Kabanata 9 Hindi ko alam kung ano ba ang sumabit sa kokote ko at andito ako ngayon sa harap ng tarangkahan ng bahay ni Reina, maaga pa at hindi ko alam kung gising pa siya. Magdamag kong pinag-isipan ang gagawin ko, ngayon lang ako gagawa ng isang desisyon na para sa ikakabuti ng iba. Pinindot ko ang doorbell na nakadikit sa pader, nakailang pindot pa ako bago bumukas ang pinto ng bahay, bumungad si Reina na naka-pajama at sando, magulo ang buhok niya, at halatang kakagising lamang. Agad na lumiwanag ang mukha niya nang makita ako at agad na tumakbo para pagbuksan ako, niyakap niya ako saka hinalikan sa pisngi, "I was lonely, mag-isa lang kasi ako sa kama, nasanay nang andoon ka." Hindi ako gumanti sa yakap niya o halik, sa halip ay tinanguan ko lang siya at saka walang sabin