Isang maingay na tugtugin ang sumalubong sakin sa loob. Maraming nag sasayawan sa dance floor na para bang wala na sa sarili, ang amoy na sigarilyo na nanunuot sa ilong ko. Kahit saan tumingin ang aking mga mata ay may nakikikita akong hindi kaakit akit sa aking mga mata.
Halos mga walang damit kung mga manamit. Ganito kasikat ang kanilang CLUB. Dahil nga alam nila na Alvarez ang may ari kaya ganito, sobrang daming tao at talagang pinupuntahan ng lahat.
"Hi miss! Are you alone?"
"No." nakangiting sagot ko at mabilis s'yang nilampasan.
This is my fourth time here dahil hindi naman ako mahilig dito. First time kong pumunta dito ay kasama ko si Anjoe pero may bantay ako na hindi ko kakilala. Second naman ay noong first project naming sucessful hanggang at ang third naman ay noong pasko and this is fourth dahil samin binigay ang project na pag dedesign sa hotel.
Kailangan ko makisama dahil ako ang team leader nila. Hindi ako pwedeng maging Kj.
Masaya kaming lahat dahil don. Dahil nga ako ang team leader ako dapat hindi mawawala dito.
Naka suot lamang ako ng isang skirt na kulay itim na pinatneran ng isang puting sandong hapit hapit sa katawan ko at isang leather jacket na nakapatong dito at isang sandals na nasa three inchess.
Para madaling makalakad dahil baka matapilok ako lalo na't madaming tao dito at halos wild na ang lahat.
May mga humaharang at nag bibigay sakin na inumin pero hindi ko tinatanggap. Isa 'yon sa tinuro sakin ni Anjoe dahil maari daw may drugs ang ihahalo don para mag init at mahilo ako. May mga lalake daw talagang sabik na sabik sa babae at gagamitin nila ang drugs nila para lang makuha ang mga ito. Kaya naman halos lahat ay tinanggihan ko.
Hindi ko magawang mag tiwala dahil sa pananakot ni Anjoe tungkol sa mga lalaki. Na katawan lang daw ang habol pag katapos iiwanan na, may gagawin daw kakaiba na kahit kailan hindi ko magugustuhan.
Sa gilid ako dumadaan at nag tuloy tuloy hanggang sa mapunta kami sa paikot na sofa kung nasan ang mga ka team ko. Halos pito lang ang nandito pero ilan kami sa team ko? Naiiling na lang ako.
Sinalubong ako nila Ramon at nila Liel ng isang halik sa pisnge. Lumapit ako sa mga ka team ko para bumati saka umupo ako. "Akala namin di ka pupunta e!" natatawang sabi ni Liel sakin.
Natawa din ako sa sinabi n'ya dahil halos hindi na ako makaalis sa Condo ko dahil sa yakap ni Anjoe sa akin.
"Hindi baliw. Kumain pa kasi ako saka alas nueve pa lang!" pasigaw na sabi ko.
Hindi kasi kami mag kakarinigan kung ganito sa sobrang lakas pa naman ng tugtog tapos dag dag mo pa ang sigawan ng mga tao dito. Sobrang daming tao at marami na din nag wawala sa dance floor at mga nag me make out.
"Anong gusto mo?" napatingin ako kay Liel.
"Lady's drink ako." sagot ko sa kanya.
Para naman hindi ako madaling malasing
"Don tayo sa counter! Balita ko sila Simon daw ang nandon kasama sila Saimon at Angelo, Anjoe basta! Nandon sila, tara!" hinila ako ni Liel kasama ang bestfriend nyang si Aida.
Naiiling akong sumama sa kanila kahit panay ang tawa nila. Ayoko talaga dahil hindi ako nakakagalaw ng maayos. Nag paalam ako kela Ramon, silang apat ngayon ang natira don sa sofa. Puro lalake silang natatawa samin habang nag pupunta kami don.
Nang makarating kami sa bar counter ay saktong pag labas ni Anjoe na naka puting polo habang bukas ang dalawang bitones kaya nakita ang dibdib. Hindi lang sya kundi pati ang kapatid nya at mga kinakapatid nito. Muka silang mga bagong gising dahil sa magulo nilang buhok.
Pero ang gwa gwapo nila. Maraming babaeng pumupunta dito para sa kanila.
"Ang hot nila!" sigaw ng dalawa sa gilid ko.
Nang umalis kami sa Condo ay nakaayos sya pero bakit nakaganito sya ngayon?
Hindi ko alam bigla akong nainis dahil don. Inikot ko ang paningin ko dahil halos lahat ng kababaihan ay nasa harapan ng counter. Si Davin ay naka simangot lang habang nag bibigay ng mga inumin sa mga babae sa harapan nya.
Inaya na ko nila Liel at ni Aida don. Umupo kami don at hindi ko maiwasan mahiya. Si Anjoe agad ang lumapit sa harapan ko pero inirapan ko lang s'ya.
Nakangiti s'ya sa akin na para bang ako lang ang gusto n'yang pag silbihan.
Hindi ko naman kasi alam ba't inis na inis ako sa ayos n'ya. Parang gustong gusto n'ya pang tinitilian sya sa ng mga kababaihan dito!
Inis ko syang tignan pero mas lumapad lang ang kanyang ngiti. "What is your order ma'am?" he huskily asked.
Halatang nang aasar pero syempre hindi ako papatalo sa kan'ya
"Jack daniels, three glasses!" mukang nagulat sya sa sinabi ko.
Tinaasan ko lang s'ya ng kilay. "What? Make it faster. Ganito ba kayo dito?" sinamaan ako ng tingin nito at pinigilan kong ngumiti.
Padabog syang tumalikod at saka may dala syang isang jack daniels na bote at tatlong baso. Nilagay n'ya yon sa harapan namin at sinimulan n'ya kaming lagyan. Mabilis kong tinungga'yon sa harapan ko at mas lalo kong nakita ang naiinis na tingin n'ya sakin.
Asaran pala ah.
"Girls! Let's dance?" aya ko sa dalawa.
"Mamaya na! Wala pa kong nararamdaman sa sarili ko." natawa ako ng mahina sa kanila at saka tumingin kay Anjoe na ngayon ay seryosong seryosong nakatingin sakin.
Kaya naman sa pangalawang salin at isang lagukan lang ginwa ko at ganon din ang dalawa sa tabi ko. Tumatawa sila habang pinag mamasdan nila ang nag gawa gwapuhang mag pipinsan at mga Mendez dito sa harapan namin. Kahit din naman ako ay naaliw. Hindi ko tinitignan si Anjoe dahil gusto ko s'yang inisin. Tumingin ako kay Angelo na seryoso lang na nag seserve habang usap sa kanya ng usap ang mga babae pero mukang walang pakielam.
"Do you have a girlfriend?" someone asked him.
"Yes." walang gatol gatol na sagot nito.
"Hmmm.. Really? Or baka sinasabi mo lang 'yan para lubayan ka namin?" nilabas ni Anjoe ang kanyang cellphone at may isang babae syang kasama sa litrato na nakayakap sa kanya. "W-What is her name?"
Hindi sumagot si Angelo at saka tumalikod. May pumalit na bartender don at nalipat naman ang tingin ko kay Davin na pilit na ngumingiti. "How's your married life?"
"May second wedding kami after three months dito sa pilipinas. Invited kayo." natatawang sabi ni Davin. "Ugggh! Sorry, i have to go."
Halatang gusto gusto n'yang pinag kakakat ang gano'ng salita. May mga ibang babae naman na naiinis kasi hindi talaga nila maakit si Davin.
Kinuha ko ang baso sa harapan ko pero pansin kong walang laman 'yon. "Hey!"
Mabilis nyang nilagyan 'yon at nilagok ko 'yun. Nakakaramdam na ko ng hilo at hindi ko pinapahalata 'yon sa mga kasama ko lalo na kay Anjoe. Tumingin ako sa Dance floor at maraming mga babaeng nag sasayawan at gumigiling don. Sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri ko saka tumingin kay Anjoe.
"Let's go home." bigkas nya ng walang boses pero umiling ako.
Halatang gusto n'ya na ako umuwi.
Nilagyan n'ya muli ng inumin ang baso ko at inubos ko agad 'yon. "So, Anjoe? Ikaw lang ata walang babae sa mga kasama mo?" he just smirked. "Are you single?"
"No." mabilis na sagot ni Anjoe.
Kumunot ang noo ko sa kanya. He has a girlfriend at wala man akong alam? Gusto ko sya batuhin ng baso pero di ko ginawa. At bakit ako naiinis? Ano naman kung may girlfriend sya? Dapat maging supportive ako. He's my bestfriend after all. All i can do is support him.
Natulala ako sa baso kong nilalagyan ng panibagong shot. Mabilis kong kinuha 'yon at saka ininom. Pinunasan ko ang bibig ko at saka humarap kay Anjoe na nakatitig sakin. Sobrang init at pakiramdam ko pulang pula na ko.
Hindi ko alam bakit para akong nawalan ng gana sa narinig ko. Nakakainis bakit ba ganito? Naiirita ako.
"Guys, baka nag hihintay sila Ramon sa table natin."
"Hayaan mo sila no! May mga babae ng kasama 'yon, kaya tayo nalang dito! Hindi tayo nag kakajowa pag sila kasama natin." humagik gik si Aida sa gilid ko.
Dahil sa init na nararamdaman ko ay mabilis kong inalis ang leather jacket ko at saka tinapon kung san 'yon.
"Woooaaaa!" natawa ako ng mahina kela Aida at kay Liel.
"Ang ganda pala ng katawan mo. Tapos sobrag sexy mo naman."
"Thanks!" nakangiting sabi ko dito.
Si Anjoe ang suot sa akin ng jacket kanina dahil ayaw n'ya na nag susuot ako ng mga ganitong damit. Kailangan kaming dalawa lang ang mag kasama pag nag susuot ako ng nga ganito.
Tumingin ako kay Anjoe na mahigpit ang bote. Wala akong dalang cellphone dahil sabi nya babantayan nya ko kaya hindi ko na dinala. Ngumiti ako sa kanya at saka umikot ang mata ko papunta sa Dance floor. Namataan ko sila Ramon na papunta sa pwesto ko kaya naman umayos ako.
Nang tumingin ako sa bar counter ay wala na si Anjoe don. Naiiling ako at nilipat ulit ang tingin kela Roman na nakatingin sakin. Nilagay ko ang bagsak kong buhok sa likod ko.
"Hey!" ngumiti ako kay Ramon saka tumingin sa dance floor. "Lasing?"
Umiling ako sa kan'ya.
"I'm just tipsy." totoong sagot ko.
Sinandal ko ang likod ko sa bar counter at saka inikot ikot ang leeg ko. "Let's dance?" tumingin ako kay Ramon saka umiling.
Bakit wala si Anjoe? Nakakainis!
Wala sa isip ko mag sayaw, mana pa kung sila Leil at Aida kasama ko ayos lang. Pero pag lalake, hindi ako komportable. Kay Anjoe lang ako komportable at wala ng iba.
Pero hindi mawala sa isipan ko ang tungkol sa girlfriend nya? Bakit hindi nya sakin sinasabi? Dahil ba baka lumayo ako sa kanya? Bakit hindi nya sakin pinapakilala?
Napabuntong hininga ako at saka tumingin sa likod ko. "Jd please."
Mabilis naman nya ko sinalinan at saka ininom ko 'yun ng tuloy tuloy.
Damn!
Bakit ang bigat ng dibdib ko?
Bumaba ako sa upuan ko at muntik na kong mabuwal kung hindi ako sinalo ni Ramon. Humiwalay naman agad ako sa kanya saka ngumiti.
"Rest room lang." nakangiting paalam ko sa kanila.