Nakahinga ako ng maluwag dahil ang akala ko may problema ay wala pala. Nag patuloy ulit kaming lahat na kumain. Kaya naman ng matapos kami ay pinaakyat agad kami, wala naman kaming nagawa kundi sumunod na parang mga bata dahil kinabukasan ay may klase na. Tapos si Andrew naman daw ay mag sisimula na mag trabaho sa company nila. Lalo na't nag sisidatingan na ang mga inorder ni tito Andrew sa US na bagong sasakyan sakto naman na mag sisimula na ang kanyang panganay. Kinabukasan ay maaga ako nagising. Tulad na nang yayare ay sa CR agad ang unang punta ko para mag suka ng mag suka. Mang hihina at mauupo sandali. Nanlalambot ang katawan ko habang nasa ilalim ng shower. Lumabas ako at kumuha ng isang dress na hindi kasikipan na hanggang ibabaw na tuhod ko. Lumabas na ko sa kwarto ko at pumun