Nagising ako sa isang malaking kwarto. Walang katao tao sa loob, bukas ang ilaw. Walang kahit anong bagay kundi ang dalawang maleta ko. Walang kahit anong meron dito kundi closet at dalawang maleta ko. Dahan dahan akong umupo sa kama at pinasadahan muli ang kwarto. Isang malaking kama, closet at dalawang maleta. May malaking kurtina don at sa tingin ko ay nandon ang bintana. Bumukas ang pinto at pumasok si Mommy na may dalang tray. "Asan ako?" "Paborito mo 'yung patatas diba?" umiwas ako ng tingin sa kanya. "Nag luto ak----" "I don't eat patatas." napahawak ako sa tiyan ko. "I see. Meron din dito adobo, wala kang hilig sa ibang pag kain diba?" hindi ako sumagot sa kanya. Lumapit sya sakin at nilagay sa kama ko ang pag kain ko. Tinignan ko 'yun at agad ako nag simulang kumain. Hindi