na ipapatayo sa gawing Pasay at kailangan namin makuha 'yon ng ka team ko. Kailangan namin ng maraming sample na design na pwedeng ipakita sa kanila.
"Mistake." mabilis akong tumayo para tumingin sa tumawag sakin. "Gusto mo sumama sa Dinner party ng Alvarez?" tanong ng isang ka team ko.
Mabilis akong tumango at ngayon alam ko na kung paano ko maiiwasan si Anjoe sa mismong party. Pwede kong gamitin ang mga ka team ko na kasama ko para don, para hindi ko sila makasabay.
Ang galing ko talaga mag isip.
Napaupo at saka kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko. Mabilis ako nag compose ng text kay Anjoe na mag uusap kaming mamaya sa dinner namin para sa Dinner party na 'yon. Sasabihin ko na kasama ko ang mga ka team ko at matutuwa sya pag nalaman nyang may kaibigan ako.
"Anjoe, let's talk later about dinner party, okay? I miss you!"
Mabilis kong sinend 'yun saka tinago muli.
Seryoso lang ako habang pinag papatuloy ko ang pag gagawa ng design. Inalis ko muna sa isipan ko ang tungkol sa party na 'yon. Inalis ko muna sa isipan ko ang mga 'yon dahil kailangan ko mag focus sa trabaho.
"Mistake." napatingin ako sa ka team kong lalake. "Tignan mo nga 'to."
Mabilis nya sakin pinakita ang kanyang mga gawa at hindi ko maiwasan mapangiti. Unique and simple, pwede namin 'tong ipakita pero hindi bilang sample dahil kakaiba ang gawa n'ya.
"I like your design." napatingin sa kanya at bigla sya nag iwas ng tingin sakin.
"s**t s**t! Yung mag kapatid na Mendez!" mabilis akong napatingin sa pinto at don ko nakita si Angelo at Anjoe na seryoso ang tingin.
Tumingin s'ya sa pwesto ko at kumunot ang noo nya. Nalipat ang tingin nya kay Ramon na katabi ko dahil sa pinag uusapan namin ng design. Tinignan ko s'ya at mabilis syang umirap sakin. Inirapan ko din s'ya saka hinarap si Ramon.
Naiinis na naman 'yan dahil sa katabi kong lalaki. Ilan pa bang lalaki kakainisan n'ya? Lahat na lang ata ng lumalapit sa akin kinaiinisan n'ya kahit wala naman ginagawa.
"Isa ito sa ipre present natin. I don't know but i like your design, unique and simple." napatango s'ya sakin.
"Ano ba 'yung iyo? Baka makakuha akong idea."
Mabilis ko binigay ang dalawang design ko at tinitigan nya 'yon. Binaba ko ang kanyang design sa gilid ko dahil sa pag tunog ng phone ko. Kinuha 'yon at mabilis kong binuksan, nakita ko ang pangalan ni Anjoe.
"Who's that man?"
"You're too close."
"Mistake."
Napairap ako at mabilis ako nag tipa ng text. "He's my team, okay? Nag uusap kami about sa design." mabilis na reply ko sa kanya.
"Maganda din ang design mo. Ang alam ko kasi ang Alvarez, Funtabella at Mendez ang mag haharap harap para sa ipre present na mga design. Kaya nga nag karoon sila ng meeting ngayon. Alam mo naman 'di ba? They are top one, two three. Kaya wala na siguro mas yayaman sa kanila dito sa pilipinas."
"I-ibig sabihin 'yung hotel na ginagawa sa pasay?" napatango s'ya sakin.
"Si Anjoe at Lander ang mag sisimula don muna sila mag tre train para turuan sila sa pamamalakad ng hotel. Pati sa pag pili ng mga designs."
Hindi ko maiwsan kabahan dahil don.