Chapter 5

1808 Words
Nang makaalis na sila Anjoe at Simon ay si Snow agad ang pinuntahan ko. Tumingin ako sa kanya habang s'ya naman ay nakatitig din sakin. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pag aaalaga sa kanya eh ni wala nga akong alam sa pag aalaga ng bata, 'e.     Saka bakit sa dinami daming tao sa akin sumama ang batang 'to? Sa opisina n'ya lang ako nakilala pero agad n'ya ako sinamahan at halos pumulupot sa akin     Napabuntong hininga ako at saka pumasok sa kwarto ko. Alam kong nakasunod sya sakin, binagsak ko ang katawan ko. Pinanood ko syang umakyat sa kama ko saka nahiga sa tabi ko.     Sobrang inosente n'ya at ang ganda n'yang bata. Halatang lahi ng Funtabella dahil halos walang pinag kaiba kay Sakenah. Pareho ng pareho ang muka.      "Are we going sleep whole day?"   "What do you want to do?" i asked her.   Napatitig sya sakin at saka ngumuso. Hindi ko din kasi alam kung ano gagawin ko at ang bilin sakin ni Anjoe ay sabihin ko sa kanya lahat ng balak namin at kung san kami pupunta. Umupo ako sa kama ko at hinubad ko na ang suot ko at kung ano ang suot ko kanina ay yun lang ang suot ko ngayon.   "Let's shopping?"   Nilabas nya ang hawak nyang card.    Nawala ang ngiti ko dahil don, pumasok ang nga ala ala na ayoko ng isipin pa.     Noong namatay ang Mama ko ay ako nalang nag alaga sa sarili ko. Sobrang bata ko para makatikim ng ganoong  bagay, hindi man nila ako dinalaw, hindi man nila ako kinamusta. Kung hindi ko sila kakausapin hindi nila ako kakausapin, para silang walang anak na dapat alagaan.   Masyado silang tutok sa pamilya nila habang ako mag isa.   Inaalagaan ko ang sarili ko.   Miski Graduation ko hindi man sila pumupunta kahit padalan ko sila ng text. Wala man sagot o ano. Kung wala pa sila Tita mj at Tito Lyricko sa buhay ko kasama ang anak nitong si Anjoe baka nga sumuko nalang ako.   Sila ang nandyan sakin sa bawat event sa buhay ko.   Sa tuwing pupunta ako sa mga bahay nila ay ramdam kong hindi ako nabibilang don, ramdam na ramdam ko ang mga trato nila sakin, ramdam ko na ayaw nila sakin. Pero bakit kailangan nilang gawin sakin 'yon?   Ang sakit sakit dahil sa buong buhay ko hindi ko naramdaman ang pag mamahal nila sa akin.     Hindi na sana nila ako binuhay sa mundong ito kung hindi rin naman nila ako matatanggap at mamahalin.   Sobrang hirap pero kailangan ko kayanin dahil 'yun ang gusto ni Anjoe para sa akin.   "Why are you sad?" umiling ako sa kanya.   Si Snow naman ay wala lang ang mommy nya dahil sa nang yareng trahedya non pero ngayon, swerte parin si Snow. Ang swerte swerte ng pamilya nila dahil sobrang pinahahalagahan at minamahal nila ang isa't isa. Hindi nila nakakalimutan ngumiti sa isang araw.   Ang pamilyang pinangarap ko. Ang sarap lang ng may gano'n pamilya. Silang lahat, mahal ang isa't isa. Lakas nila ang isa't isa at gustong gusto ko din ng gano'n.     "Nothing."    Ngumuso s'ya sakin. "Take shower now! Punta tayo ng mall, please!"   "Okay, okay." natatawang sagot ko sa kanya.   Kahit papaano ay napapangiti ako.   Mabilis akong bumaba ng kama ko saka dumiretso sa kwarto. Hinubad ko ang damit na suot ko saka binuksan ko ang shower. Sinabon ko agad ang sarili ko at nag shampoo.    Mabilis lang ako natapos at lumabas ako ng cr na nakatapis lang. Nakita ko naman na hawak hawak ni Snow ang phone ko at nanonood sa youtube. Pumunta ako sa cabinet ko para kumuha ng isang white plain short at isang itim na tshirt. Kumuha din ako ng rubber shoes saka umupo sa harapan ng salamin para mag ayos.   Pinatuyo ko ang buhok ko at saka nag lagay ng tint sa pisnge at labi.   Nang matapos ako ay kinuha ko ang isang backpack na maliit.   "Let's go?" tumingin s'ya sakin.   "You're too boyish and i hate it." natawa ako ng mahina.    "Come on! Let's go?" Hindi ko na lang pinansin ang sinasabi n'ya.     Just wearing a tee shirt make her boyish. Napailing ako sa batang 'to. Obviously, she hates this color because not perfectly for her young age.     Bumaba na sya at saka binigay nya sakin ang cellphone ko. Binuhat ko si Snow at nag selfie kaming dalawa. Nag compose naman agad ako ng text kay Anjoe na may kasamang selfie namin ni Snow.   "Selfie with your beautiful niece. We're going mall!"    Sinend ko agad 'yon at saka lumabas na kami ng kwarto. Hawak hawak ni Snow ang kanyang card at saka ko napansin na may bulsa pala ang suot nyang yellow dress. Nilagay n'ya don ang card nya saka yumakap sakin.     Hay nako, ini spoil ni Simon ang kan'yang prinsesa. Talagang black card ang binibay n'ya dito.    Lumabas kami ng Condo at nilock ko 'yun. Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko at kinuha ko 'yon. Nag tuloy tuloy ako sa pag lalakad papunta sa elevator at saka pumasok don.   "Beautiful. Take care and update me every an hour!" i rolled my eyes.   "Whatever, Anjoe."    Pinindot ko na ang elevator pero bago pa to mag sarado ay may biglang sumingit. Napatitig ako sa kanya at sya ulit ang babae kahapon na hingal na hingal. Tumingin s'ya sakin at sa bata pero hindi man ako ningitian. Umiling iling ako at saka binaba si Snow.   "Tita mama you know my mom?" napatingin ako kay Snow saka tumango. "You are her friends?" mabilis ako umiling.   "But i know her, Snow. She's beautiful like Snow White." nakangiting sagot ko dahil 'yun naman talaga ang totoo.    "Daddy told me that Snow White and My mom are twins!" masayang sabi n'ya. "Then my daddy loves her so much and i saw in his eyes! Tito Papa Anjoe too! He loves you!"   Mabilis ko s'yang binuhat at saka hinalikan sa pisnge. "Yes, We love each other!" nakangiting sabi ko sa kanya.       Bumukas ang pinto ng elevator at tumingin ako sa babaeng nakasabay namin na nakataas ang kilay sakin. Kumunot ang noo ko sa kanya pero inirapan ako. Wala naman akong ginagawa pero kung tarayan ako akala mo kung sino.     Hindi ko rin alam bakit s'ya gan'yan sa akin.     Mabilis kaming lumabas ni Snow at saka pumunta kami sa labas para pumara kami ng Taxi. Sumakay agad kami don ni Snow at sya naman ay masayang masaya na pumapalakpak. Hinalikan ko ulit s'ya sa pisnge at mukang magiging hobby ko na alagaan ang batang 'to ah?   Ang ganda ganda at ang taba kasi. Ang hirap nga lang buhatin at mukang mahilig sa buhat. Nakakatuwang bata!     "Bukas ba pupunta ka ulit sakin?"   "I want too!" sigaw nya. "I want to be with you too! Tita Mama Trice is six months pregnant, at ayokong maging makulit sa kanya! Tita mama Angel is a pregnant too kaya ayaw ko din, ganon din si Tita Mama Sai! Kaya ako sa'yo muna! Ayoko naman kay Tita mama Sakenah kasi she always irap irap at me! Tapos Tita mama Rhaine naman is always put make up in my face and daddy told na bawal pa!" natawa ako ng mahina sa kanya. "Kaya ayaw din ni daddy na sa kanila ako. Tapos si Mama Gabriella naman ay busy sa kanyang botique and ganon din si papa Saimon! Tapos sila daddy at mama naman wala dito." ngumuso sya sakin at saka niyakap ako.   Kawawang bata, kay Rhaine lang s'ya pasado kaso lagi s'ya nilalagyan ng make up. Jusko, sino ba kasi hindi matutuwa sa kan'ya? Kahit ako gusto ko s'ya ayusan. At s'ya din ang unang apong babae si Regan naman ang Unang apong lalaki.     "Nandito ako tapos aalagaan kita."      Biglang kumislap ang mga mata nya dahil don. Hindi ko maiwasan matuwa sa kanya kaya naman pinang gigilan ko ang pisnge nya.     Kaya naman ng makarating kami sa mall ay hinila hila n'ya ko. Pumunta kami sa jollibee at ang akala ko ay kakain kami pero hindi. Umorder lang sya ng cokefloat na dalawa at binigay nya ang hawak nyang card. Pero hindi tinanggap kaya naman ang bayad ako ng cash dito. Pinag kamalan pa kaming mag ina ni Snow ng kinatuwa nya pero agad nyang sinabi na Tita mama n'ya lang ako.     Lahat pala ng mga Tita nya at asawa ng mga Tita nya ay ganon ang tawag nya.    Punong puno ng pag mamahal si Snow.    Noong bata ako kay Mama lang na pag mamahal ang nakuha ko. Kakaonti lang na nag mamahal sakin at biglang lamang ng limang daliri ko.     Hinila n'ya ulit ako papunta sa escelator at wala akong nagawa kundi sumama sa kanya. Pumunta kami sa Arcade at bumili ako ng token. Kung san san syang sumakay na gumagalaw na mga hayop. Tuwang tuwa naman sya at sinubukan nya din ang basketball.     Kinuhanan ko sya ng kinuhanan ng litrato at saka sinend kay Anjoe para ipakita kung ano ginagawa namin. Kaya gusto n'ya ay inaupdate ko sya at may mga reply akong mabilisan na nakukuha.      Nng maubos ang token namin ay saktong lunch. Hindi ko alam kung san kami kakain pero ayoko ng fastfood. Nitext ko ulit si Anjoe kung kumain na sya and he said yes. Kami naman ang tinatanong nya at sinabi ko nag hahanap kami ng makakainan.     "Snow san mo gustong kumain?" i asked her.     "Hmmm! I know na kung saan tapos libre pa!"     Kumunot ang noo ko sa kanya pero nagulat ako ng hilahin nya ko papunta sa pababang escelator at wala naman akong nagawa kundi sumama sa kanya. Pero kinagulat ko ng pumasok kami sa isang botique na maluwang at binati sya ng mga tao don.   Mukang kilala s'ya dito at tuloy tuloy pa s'yang pumapasok sa loob. Hindi kami binawal pareho.     "S-Snow, where are we going?" hindi ko maiwasan itanong hanggang sa pumasok kami sa isang pinto at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mga mommy nila Davin, Simon, at Raj na nandon kasama si Tita Mj na mukang gulat na nakatingin sakin.     "Mistake, what are you doing here?" gulat din s'yang nag tanong sa akin at mukang hindi makapaniwalang nakita ako.       "Mga mama ko!" masayang sigaw ni Snow dito at saka isa isa itong hinalikan sa pisnge.     Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa nang yayare. Tumingin ako kay Tita Mj na sagad ang ngiti sakin at dahan dahan akong lumapit sa kanya para bigyan sya ng halik.   Hindi ko alam ano sasabihin ko dahil ito unang beses ko makilala sila.     "Ikaw nag alaga kay Snow?" nahihiya akong tumango.     "Do you know her, Mj?" Mrs. Aragon asked.   "Yes, Anjoe's girl." nagulat ako sa sinabi ni Tita Mj.   Napatitig sila sakin at hindi ko maiwasan mahiya dahil sa nang yayare. Biglang nag init ang pisnge ko dahil don sa sinabi ni Tita Mj. Pinakilala nya ko bilang pag aari ng kanyang mga anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD