4

1208 Words
Kabanata 4          Pagkagising ko ay nakita kong umiilaw ang screen ng phone ko kaya naman bumangon ako sa kama para tignan ito, seems like my brother just sent me a text message. Fr: Thunder Where the f**k are you? Bilisan mo ang umuwi. Xx Napamura na lang ako, if our parents find out tiyak grounded na naman ako, sobrang strict pa naman nila na ikakandado ka sa kwarto mo kapag hindi sumunod sa curfew time, kahit may SPD ako hindi pa rin ako nakakalusot doon. Nagbuntong hininga ako at saka tumingin kay Reina na hubo't hubad, tanging ang kumot lang na pinaghatian naming dalawa ang saplot sa kanyang katawan, inalog ko siya dahilan upang gumising siya, "uuwi na ako, hindi pwedeng malaman nina Papa na hindi ako natulog sa bahay, I'll come here for lunch." Saad ko. Ngumiti siya sa akin saka ako siniilan ng halik sa labi, "sige, see you later then." Tumango ako at mabilis na tumakbo paalis ng bahay, mabilis ang pag-drive ko patungong Villanueva habang mabilis ang pintig ng puso, I took the secret way papuntang old mansion para walang makaalam at magsumbong sa mga tauhan, mabuti na lang at may ganoon dito sa ranch kundi patay, mabilis ang pag-park ko sa garahe at saka bumaba na. I tiptoed my ways into the house, naglakad ako nang malampasan ko ang receiving room kung saan may kausap sina Papa at Mama na isang lalake, sino kaya iyon? Saka bakit ang aga ng gising nila? Usually mga 8AM ang gising pero ngayon 7:00AM pa lang gising na, siguro dahil sa lalakeng kausap nila. Hindi ko na lang pinansin at mabilis na tumungo sa kwarto ko. Agad akong naligo, nag-sipilyo, at lahat lahat na. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nagbuntong hininga, seems like I'm finally okay thanks to my brother's message. Kung hindi ko iyon nabasa tiyak lagot ako, scratch that, lagot kaming dalawa dahil nabilinan siya na bantayan ako kagabi. Bumaba na ako nang makaramdam ako ng gutom, pagtungo ko sa dining hall ay saktong andoon na sina Mama, Papa, at ang bisitang lalake. Napatingin silang lahat sa aking gawi, I thought they were at the receiving room kanina lang? "Oh, it's Tornado." Ngumiti si Papa sa akin, "why so late in waking up?" "Napuyatan lang, Papa. Nasarapan rin ako ng tulog kasi malamig ang panahon." Sagot ko saka tumingin sa isang lalake na may berdeng mga mata, ngumiti ito sa akin na tila ba alam kung saan talaga ako nanggaling kaya naman napalunok ako. "Ako nga pala si Heraya Falacia, both my daughters are being toured around the ranch by Thunder." Ngumiti siya. "How about your wife? Is she also being toured?" Takang tanong ko. Natigilan siya ngunit agad siyang ngumiti, "she died last year because of leukemia." Napatango na lang ako, I really don't feel sorry at all seeing his eyes become teary by my question, "you know Fairel Portelia? I know you do sikat kasi siyang aktres. Magkapatid ang yumaong asawa ko saka sa Mama niya." Saad nito, kumunot naman ang noo ko dahil sa kanyang pahiwatig. "Hijo, halika. You must be hungry." Nag-aalinlangang aya sa akin ni Mama kaya naman tumango ako, nangilak ako kay mama ng mayonnaise habang naglalagay sa plato ng wheat bread, nagtimpla naman ako ng tsaa pagkatapos iyon. "Sanggol ka pa lang noong huli kitang nakita hijo, look at you, you've grown so much! Ako rin ang ninong mo sa bunyag." Nakangiting saad nito sa akin, was I f*****g asking? I better shut my mouth lalo't matalim ang tingin ni Papa sa akin na tila nababasa ang nasa isip ko. I took a bite with my personally made sandwich, "so what brought you here, Tito?" Tanong ko. "Just a reunion with old friends." Nakangiting sagot nito, kahit na nakangiti siya ay hindi maikakaila ang tindig at seryosong dating ng aura niya, hindi ko namalayan na sa sobrang pagkwento niya ay malapit na ang 11AM. "May lakad pa ako, hindi ako makakasabay for lunch, Papa." "At saan ang punta mo?" "Lunch date, maybe." I shrugged, si Mama naman ay ngumiti na tila nasasabik sa kanyang narinig. "Can't you cancel that? Para magsabay tayo nina Heraya at kanyang mga anak sa hapunan." Ani ni Papa. "It can't be cancelled, Pa." Umiling ako saka tumayo na, "salamat sa maraming kwento, Tito Heraya." Ngumiti siya, "of course, balong. You have no idea na marami pa akong hindi naikwekwento sa iyo, lalo na iyong mga kabataan days namin ng mga magulang mo, naalala ko pa yong ginagawa nila si Thunder sa rooftop ng schoo-" Mabilis na tinakpan ni Mama ang bunganga ni Tito Heraya habang namumula, si Papa naman ay ngumiti ng pilit. "Okay, anak. You may go to your date." Tumingin ako kay Tito Heraya na kumindat sa akin, ngumisi ako saka tumingin sa mga magulang ko. "Ako? Saan niyo ako ginawa?" Napabuga naman silang dalawa habang si Tito Heraya ay humahalakhak, mukhang magkakasundo kami ng lalakeng ito. "Alam ko." Ngumisi si Tito Heraya, "sa eroplano-" "Kingina ka, Heraya!" Namumulang hiyaw ni Papa, "what are you doing, Tornado? Baka naghihintay ang date mo sa iyo. Alis na." Tila atat na saad ni Papa. Napataas naman ang dalawang kilay ko saka tumingin kay Tito Heraya, "intense pala at umabot hanggang sa himpapawid ang paggawa nila sa akin, Tito." "Oo naman, hijo." Ngumisi si Tito Heraya at tuluyan na akong umalis. So sa eroplano pala nila ako ginawa ha? How cool is that? Saka paano kaya nalaman ni Tito Heraya? Iyon na ang hindi ko natanong pa. Pagkaalis ko ay agad akong tumungo sa Zeraphine Subdivision, tumigil ako sa gate na may plakang ang nakasulat ay 36th, bumaba ako sa kotse ko at saka pinindot ang doorbell button ng bahay ni Reina. Ilang beses ko pa itong pinindot nang bumukas ang gate sa kabilang bahay, lumabas dito si Fairel na halata ang bakas ng gulat nang makita ako. "Tornado?" I shrugged. "Ano ang ginagawa mo dito?" Bumukas ang gate ng bahay ni Reina at lumabas na siya, agad ko namang hinila si Reina saka siniilan ng malalim na halik sa kanyang labi habang nakatingin kay Fairel na tila wala siya sa kanyang kinakatayuan, halata ang pagkagulat at sakit sa kanyang mga mata kaya ngumisi ako. Reina kissed back, mas lalong lumalim ang halik namin hanggang sa hinihingal na kaming tumigil. Hindi pa sapat ang nakita kong kasakitan sa mata ni Fairel. I want more. I want her to be more in pain, I want her to hurt using Reina and by that she will think she have no right to be hurt dahil pinakawalan niya ako, dahil sinaktan at sinayang niya ako kaya wala siyang karapatan... but still, she will still hurt knowingly. "Ohemgee, is that you Leshyla Fairel Portelia? Amazing! Ikaw ang pinakapaborito kong artista! I'm a fan of yours!" Hirit ni Reina nang makita si Fairel, halata ang pag-idolo sa mga mata nito. Ngumiti ng pilit si Fairel, "hindi na ako artista. I already quitted." "Bakit naman?" She just smiled. "Bagong lipat ka rin, Miss Fairel?" Tumango ito. "I live next to you." "Super cool!" Tila isang batang saad ni Reina habang kumikislap ang mata. "Saan pala punta mo, Miss Fairel?" Nakangiting tanong ni Reina habang magkahawak kamay kami. "Bibili lang ng panghapunan." "You can join us! Tamang tama, naparami rin kasi ako ng luto." Aya ni Reina. "She can join, right baby?" Tumingin sa akin si Reina, her eyes pleading. I smirked. "Of course, baby." Sagot ko saka tumingin kay Fairel, "let's eat lunch together." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD