Kabanata 5 Tumungo na kami sa dining room ng bahay ni Reina, tumabi ako sa kanya habang si Fairel naman ay pumwesto sa kabilang dulo ng mesa at nakaharap sa akin, nakangisi lang ako sa kanya. "Baby, ano ang meron for lunch?" Tanong ko kay Reina habang nakatingin sa mga mata ni Fairel, mga matang minsan ko nang pinahalagahan. "Steak, adobong sitaw, at saka tinola na may ampalaya, tapos may turon for desert at may calamansi juice akong tinimpla." Saad niya at saka tumayo na, dumiretso siya sa kusina siguro upang kumuha ng mga plato at ang pagkain, ako naman ay nakatingin pa rin kay Fairel. "So... kumusta ang pagiging artista? Masaya ba? Siguro oo, kasi iyon ang mas pinili mo." Hindi ako. Natigilan siya dahil sa tanong ko, "sabik na sabik na kitang saktan, Fairel. Hindi pisikal k