Nag simula na ko mag lakad papunta sa Cr na pagewang gewang. Nakakaramdam na ko ng hilo pero hindi pwedeng bumagsak. Umuwi na ata si Anjoe at kailangan ko ng mag hahatid sakin. Dire diretso ako sa pag lalakad ko hanggang sa pumasok ako sa cr ng mga babae at pumunta sa unang cubicle. Umupo ako don at saka umiihi ng tahimik.
Pinikit ko ng mariin ang bata ko at saka tumayo. Lumabas ako don at tuloy tuloy sa labas pero may naramdaman akong humawak sa bewang ko at hinila ako. Nauntog ako sa kanyang matigas na dibdib at naamoy ko ang kanyang pamilyar na pabango.
Hinayaan ko s'yang yakapin ako ng mahigpit at hinalikan ang tuktok ko. "Dapat talaga hindi na kita pinayagan e."
Bahagya pa ko napadilat ng buhatin nya ko. Inikot ko ang kamay ko sa leeg nya at sinubsob ko pa ang muka ko dito. Hindi ko alam kung san kami dumadaan pero maluwang ang dinadaanan namin at hindi kalakasan ang music na naririnig ko.
Sunod kong naramdaman ay ang malambot na upuan. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Anjoe na nakakunot ang noo. Hinawakan ko ang dalawang pisnge nya at saka nilapit ko ang muka ko.
"Ikaw ah! Ang bad bad mo! Hindi mo sakin sinabi may girlfriend ka! Iniinis mo ko!" ngumuso ako sa kanya at napatitig sya sakin. "Pakilala mo ko bukas ah!" ngumiti ako sa kanya.
Ang gwapo n'ya talaga.
"Are you drunk?" mabilis akong umiling sa kanya. "Iniinis mo din ako kanina. Wala akong girlfriend." i rolled my eyes.
Nilayo ko ang sarili ko sa kanya at saka pinikit ang maya ko. Narinig ko ang pag sarado ng kotse nya sa gilid ko. Muli kong dinilat ang mga mata ko para hanapin sya pero nasa tabi ko na sya saka inaayos ang seatbelt.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaan ang sariling mag pahinga.
Nang huminto ang sasakyan at napadilat ako. Nakita ko agad ang muka ni Anjoe na malapit sakin pero hindi sakin nakatingin. Tinatanggal n'ya ang seatbelt ko at ng matanggal 'yon ay agad syang tumingin sakin.
Nag tama ang aming mga paningin at saka ngumiti ako sa kanya. Hinawakan ko ang pisnge nya pataas sa kanyang gulong gulo na buhok. "I love your messy hair."
"Really?" tumango ako.
"Mas lalo kang gumwapo." he just chuckled.
Lumabas na sya ng kotse at saka bumukas ang pinto sa gilid ko. Bumaba ako at inalalayan n'ya ko. "Buhat na!" inis na sigaw ko.
"Maaga ka pa bukas tapos nag lasing ka. Gigising ka ng maaga na masakit ang ulo mo."
Med'yo naiinis s'ya sa akin pero wala akong pakielam. Gusto ko s'yang yakapin ng mahigpit.
"Wag kang umuwi ah? Tabi tayo matulog." pag lalambing ko para din mawala ang inis n'ya sa akin.
"Yeah. May magagawa pa ba ko?"
Mabilis ko syang niyakap at saka nya ko binuhat. I kissed him on cheeks. Tumawa s'ya ng mahina at saka ko na muli sinubsob ang aking pag mumuka sa leeg nito.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tapik sa aking pisnge at isang amoy. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko si Snow na nakangiti sakin habang naka dress na yellow.
"Good Morning, Tita Mama!"
Dahan dahan akong tumagilid at napahawak sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. "Tita mama!" dinaganan ako ni Snow saka hinalikan ang pisnge ko. "Sabi ni Tito Papa Anjoe, you should get up na daw para makainom ka na ng soup for your hang over!"
Dahan dahan akong umupo at inalalayan ko si Snow kahit nakapikit ang mga mata ko. "Tara na sa labas!"
"Wait lang, Snow."
Humikab ako at tinaas ko ang dalawang kamay ko. Napahawak ako sa ulo ko at saka bumaba ng kama. Napansin kong naka sando parin ako pero wala na kong suot na pambaba. Pero di bale, si Anjoe lang naman ang ganyan. Nakita nya nga ako naka two piece eh? Mababahala pa ba ako dito?
Hinatak na ko ni Snow palabas ng kwarto ko at agad kami pumunta sa kusina. Pinusod ko ng pamessy bun ang buhok ko saka umupo.
"Good morning!" napatingin sakin si Anjoe.
Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo. "Masakit ba ulo mo?" tumango ako sa kanya. "Sinabi ko naman na kasi kagabi na wag nang tumuloy tapos ladys' drink? really, Mistake?" ngumuso ako sa kanya.
"Eh kasi naman..." tinignan n'ya lang ako.
"Ano?" dinikit ko ang dalawang labi ko. "Akala mo hindi ako mag babantay don? Ako ang nag papatakbo ng club na 'yon tapos akala mo wala ako don?" naiinis na sabi pa nito.
"Wala naman akong sinabing ga---"
"May sinabi ka. Tapos tinangga mo pa ang leather jacket mo? Para makita ang ka sexy han mo ganon? Tapos ano? Nahawakan ka pa nong Ramon na 'yon." huminga ako ng malalim at saka hinawakan ang kamay nya.
"Inalalayan ako, okay?" umiwas sya sakin ng tingin. "Saka init na init ako kagabi." paliwanag ko pa pero andoon pa rin ang inis sa muka n'ya.
"Tssk."
"Let's eat first, please."
Napatingin kami kay Snow na nakatingin sa pag kain na nasa harapan namin. Lumayo na sakin si Anjoe at saka kinuha si Snow para ilagay sa kandungan n'ya. Nag simula na kaming kumain ng tahimik. Pero nang matatapos na ko sa pag kain ay biglang may nag doorbell sa pinto.
Napatayo ako pero agad tumayo si Anjoe at inupo si Snow sa kandungan ko.
"Sino naman 'yon?"
"That's daddy or Tito Papa Davin?" napakagat ako ng ilalim ng labi at saka binaba si Snow sa baba. Kailangan kong pumunta sa kwarto ko para mag suot ng kahit anong pang baba dahil. Pero sa pag labas ko palang ng kusina ay napahinto ako ng makita ko si Simon na may dalang bag habang tinutulak ito ni Snow.
"s**t s**t!"
Mabilis akong pumasok sa loob at saka nga hanap ng panjama at sinuot 'yon at isang malaking tshirt ni Anjoe saka muling lumabas.
"Umalis ka na nga dito, Kuya!" naiinis na sabi ni Anjoe dito.
"Tito Papa Anjoe naman e!"
Kinagat ko ang ilalim ng labi ko at napatingin sila sakin. Sinamaan naman ako ng tingin ni Anjoe kaya naman dumiretso ako sa kusina para kumain. Kailangan kong pumasok sa trabaho ko, kailangan na kailangan ko dahil gusto ko na agad sinimulan ang mga gagawin ko.
"May meeting mamaya. Lahat tayo kaya naman girlfriend mo muna ang mag aalaga kay Snow."
"What? Bakit si Mistake pa? May trab----"
"Nakausap ko na si Tito Chance, okay? Importante talaga 'to, Anjoe. You need to go there, tayong lahat." seryosong sabi ni Simon.
Hindi ko maiwasan pumunta don at saka ngumiti sa kanila. "Sige, ako muna bahala kay Snow." napatingin sila sakin.
"Thank you."
Tumango lang ako sa kanya at saka lumapit sakin si Simon para ibigay ang pink na maliit na maleta ni Snow. Tumango ako kay Anjoe at napabuntong hininga 'to.
Pumasok sya sa kwarto ko para siguro maligo at mag ayos na dahil kailangan nilang umalis. Binuhat ko si Snow papunta sa kusina. Nakakaramdam talaga ako ng hiya pag nandito ang kahit sino sa kanila.
Inupo ko si Snow sa lap ko at saka sinimulan ko s'yang subuan. Nakarinig ako ng mahihinang steps na palapit na palapit sa pwesto ko.
"You're Anjoe's girl?" napatingin ako kay Simon.
"I-I am not. He's my best friend." totoong sagot ko sa kanya.
"Pero di 'yon ang nakikita ko." kumunot ang noo ko pero agad na lang ako nag iwas sa kanya ng tingin.
Kaya ayokong may nakakaalam ng pag kakaibigan namin sa side nila Anjoe dahil eto ang mang yayare. Pag kakamalan kaming mag nobyong dalawa kahit hindi naman. Ayokong may ganon na nang yayare at baka 'yun pa ang dahilan kung bakit ma aawkwardan kami sa isa't isa.
"Do you like him?"
Lumunok ako ng isang beses. Umupo si Simon sa harapan ko at mabilis ko din syang iniwasan ng tingin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko s'ya matignan dahil lang sa tanong n'ya. Bakit hindi ko agad masagot sagot 'yung tanong nyang 'yon.
Dahil ba walang nag tatanong sakin non?
Dahil ba bago lang 'to?
"Do you like him?" ulit pa nitong tanong at saka ko na sya tinignan at ngumiti ako. Binuhat ko si Snow papunta sa isang upuan at saka sinagot si Simon.
"He's my bestfriend."
"Ang tanong ko, gusto mo ba sya?"
Biglang kumabog ang dibdib ko dahil don. "N-No." umiling iling ito sakin habang nakangiti.
"Iba ang sagot ng mga mata at ang buka ng bibig."
Umiwas lang ako ng tingin at saka tumayo. Pumasok ako sa kwarto at saka hinanda nalang ang susuotin ni Anjoe para ngayon. Sakto naman na lumabas s'ya ay natapos ko na ang pag hahanda ng damit nya. Napangiti s'ya ng makita nya ko.
Nakatapis s'yang isang tuwalya at kitang kita ang kanyang maputi at perpektong katawan. Iniwas ko ang tingi sa katawan nya at saka ako tumalikod pero nagulat ako ng hawakan n'ya ang kamay ko.
"May sinabi ba sa'yo si Simon?" tumingin ako sa kanya at saka umiling.
Hinila n'ya palapit sa kanya at saka hinwakan ang bewang ko. Hindi ko maiwasan mang hina sa mga tingin na binibigay n'ya sakin. Hinawakan nya ang baba ko at yumuko s'ya para tignan ng malapitan ang muka ko pero may epekto 'yon sakin.
Nag iinit ang pisnge ko---hindi, buong katawan ko at hindi lang 'yon
Hindi ako makagalaw o makahinga man lang. Nang hihina ang tuhod ko dahil sa sobrang lapit namin. Dag dag mo pa ang mga tubig na tumutulo sa kanyang leeg papunta sa dibdib nya. Gusto ko panoorin 'yun pero di ko magawa dahil sa mga tingin nyang hindi ko maiwasan.
"A-Anjoe..."
Biglang may kumatok sa pinto at napalayo ako sa kanya. Tumingin ako don pero hindi 'yun bumukas. Nagulat ako sa pag hila ni Anjoe sakin papunta sa kanya at kaya nag dikit ang aming mga katawan. Tumingin ulit ako sa kanya at nagulat ako ng lumapat ang labi n'ya sa labi ko.
Napahawak ako sa balikat n'ya at dahan dahan akong pumikit.
Tuluyan na kong nag hina dahil sa kanyang mabagal na halik na may halong pag iingat. Gumalaw ang labi n'ya sa labi ko at hindi ko alam pero para kaong natuliro sa ginawa nya.
This is not my first kiss. Dahil noong highschool kami ay may halik na ganap saming dalawa pero hindi ganito 'yon. Pero ba't parang ibang iba 'to sa halik namin noon?
"Tito Papa Anjoe! Ano ba?!"
Mabilis ko syang tinulak palayo sakin at saka ako nakahinga ng maluwag. Pinaypayan ko ang sarili ko at saka umiwas ako ng tingin sakanya.
"I will talk tito Chance, sasabihin kong hindi ka muna papasok ngayon because of Snow." tumingin ako sa kanya at saka tumango.
"O-Okay. Take care."
"Wag kang aalis dito na hindi ko man alam, Mistake. Text n'yo ko kung may pupuntahan kayo at wag kang pupunta ng Club A mamayang gabi."
"S-Sige."
Mabilis akong tumakbo papasok sa Cr dahil sa hiya ko.
Nakakainis dahil bakit gano'n ang epekto nito sa ako. Tapos ang tanong pa ni Simon sa akin na hindi nawawala sa isipan ko Huminga ako ng malalim. Napaupo ako sa tiles dahil sa pag iisip.
Kailangan ko na kumilos para makaalis si Anjoe at makapag meeting na sila.
Grrrr!
Hinubad ko na ang lahat ng suot ko at saka pumailalaim sa shower.
~