Mabilis kong ininom 'yun at muli akong nag simula kumain. "Ikaw Raj may palusot ka ba?" Sai asked him. "W-Wala ah!" mabilis na sagot nito. "S-Saka madali nalang bukas 'yung mga kliyente namin. G-gusto mo bang mag libot na lang tayo?" "No." mabilis na sagot ni Sai. "Marami akong gagawin, 'e." napasulyap ako at gusto ko sana matawa pero di ko ginawa dahil kahit sila Diana ay nag pipigil din ng tawa dito. "Hello? Yes?! Oo. May bago kliyente? Kailangan na kailanga b----" "Hindi ka papasok." putol agad ni Trice dito. "Marami din akong papagawa sa'yo." napatingin si Davin sa asawa nya. "H-huh? May kliyente ako, 'e." "Sige. Lumayas ka at uuwi ako ng China." simpleng sagot ni Trice dito na kinaputla nito. Natahimik ako at saka inubos na ang p