Mabilis akong tumayo saka sumunod kay Anjoe. Para bang walang away na naganap sa pagitan namin. Para bang wala lang. Huminto pa sya saglit at saka bumalik sa kinatatayuan ko ngayon. Hinawakan nya ang bewang ko at saka sabay kaming dalawang umakyat sa taas. Nakasalubong pa namin si Mommy Mj na nakangiti habang nakatingin samin. Hinalikan nya ko sa noo at saka bumaba sya at kami naman ay umakyat sa taas. Pumasok agad kami ni Anjoe sa kwarto at saka pinaupo ako sa kama. Hinubad nya agad ang kanyang suot at ang kanyang boxer lang ang tinira. Umiwas agad ako sa kanya ng tingin dahil don. Umupo sya sa tabi ko saka sinimulan akong halikan sa leeg papunta sa panga ko. Umiwas ako pero agad nya din ako pinigilan. Naiinis pa rin ako sa kan'ya, kahit anong sabihin n'ya ay inis na inis pa rin ako.