Hindi kami nag tagal don dahil sa bandang dinner ay hinatid nila kami pauwi sa Condo. Hindi parin ako nag sasalita at kung sasagot man ako ay malamig ang boses ko. Hindi ko hinahayaan ang sarili kong tumingin kay Anjoe. Mabilis akong pumasok sa close para kumuha ng damit. Hindi ko pinansin si Anjoe basta nag tuloy tuloy lang ako sa ginagawa ko. Naligo ako at saka humiga para matulog. Niyakap nya ko mula sa likod at hindi ko naman sya binawalan. Nang magising ako kinabukasan ay agad ako dumiretso sa CR para lamang sumuka. Naramdaman ko agad ang kamay ni Anjoe sa likod ko habang patuloy parin akong sumusuka. Nang matapos na ko don ay agad nang hina ang katawan ko. Hinawakan ako ni Anjoe pero agad ko 'yun inalis at mag isang lumabas sa Cr. Umupo ako sa kama habang hinang hina, hindi ko tin