Kabanata 10 Sa sumunod na araw ay binisita ko si Fairel, hindi ko na lang pinansin ang bahay ni Reina na madilim. Saktong pagdating ko ay nakita kong pinapasok sa compartment ng sasakyan ng kanyang magulang ang kanilang mga maleta. Siguro aalis na sila dahil ang sadya lang naman talaga nila dito ay ang pag-celebrate ng birthday niya. Nang matanaw nila ako ay ngumiti si Tita Gachella saka hinaplos ang braso ko, "mabuti at bumisita ka ulit, Tornado!" "Uuwi na kayo, Tita?" Takang tanong ko when the answer is obvious. Ngumiti siya, "yes, kailangan na naming bumalik sa Bataan, hindi pwedeng pabayaan ang pagawaan namin roon." Hinila niya ako at saka niyakap, bago kumawala ay mapaglarong pinalo niya ang pwet ko at ngumisi, "malusog!" Napailing na lang ako. Sumunod naman si Tito F