"Mommy..." Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at bumungad sakin ang isang batang kasing edad ni Snow. Nakangiti ito sakin habang tinutulungan akong bumangon. Hindi ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko. Parang may kulang sa akin na hindi ko maintindihan. Inikot ko ang aking mga mata sa buong lugar at saka tumingin sa batang nasa tabi ko. "A-Asan ako?" tanong ko sa kanya. "This is my Place, Mommy! Nandito din si Mamita!" kumunot ang noo ko sa kanya. "M-Mommy? S-Sino ka?" ngumuso s'ya sakin at saka umiling. "A-At bakit nandito ako?" Maraming bulaklak na nakapaligid sakin at mga paru paru na lumilipad. Maganda ang lugar at masarap ang hangin sa katawan. Iba ang dating sakin ng lugar pero masasabi kong sobrang komportable ng pakiramdam ko dito. "Nasan ba ko?" tanong ko sa