"Come here." utos sakin ni Mrs. Aragon habang seryosong seryosong nakatingin sakin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay ko. "Are you shy?" dahan dahan akong tumango. "Don't be. Pero bakit hindi ka pinapakilala ni Anjoe samin?"
"W-We're just bestfriends po." nauutal na sagot ko.
"Bestfriend?" napatingin ako kay Mrs. Smith na nag pipigil ng tawa.
"Hindi uso bestfriend sa mga anak namin, Ija." singit ni Mrs. Funtabella habang nakangiti.
"MAMA! SHE'S MY TITA MAMA MISTAKE PO!" Malakas na sabi ni Snow.
"And i think kilala ka na ng mga anak namin?" mabilis akong umiling sa kanya.
That is true. Si Simon palang at Angelo ang nakakilala sakin. "Mistake is a nice girl, Gabriella, Kyla and Ayana. My son loves her so much."
As a bestfriend.
Gusto ko sana idutgong 'yon pero tinikom ko nalang ang bibig ko. "That's good." sagot ni Mrs. Smith.
"Mama, i heard you last night! May lunch date kayo nila Mama! Sama kami! Sama kami|! Hindi pa kami kumakain!" sumasayaw sayaw pa si Snow at mukang hilig makinig sa mga usapan ng matatanda ha.
Tumingin ako kay Snow na tuwang tuwa at saka hinalikan ito nilang lahat.
Inggit ang namumuo sa dibdib ko dahil sa nakikita ko. Walang nag mahal sakin ng ganyan, walang wala. Ngumiti ako kay Snow na tuwang tuwa dahil sa nang yayare.
Ang saya ko kasi kahit wala ang Mommy n'ya ay hindi s'ya nag kulang sa pag mamahal.
"My Regan is really handsome. Lalo kung nakikita ang muka ni Raj sa kanya." nakangiting sagot ni Mrs. Smith. "Tapos meron na agad akong pangalawa."
"Mag kakaroon na din naman ako." singit ni Tita Mj dito.
Inikot ko ang mga mata ko sa loob ng opisina nila. May tatlo table dito na sa tingin ko ay para sa mag kapapatid. Tapos yung sofa na inuupuan nila ay pabilog at square na mini table din.
"Mama! Let's eat na!"
"Hay! Puro ka talaga pag kain!" natatawang sabi nito Mrs. Funtabella dito.
Tumayo na silang lahat at lumapit sakin si Tita Mj para hilahin na ko palabas. Alam kong nakasunod ang tatlo samin kasama si Snow. Nakita ko naman si Mrs. Parker na mukang nag hihintay sa entrance. Nakakunot ang noo nito pero ng napatingin samin ay nakahinga ito ng maluwag.
"Ang tagal nyo, nakakainis kayo."
Natawa lang sila dito. "Tara sa Star's Restaurant."
Kumapit ako kay Tita Mj at pinisil nya lang ang pisnge ko. "Ngayon lang ulit tayo nag kita."
"Sorry po." nahihiyang sabi ko sa kan'ya.
"It's fine."
S'ya ang tinuturing ko na ina ko sa panahong wala ako. Dinadalan ako pag kain sa Condo at iniiwan si Anjoe para makasama ko. Makalaro, matulog mag katabi.
Nag simula na kaming mag lakad na lahat. Pansin ko din na pinag titinginan sila ng mga tao dito sa loob ng mall at ng makalabas kami ay agad may humintong isang sasakyan sa harapan namin. Isang Van 'yon at nagulat ako ng pinauna akong pasakayin ni Tita don. Umupo s'ya sa tabi ko at sumunod naman si Mrs. Parker, sa likod naman ang iba.
"Teka nga? Sino ba ang kasama mo Mj?" Mrs. Parker asked.
"She's Anjoe's girL. Mistake Pastrana."
"Pastrana." mukang hindi pa 'to makapaniwala sa pangalan ko.
"H-Hello po." nahihiyang bati ko.
"Call us Tita." napatingin ako kay Tita Ayana at saka tumango.
Napapikit ako ng mariin, ngayon hindi ko alam ang galaw na gagawin ko dahil don.
Pero masaya ako dahil ramdam kong gusto nila ako, hindi tulad nung patunguhan ako nga mommy at daddy ko.
Nang makarating kami sa Star's Restaurant ay isa isa na kaming bumaba. Hawak hawak ni Tita Mj ang braso ko habang pumapasok kaming dalawa sa loob sa likod naman namin ay ang iba.
Umupo agad kami sa mahabang upuan na animan ang upuan at nagulat ako ng lumapit sakin si Snow. Inupo ko s'ya sa lap ko at saka hinalikan sa buhok.
"Sabi ko sa'yo libre! Saka si Mama Star ang may ari nito kaso may family na sya at sa malayo na sila nakatira." napatango ako sa kanya.
"So?" napatingin kami kay Mrs. Aragon. "So? Gaano na ba kayo katagal ni Anjoe?"
"A-Actually po bestfriend po kami ni Anjoe." napakamot ako ng ulo at natawa na naman sila.
"I don't believe it." natatawang sabi ni Tita Kyla.
"Me too. Don kami nag simula ng doctor ko. Pero ano? Binuntis ako." ngumiti ito sakin.
"Hindi ka pa ba nililigawan ni Anjoe?" kumunot ang noo ko sa tanong ni Tita Gabriella.
"M-Mag kaibigan po kami at bakit naman po ako liligawan ni Anjoe?" nag tatakang tanong ko sa kanya pero umiling lang s'ya sakin.
Hindi ko alam bakit ganito sila sa akin at mukang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.
Kinagat ko ang ilalim ng labi ko dahil panay sila ng tawa tungkol sa pag kakaibigan namin ni Anjoe. Hindi ko naman pwedeng sabihin na boyfriend ko si Anjoe dahil hindi naman totoo.
Nagulat ako ng biglang nag ring ang phone ko sa bag ko kaya naman mabilis kong binuksan 'yon. I saw Anjoe's name at agad sila tumingin sakin.
"E-Excu---"
"No. Answer it infront of us. Hindi kami mag iingay." dahan dahan akong tumango sa sinabi ni Tita Gabriella.
Mukang may gusto sila patunayan sa harapan ko.
Sinagot ko ang tawag ni Anjoe pero nagulat ako ng pindutin ni Tita Mj ang loudspeaker. "Hello? Where are you?"
"Hmmm... B-Bakit?"
"Bakit di ka na nag reply? Madami na kong text sayo. Check it." kinagat ko ang ilalim ng labi ko.
Paano ko ba sasabihin na kaharap ko ang ninang nya kasama ang mommy nya? Sasabihin ko ba? O wag na?
Huminga ako ng malalim. "Nevermind. Have you eaten? Where are you?"
"Kakain pa lang kami." mabilis na sagot ko sa kanya.
"I have two meetings. Uuwi ako sa bahay then saka na lang ako pupunta sa Condo. What do you want? Cake, ice cream, Pizza?" dire diretso ang salita nito habang ako hindi ko alam ano sasabihin ko dahil nasa harapan ko lang naman ang mga Ninang at Mommy n'ya.
Napatingin ako kela Tita Ayana na nakangiti habang nakatitig sakin. "Kahit ano na lang."
"Al'right. Take care, okay? See you later and text me kung gusto n'yo mag pasundo."
"O-Okay."
Papatayin ko na sana ang tawag pero agad ito nag salita. "Bakit pakiramdam ko ang cold mo? Is this about the kissed?" biglang nag init ang pisnge ko sa sinabi nya.
Shit s**t!
Bakit ngayon pa Anjoe. "Nag kiss kayo, Tita mama?" tanong ni Snow sakin at natawa si Anjoe.
"Bye bye, My mistake."
Mabilis namatay ang tawag at saka tumingin ako sa kanila na mga malapad ang ngiti. "Tumawa si Anjoe?"
"Nag biro si Anjoe?"
"Nag tanong si Anjoe about foods?"
Sunod sunod nilang sabi. "Susunduin daw sya ni Anjoe?"
"Nag kiss sila ni Anjoe."
Pakiramdam ko sobrang pula na ng pisnge ko. s**t s**t! Paano ko ipapaliwanag ngayon ang bestfriend thingy dahil sa mga ginawa n'ya.
"Mag katabi ba kayo ni Anjoe natutulog?" Tita Kyla asked.
"Opo! Naabutan ko sila non mag kayakap tapos ako lang nag gising kay Tito papa Anjoe!" si Snow na mismo sumagot at natawa sila sakin.
"You know what, Mistake?" napatingin ako kay Tita Mel. "Anjoe loves you. Hindi sya tumatawa sa ibang tao. Hindi s'ya tumatawa sa harapan ng ibang tao at ganyang ka bold. Pero sa'yo?" ngumiti sya sakin. "Gabriel and me started bestfriend thingy. Ask them if you want, and now? Nandito kami. We love each other and has two children." huminga ako ng malalim.
Wala naman siguro kung umamin sa kanila diba? And sa tingin ko naman mapapag kakatiwalaan ko sila.
Matagal na kong may gusto kay Anjoe pero hindi ko alam kung love ba to o ano. Basta aminado akong gusto ko sya at hindi ko 'yun pinag kakaila. Hindi ko sinabi ang nararamdaman ko sa kanya kasi baka may mag bago sa pag sasama naming dalawa bilang mag kaibigan and natatakot akong mawala si Anjoe sakin dahil lang sa pag amin ko.
Paano ba naman hindi mag kakagusto? Sobrang sweet n'ya sa akin sa lahat ng bagay.
Pinili ko na sakin lang 'yon dahil yun ang sa tingin ko na mas makakabuti.
"I like him." hindi na sila nagulat sa sinabi ko. "Pero hindi ko sinasabi sa kanya dahil ayoko mag karoon ng awkward ang friendship namin, ayokong mag iwasan kami, ayokong mag ka ilangan kaming dalawa, ayokong mawala s'ya." huminga ako ng malalim at saka ngumiti. "Kaya kung ano man meron po samin ni Anjoe ay masaya po ako." totoo g sabi ko habang nakangiti.
Sakto naman na dumating na ang mga pag kain na hindi namin inorder at sa tingin ko ay alam na ng mga nag tra trabaho dito ang mga gusto nila.
"Then make him fall." napatingin ako kay Tita Mj. "Hindi naman kasi madali kunin ang tiwala ang mga anak namin pero si Anjoe ay nakuha mo. Si Simon din kasi hindi naman ibibigay ni Simon ang anak nya sayo kung hindi ka mabuting tao." napangiti ako dahil don. "I like you, We like you, Mistake."
"Kahit anak ako sa labas?" napatingin ako kela Tita Ayana dahil halata ang gulat sa mga mata nito.
"Kahit na ano pa 'yan basta napapasaya mo ang anak ko." napatingin ako kay Tita Mj dahil don.
"Kahit isa akong pag kakamali?" tumulo ang luha ko pero agad nyang pinunasan 'yon.
Tuloy tuloy tumulo ang luha ko. "Kahit ano pa yan." sabay sabay nilang sagot na mas lalong nag paluha sakin.
"S-Si Anjoe lang po kasi ang tumanggap sakin. Kahit sino ako, kahit ano ako kaya takot na takot akong mawala s'ya."
"I love you, Tita mama Mistake." napatingin ako kay Snow. "Mahal kita, tanggap kita!"masayang sabi nito at niyakap ko sya ng mahigpit.
Nang matapos namin mag lunch ay napag pasyahan nilang ihatid ako sa Condo. Sinabi nila na wala silang sasabihin kay Anjoe at inutusan na din nila si Snow.
Kaya naman nakangiti akong humiga sa kama ko at agad naman akong niyakap ng mahigpit ni Snow. Hinalikan nya ko sa pisnge at niyakap din s'ya ng mahigpit. Dahan dahan kong pinalo ang pwet nito at hanggang sa makatulog.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad tinawagan si Anjoe pero hindi sinasagot ang tawag ko. Ilang tawag pa ang ginawa ko at nag pasya na ko na ihinto na dahil mukang nasa meeting na.
Nag pasya na lang ako ng matulog sa tabi ni Snow.
Nagising nalang ako dahil sa halik sa pisnge ko pababa sa leeg ko. Bahagya pa kong tumaligid at kinapa si Snow sa tabi ko pero hindi ko na sya makapa. Sunod naman naramdaman ko ang kamay sa bewang at binti sa hita ko.
"Wake up, my Mistake."
Dahan dahan kong binuksan ang mata ko saka lumingon sa gilid ko. Nakita ko si Anjoe na nakangiti sakin. Humikab pa ko at saka hinalikan nya ang pisnge ko.
"Asan si Snow?"
Dahan dahan akong umupo pero mabilis nya ko hinila papunta sa tabi n'ya. "Kinuha na ni Simon." tumango ako sa kanya.
"Bukas bumili tayo ng susuotin mo para sa formal dinner party sa mansion." tango nalang muli ang sinagot ko sa kanya.
Dahil ang nasa isip ko ay ang nang yare kanina. Hindi parin ako makapaniwala sa nang yayare. Hindi parin ako makapaniwala na may tatanggap sakin. Gusto nila ako para kay Anjoe pero hindi ko alam kay Anjoe kung may nararamdaman ba sya sakin.
Pero kahit ano pa 'yun, kahit may gusto syang iba susuportahan ko sya sa lahat ng gusto nya basta wag lang sya mawala sakin.
"Are you okay?" he asked.
"I'm just sleepy." sagot ko sa kanya at naramdaman ko ang labi nya sa noo ko.
"Pinagod ka talaga ni Snow." mas nilapit ko ang sarili ko sa kanya at kinulonh nya naman ako sa bisig nya.
Naramdam konang haplos n'ya sa akin. Napagod yata ako dahil sa kakasunod kay Snow. Hinaplos haplos ni Anjoe ang aking braso habang ang muka ko ay nasa bandang leeg n'ya. Dinikit ko ang labi ko sa kan'yang leeg.
Muli ako nakatulog sa gano'ng pwesto.
~