Chapter 2

1926 Words
    Biglang nag vibrate ang cellphone ko at kinuha ko 'yon. Nakita ko ulit ang pangalan ni Anjoe at mabilis kong binuksan 'yon. Hindi parin talaga ako makapaniwala at buong akala ko ay gusto nya lang mag focus tungkol sa pinatayo nilang club na mag pipinsan. At don sya naka focus sa pinaka malaki na 'Club A'.     Hindi ko nga aakalain na papasukin nila yon dahil kilala ko si Anjoe. Hindi 'sya yung lalakeng mahilig sa mga alcohol drinks. Oo umiinom s'ya  pero hindi naman sya lagi nalalasing, alam n'ya ang limitasyon n'ya.     "He's too close, Mistake. Naiinis ako."      Napabuntong hininga ako. "Ramon back to your table, may gagawin pa kasi ak----"     "Mistake, tawag ka ni Sir. Chance." nagulat ako dahil doon.     "H-Huh?"     Nag kibit balikat lang ang katrabaho ko at wala akong nagawa kundi tumayo. Iniwan ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko at saka nag simulang mag lakad papunta sa elevator.   Nang makarating ako sa floor kung nasan ang office ni Sir. Chance ay tumingin ako sa secretary nya na nakangiti sakin. Tinuro nya ang pinto at mabilis akong pumunta don para kumatok.    "Come in." isang malamig na boses ang narinig ko at saka ako pumasok ng tuluyan.     Halos mapatalon pa ko sa gulat ng makita ko ang mag kapatid na si Anjoe at si Angelo, at sila Simon na kasama ang isang batang babae na anak nya kay Sena. Napatingin sila sakin at dahil don ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.   "Who are you?"    "G-Good morning sir. P-Pinapapunta n'yo daw po ako?"   Tinuro nya ang upuan sa harapan nya at mag lalakad sana ako don pero agad akong niyakap ni Snow sa mga hita ko saka ngumiti sakin.   "Who are you?"   "M-Mistake." kinakabahan na sagot ko.   Shit s**t!    Tumingin ako kay Anjoe na nag pipigil ng ngiti at talagang nasisiyahan s'ya sa nakikita n'ya. "Tita mama Mistake ba kita?" nagulat ako sa sinabi nya.     "Snow, bitawan mo s'ya. May trabaho s'ya." bumitaw sakin si Snow at saka ngumuso.      "Hindi ko sya tita mama, daddy?" she asked her dad.     Nag lakad na ko papunta sa upuan sa harapan ni Sir. Chance at sabay non ng pag abot n'ya sakin ng isang folder. Kinuha ko 'yun at saka binuksan ko, hindi ko maiwasan mapangiti ng binasa ko ang kontratang 'yon.     "I saw your designs and works last week. So, you're head of your team and everyone here admire your designs. Kaya naman napili namin ang team mo para sa design ng hotel sa pasay na patapos na."    Inayos ko ang buhok ko at pinag patuloy ko ang pag babasa sa kontrata. Pero hindi ako pwedeng mag desisyon ngayon dahil may team ako na kailangan kong makausap. Tumingin ako kay Sir. Chance na nakatitig sakin at nag hihintay ng sagot ko.   "Sir, i would like to tell this about my team. I want their opinions. "   "Sure. Then, tomorrow, you can back here." mabilis akong tumango at saka tumayo.   "Thank you for this opportunity, sir."     Nagulat nanaman ako ng maramdaman ko si Snow sa na nakayakap sa likod ng hita ko. "Hindi ba talaga kita Tita Mama?"    "Ehem!"   Napatingin ako kay Anjoe na nakatingin sa cellphone nya habang nag pipigil ng ngiti. Gusto kong tadyakan s'ya dahil sa ginagawa nya pero umakto nalang ako ng walang pakielam. Tumingin ako kay Snow at saka ngumiti.     "Hindi ako Tita mama, okay?" i smiled sweetly. "I have to go, Snow. Marami pa kasi akong gagawin na Work." ngumuso s'ya sakin.      "Sama ako."     Tumingin ako kay Simon na nag kibit balikat lang. Hindi ko alam kung ano gagawin ko, hindi ko alam kung isasama ko ba o hindi. Bahala na nga.     "S-Sige."   "Yeheeeey!"   Hinawakan nya ang kamay ko at saka nag simula na n'ya akong hilahin papunta sa pinto at binuksan 'yon. Tuloy tuloy kami sa pag labas hanggang makapunta kami sa elevator. Naka suot kasi sya ng isang yellow dress na may tatak ng star University kung san kami nag aral non ni Anjoe at kung san nag simula ang pag kakaibigan namin.     "Carry me!"     Bumukas ang pinto at may pumasok na dalawang babae at isang lalake na nakatingin sakin. Binuhat ko si Snow at saka yumakap sa leeg ko. "Hindi ba talaga kita Tita mama?" napakamot ako ng ulo. "Ba't kita ko muka mo sa phone ni Tito Papa Anjoe." nanlaki ang mata ko.     "B-Baka kamuka ko lang Snow." mabilis s'yang umiling saka tumahimik nalang.     Nang bumukas ang elevator ay lumabas ang lalake at kaming apat na babae na lang ang natira.  Tahimik lang kaming dalawa ni Snow habang nakayakap sya sa leeg ko. Kaya ng bumukas ulit ang elevator ay may pumasok na dalawang lalake at lumabas naman ang dalawang babae. Huminga ako ng malalim at pinindot nila ang elevator.     "Ikaw si Mistake Pastrana, 'di ba?" napatingin ako sa kanila at dahan dahan tumango.      "Sabi ko sa'yo, s'ya yon e." kumunot ang noo ko at ngumiti lang sila.      Nag kibit balikat lang ako ng bumukas ang pinto ng elevator ay lumabas na ko. Napatingin sakin ang mga ka trabaho ko at wala akong nagawa kundi mag lakad ng tuloy tuloy. Pumunta ako sa cubicle ko at saka naupo don.     "What is your work?" tanong agad ni Snow habang nasa kandungan ko.     Tumayo muna ako at saka inupo ko s'ya sa upuan ko.     Pumalakpak ako para makuha ko pa mas lalo ang atensyon nila. "Guys, i have a announcement." tumingin ako sa kalaban namin at ngumiti lang ako ng matamis.      Inirapan nila ako pero di naman ako papatalo sa pag irap. "This is pure good news." malakas na sabi ko at muling sumulyap samin.      "Weee? Dapat talaga good news 'yan ah!" natatawang sabi nila Liel.      "Ofcourse! Baka nga pumunta pa tayo ng Club A mamayang gabi dahil sobrang good news e!" pag sasagot ko dito.      Tumingin ako kay Snow na ngayon ay nakatayo na sa upuan. Mabilis akong lumapit don dahil baka mahulog s'ya.      "Tayo ngayon ang naka assign sa bagong hotel sa pasay! Team natin ang kinuha para mag design don!"      Tumingin ako sa kanila at pansin kong parang tulala sila. Tumingin ako sa likod ko at don ko lang napansin na nandin pala sila Anjoe, Angelo, Simon at Davin. Nakatayo ang mga ito na para bang mga modelo. Tumingin ulit ako sa mga ka team ko.     "Guys!"     Napatingin sila sakin. "Ano ba?"     "T-Totoo ba?" tumango ako.     Tinaas ko ang folder para sa kontratang 'yon. Isa isa lumapit sakin at natatawang tinignan 'yon. Muntik pa kong mabuwal pero buti nalang may sumalo sa likod ko at don ko nakita si Ramon. "Ayos ka lang?"     "Don't touch her!" nagulat ako sa sigaw ni Snow. "You don't have a rights to touch my Tita mama!" dugtong pa nito.   Nagulat ako dahil ako dahil galit na galit si Snow dito na para bang may ginawa sa akin na masama.     Lumayo sakin si Ramon at ngumiti lang ako sa kanya. "Wow! Hindi ako makapaniwala." napatingin ako kay Snow na masama ang tingin kay Ramon.      "Snow, Baby, aalis si daddy? Sasama ka ba?" napatingin ako kay Simon na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa anak.     "No! Dahil may isang guy na gustong nakawin ang bago kong Tita mama." napasapo ako ng noo kay Snow.   Nakakahiya sa mga sinasabi n'ya dahil baka ano isipin ng mga tao dito kahit wala naman dapat isipin.     "Hindi ako tita mama okay?" mabilis s'yang umiling sakin at saka umupo sa aking upuan. Tahimik lang syang nandon habang pinopolobo ang kanyang mga pisnge. Tumabi ako sa kanya at sinimulan kong buksan ang laptop ko para kunyare nag tra trabaho.     Hindi ko talaga maiwasan mailang pag nandyan sila.     Nahihiya ako at pakiramdam ko pinanonood nila ang bawat galaw ko. "Mistake! Club A tayo mamaya ah!" napatingin ako kay Liel na nakangiti. "Saka may pag uusapan tayo, alam mo na!"      "S-sige. Kita nalan tayo don."     "Okay!" she winked.     Ngumiti lang ako ng tipid at saka tumingin kay Snow. "Let's go, Davin, Angelo, Anjoe."      Nang makaalis sila ay saka ako nakahinga ng maluwag. Tumingin ako sa pintong pinag labasan nila at saka akong dumukdok.     Shit s**t! Bakit todo na lang ang kaba ko? Bakit ba nahihiya at natatakot akong makilala nila bilang kaibigan ni Anjoe?   "Tita mama, are you okay?" tumingin ako kay Snow saka tumango tango.   "Paano kita maihahatid?" ngumiti s'ya sakin at saka hinalikan ako sa pisnge.      "Don't worry po."      Napatingin ako sa kabilang side kung nasan ang mga kalaban namin. Masama ang tingin sakn ng head nila pero tinarayan ko lang sila.     "Huuy!"     Napatingin ako kay Liel. Nginuso nya si Snow na nag susulat sa isang bondpaper gamit ang lapis. Huminga ako ng malalim at saka tumingin kay Liel. "Close kayo?"      "Di ko alam kung bakit s'ya sumama sakin." napatango 'to sakin.   "Akala ko pa naman type ka na ng isa sa mga Mendez at Alvarez e." napairap nalang ako sa kanya.      Nang matapos ang trabaho ko ay agad kong binuhat si Snow. Hindi ko alam kung paanong nag tiyaga si Snow dito sakin. Kumain kami sa isang jollibee at masayang masaya pa nga sya don tapos nag take out kami. Natulog lang ng kaunti tapos ng magising nag hanap ulit ng jollibee.     Nilabas ko ang phone ko at saka ko napansin na maraming text si Anjoe sakin. Ni hindi ko na kasi hinawakan to muli dahil inaayos ko din si Snow. Binuksan ko 'yon at puro pang aasar lang ang meron don. Tapos may tanong tanong tungkol kay Snow.     Nag tipa ako ng text para sunduin ako at wala pang limang minuto ay nasa harapan na namin s'ya. Binuksan ko ang pintong 'yon at sumakay agad kami ni Snow.     "SABI NA E! TITA MAMA KITA E!" Masayang sabi nya. "WALA KASI AKONG TITA MAMA NA PANGET!" humagikgik s'ya at napailing nalang ako.   Natawa din ako ng mahina dahil sa sinabi ng batang 'to.     "Condo tayo. Mag luluto ako tapos gagayak ako para pumunta ng Club A." paalam ko dito habang inaayos ko ang sarili ko.     "Wag ka ng pumunta."     "Hindi pwede. Ihatid mo si Snow sa kanila, ako lang baba. Bumalik ka na lang, okay?"   "No! I will come with you, okay?" napatngin ako kay Snow. "Please po. Please, hindi po ako mag lilikot."     "Okay."     Nang makarating kami sa Condo ay agad kong sinuntok sa braso si Anjoe pero wala syang ginawa kundi tumawa ng tumawa. Sinipa sipa ko pa sya habang si Snow naman ay pinanonood lang kami.     "Nakakainis ka e! Bakit ba kasi nandon ka ah?"     Alam n'ya naman na nahihiya ako at naiilang ako pag nanonood s'ya. Tapos bigla na lang pupunta doon.     "What? What? Sabi mo miss mo ko?" i rolled my eyes at saka pumunta ako sa kusina para mag luto at mag saing.     Naririnig ko ang tawanan nilang dalawa ni Snow at iba pa. Kaya naman ng matapos ako mag luto ng sinigang ay tinawag ko na silang dalawa para kumain. Kumuha si Anjoe ng isang mangkok at nilagay ng kaunting kanin saka sabaw yon saka binigay kay Snow.      "Ihatid mo si Snow pag tapos nito. Aalis ako."     "Babantayan kita baka mapano ka. Madali ka pa naman malasing." tango lang ang na isagot ko.   Kilala n'ya talaga ako.   "Oo nga pala. Pupunta ang mga ka team ko sa dinner party kaya sa kanila na ko sasabay, okay?" napatigil ito saka tumingin sakin.     "Umiiwas ka na naman."     "Hindi ah!" sagot ko agad sa kanya pero umiling lang s'ya sakin. "Hindi nga kasi!"     "Oo na." napairap ako sa kanya at tumayo sya para halikan ako sa pisnge. Natawa lang sya ng mahina sa tenga ko bago bumalik sa kinauupuan nya.         ~  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD