Sa pag dating namin sa bahay nila Anjoe ay agad kami sinalubong ni Tita Mj na para bang alam na alam nya ang nang yayare. May dala itong isang basong tubig at inabot sakin para makainom. Huminga pa ko ng malalim saka tumingin sa baso. Alam kong alam ni Anjoe ang gagawin n'ya. Hindi n'ya ko sasaktan, hindi nya hahayaan na masasaktan ako. Kinuha ni Lana ang baso sa kamay ko at saka ngumiti sakin. "Ayos ka lang ba?" dahan dahan akong tumango sa kanya. "Wag kang matakot. Nag mana kaming lahat kay Mommy, na kayang talikuran ang lahat para lang sa pag mamahal. Ganon gagawin ni Kuya Anjoe, mas pipiliin ka nya kesa sa mga bagay na nag papasaya sa kanya." "S-Salamat." ngumiti ako sa kan'ya ng sagad. Tumabi sya sakin habang ako naman ay nakatuon ngayon ang mga mata sa cellphone na dala ko. Hi