Huminga ako ng malalim at bahagyang pinikit ang aking mga mata. Pilit kong pinipigilan ang luha ko dahil sa sakit. Ilang beses akong huminga ng malalim at pinay payan ko ang sarili ko. Umayos na ko ng upo saka tumingin kay Mrs. Mendez. Hindi ko alam kung dapat ko pa syang tawaging mommy sa kabila ng ginawa ko, ginawa ni Mommy. Inamin sakin ni Mommy ang mga ginawa nya na nag pabigat ng dibdib ko. Wala parin akong alam kung totoo bang pinatay ni Mama ang mommy ni Mommy Mj. Yun lang ang gusto kong malaman 'yun at yon lang tapos magiging ayos na ko. "M-Meron lang po akong gustong malaman." nasasaktan na sabi ko. "San ka muna tumutuloy?" napatingin ako sa nag salita. Nakita ko si Daddy Lyricko na seryosong nakatingin sakin. Lumapit ito kay Mommy Mj para bigyan ng halik at saka muling umupo.