Four

3018 Words
"Hindi naman ako nangangain. Umupo ka sa tabi ko." Tumingin ako sa buong paligid, hindi naman sa nahihiya ako. Saka sanay na ko sa ganitong atensyon, sa NEUST palang marami ng nakatingin sakin dahil sa maganda ako. Pero kasi iba ngayon. Kung ang tingin sakin sa NEUST ay maganda, pero dito iba. Hindi naman kasi big deal sa NEUST kung mahirap ka o mayaman. Dito, iba. Scholar ako at ang tingin sakin ng karamihan dito ay Gold Digger. "Come here, Sai." Napabuntong hininga ako at umupo sa harapan n'ya. Hindi ako umupo sa tabi n'ya. Binuksan ko ang librong kakahiram ko lang at nag simula akong mag basa. Ramdam ko ang titig n'ya sakin habang nag babasa ako, umaakto ako ng hindi na aapektuhan pero nanginginig ang kamay ko sa sobrang kaba. Maganda ba ko pag seryoso ang muka? Shet shet. Dapat yata pinag aralan ko kung paano mag make up. Tinapon ko lang kasi ang binili sakin ni Mama dahil hindi ako marunong mag lagay. Ang gusto ko lang ay Liptint na tony moly na original at Johnson baby powder na kulay pink. Tapos juicy na pabango lang, dove na sabon ang aking ginagamit at Dove na shampoo. Hindi ko naman kasi kailangan ng mga pampaganda. Gusto ko makita ako ni Raj na simple lang at walang arte. "So? Ano masasabi mo sa Star University?" he asked. "Big." tipid na sagot ko sa kanya. Hindi ako makakapag salita ng mahaba dahil baka mautal ako at mapansin nya naapektuhan ako sa presensya na totoo naman. Huhuhu, ano ba naman 'tong pinasok ko. Ako nga dapat ang iiwas para hindi kami mag kakilala, tapos s'ya naman ang lalapit sakin para kausapin ako. Pero infairness, nabihag ng kagandahan ko si Raj. Pero di ko muna sasabihin kay Mama na nag uusap kami ni Raj. Mas okay na sigurong wala muna nakakaalam kung ano nang yayare sakin. Saka hindi naman ako mag sisinungaling mag tatago lang ako ng sikreto. "So, Sai? Do you have a boyfriend?" Nagulat ako sa biglang tanong n'ya at binaba ko ang librong hawak ko. Tumingin ako sa kanya at tinititigan ko s'ya kung nag bibiro ba s'ya o ano? Pero muka naman syang seryoso sa tanong n'ya, pero hindi pa naman nya ko kilala? Pero bakit ang bilis ata nya? "Why are you asking me like that question, Mr. Smith? Do you know me?" i asked. "No. But i want to know you. About yourself, about your past, if you had a boyfriends or not. I just want to know? Isn't bad?" "It's creepy, to be honest." ngumisi s'ya sakin. "Masama ba mag tanong sa taong gusto ko?" Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. Ngumiti sya sakin ng matamis na mas lalong nag pa sayaw sa puso ko. Napahawak ako sa tiyan ko na para bang may paru paru na nag wawala. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Inikot ko ang mata ko na para bang may hinahanap at saka muli tumingin sa kanya. "Hindi ba sobrang bilis? Our first met is two weeks ago? Then, now? Gusto mo agad ako?" nag tatakang tanong ko. "Pinag lalaruan mo ba ko?" Hindi ko gustong maging seryoso. Malay mo totoo pala ang sinasabi nila Angel sakin? I just want to save myself, they has a point. Paano nga kung delikado pala? Ayoko munang sabihin na ako si Alysa. Gusto kong makilala si Raj, bilang Sai. At may tamang panahon para mag pakilala sa kanya. "Isn't obvious?" nagulat ako sa sinabi nya. "Kidding. Ano ba sabi ng kaibigan mo tungkol sakin?" "W-Wala." umiwas ako ng tingin. Gumugulo ang isip ko. Bakit ganon? Sinabi ng kaibigan ko hindi daw tumitingin si Raj sa ibang babae, ako palang daw. Tapos ganito mang yayare? Hindi ko maintindihan. Ako agad napansin nya? Sa daming magagandang babaeng nandito? Huminga ako ng malalim. "I'm Rage Jan Smith, nineteen of age." "I'm Alley Sai Pablo, From Nueva Ecija." sagot ko sa kanya. Nag tagpo ang aming mga kamay at hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng kuryente. Mabilis akong bumitaw at tumingin sa kanya. "I like your eyes. You remind me of someone." If he likes me? Ibig sabihin kinalimutan na n'ya si Alysa? Ibig sabihin? Ibig sabihin wala na syang balak na balikan ako. Biglang ako nakaramdam ng kirot sa kaliwang dibdib ko. Kinalimutan na n'ya si Alysa, kinalimutan na n'ya ako. Mabilis kong dinambot ang gamit ko at umalis agad don. Bigla ako nawalan sa mood sa maaring mang yare. He's already forget me! Damn it! Kaya ba hindi na n'ya ako binabalikan? And even my eighteen birthday! Hindi sya pumunta? Hindi na sya nag pakita sakin after that day. Pinadalan n'ya kong laruan pero hindi sapat 'yon para maging masaya. Ang kailangan ko ay s'ya mismo. Pero paano nga ba sya babalik kung kinalimutan na n'ya ako diba? "Sai! Sai!" Mabilis nyang hinuli ang braso ko at tumingin ako sa kanya. "May nasabi ba kong masama?" "W-Wala. Pagod ako gusto kong mamahinga." Mabilis akong lumabas ng gate at inayos ang bag ko. Hindi na n'ya ako sinundan. Tumawid agad ako at nag lakad sa gilid. Nang makarating ako sa Dorm ay mabilis akong umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko. Binalibag ko ang gamit ko sa sobrang galit. Kahit ang kama ko ay sinipa ko. "KINALIMUTAN NA NYA AKO HAYOP!" sigaw ko. "HABANG AKO NASA ISIP KO SYA SIMULA NG IWAN N'YA KO?! TAPOS SYA GANITO? SOBRANG SAYA!" Biglang tumulo ang luha ko. Walang araw, gabi ko hindi s'ya inisip. Mabilis akong pumunta sa study table ko at nakita ko ang picture naming dalawa na nakangiti habang naka akbay sya sakin. Eto ang unang at huling picture naming dalawa. Eto ang araw na sobrang saya n'ya dahil kasama n'ya ang daddy n'ya. Nangako s'ya sakin, nangako s'ya sakin. Nangako s'ya sakin na hindi nya ko kakalimutan, na babalikan n'ya ko. Hanggang pangako nalang ba Raj? Nanginginig ang balikat ko na tumutulo ang luha ko. Napaupo ako sa sahig habang tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko. Si Raj ang tumulong sakin sa mga taong umaaway sakin non. Lagi n'ya kong tinuturuan makipag laban, lagi nya sakin sinasabing nandito s'ya sakin palagi. Lagi n'yang sinasabi ako na wag ako iiyak. Pero bakit, Raj? "Raj..." Biglang may kumatok sa pinto ko at mabilis akong pumunta don. Pinunasan ko ang luha ko at saka binuksan 'yon. I saw Shemi, may dala syang libro at may salamin s'ya sa mata. "Umiyak ka ba?" Mabilis akong tumalikod at pumasok s'ya. Inayos ko ang mga ginulo kong gamit at tumulong naman s'ya. "Hooy, bakit ka umiiyak?" Hindi ako sumagot. Pumunta ako sa study table ko at kinuha ko ang picture namin ni Raj na 'yon. Mahigpit kong hinawakan 'yon. "SI RAJ YAN AH!" Napatingin ako sa kanya. "T-teka? M-Mag kakilala kayo?" tumulo ang luha ko. "K-Kinalimutan na n'ya ako." umiiyak na sabi ko. "S-Sabi nya babalikan n'ya ko. S-Sabi nya, P-Pero bakit ganon?" i asked her. "B-Bakit di nya ko binalikan? Bakit nya ko kinalimutan." "S-Sai..." "Sabi nya gusto na ko bilang Sai." "Ayun naman pala e." Mabilis akong umiling at tumalikod. Umupo ako sa kama habang hawak hawak ko ang frame. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim. Tumingin ako kay Shemi na malungkot na nakatingin sakin. "G-Gusto nya ko bilang Sai. N-Naiintindihan mo ba? Kinalimutan n'ya ko bilang Alysa? Yung babaeng nag hihintay sa kanya n'ya bumalik s'ya? Ano, wala na ba syang balak balikan ako?" She sighed. "Eto gustuhin mo sya bilang Sai. Ikaw palang ang babaeng pinansin ni Raj sa dami ng babaeng lumalapit sa kanya." "P-Paano naman ang Alysa?" i asked her. "Paano?" "Hindi ko alam. Sorry, Sai. Pero diba ang mahalaga naman ay ang ngayon? Ikaw naman si Sai? Ikaw din si Alysa? Ano naman kung gustuhin ka nya? Hindi ka ba masaya na ikaw parin pala ang gusto nya?" natahimik ako. "Wag kang mag pakilala bilang Alysa." "S-Shemi." "Ikaw parin ang babaeng papansinin n'ya. Siguro isa din sa dahilan kung bakit di sya pumapansin ng ibang babae dahil sa Alysa na pinangakuan nya na which is you? So, what's the big deal? Give him a chance to prove himself to you." Natahimik ako don at huminga ng malalim. Naguguluhan ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Pwede ko naman sundin ang sinasbai ni Shemi diba? I will live as Sai not Alysa, his childhood bestfriend. "You're right!" Napangiti s'ya sakin. "Tara mag basa nalang tayo! Bukas na bukas mag uusap kami ng gagong 'yon." "Wag ka muna mag pakilala sa ngayon. Mas maganda siguro kung supresahin mo s'ya diba? Tapos naging kayo?" "Oo nga no!" Nakipag apir ako sa kanya. Kinabukasan ay masayang masaya ako pumapasok sa gate. Hindi ko kasabay si Shemi dahil alas nueve pa daw ang pasok nya eh ako? Alas otso lang. Dumiretso agad ako sa subject ko at umupo sa pinaka gilid pero hindi dulo. Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na binuksan ang social media ko na walang nakakaalam na ako. Wala akong kahit anong social media accounts na may picture ako. Kaya naman inistalk ko agad si Raj at nakita kong may picture kaming dalawa na nakatag sa kanya. Kuha 'yon ni Davin na may nakalagay na 'First Day, First date.' Biglang nag init ang pisnge ko dahil don at huminga ng malalim. Mabilis kong ni like 'yon at nag comment ak-- Wait. Palit muna ako ng username. Pinalitan ko ng UnknowSmith at saka nag pasyang mag comment. 'The girl is beautiful, bagay sila.' Humagikgik ako sa kinomment ko pero pansin ko lang na puro si Raj ang pinupuri sa picture kung gaano kagwapo? Hala? Paano naman ang kagandahan ko? Mabilis kong nilipat sa music list ko ang cellphone ko. Kinuha ko ang aerphone ko at saka sinaksak sa tenga. Pinikit ko ang mata ko at pinakinggan ang kantang Jar of hearts. Pinikit ko ang aking mga mata. Nang dumating sa chorus ay di ko maiwasan sabayan ang pag kanta ni Christina Perri. "And who do you think you are? Runnin' 'round leaving scars, Collecting your jar of hearts And tearing love apart You're gonna catch a cold. From the ice inside your soul So don't come back for me Who do you think you are? ~" Bigla ako nakarinig ng malakas na palakpakan at mabilis kong dinilat ang aking mga mata. Bumungad sakin si Raj na may dalang mga rosas. "Those roses are from Mama Delilah's Garden." sabi agad ni Davin. Tinignan ko ang rosas na 'yon at halatang bagong pitas. "Pinangako namin kay Mama Delilah na pipitas lang kami sa garden nya pag seryoso na kami sa babae." singit ni Simon. Napatingin ako kay Raj na nakaiwas na tingin sakin na para bang nahihiya. Ngayon masasabi kong seryoso nga sakin si Raj. Ibig sabihin? Hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot. Pero ipaparamdam ko sa kanya ang pag mamahal ko. Si Sai man ako o si Alyza? Mamahalin ko parin s'ya ng buong buo. Mabilis kong tinanggap ang rosas at napatingin s'ya sakin. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din s'ya. "I'm sorry about yesterday." "Wala 'yon. Nawalan lang talaga ako sa mood non." sagot ko sa kanya. Pinag masdan ko ang mapupulang rosas. Red roses means love, hindi ko maiwasan hawakan ang malalambot na petals na 'to. Inamoy ko pa 'to at napakagat ako ng labi. "Thank you." Dumating na ang prof namin ay mabilis umayos ang tatlo. "Anong ginagawa nyo dito?" pumito lang si Davin at hinalikan nila isa isa si Prof at sya din ang babaeng isang nag sabi sakin na mag ingat ako. Tumingin sakin si Prof. "Sa Garden ni Madame Delilah yan ah?" "O-Opo." ngumiti sya sakin. "Mukang seryoso nga sa'yo si Raj." biglang nag init ang pisnge ko at umayos ng upo. Sunod sunod dumating ang mga ka blockmate ko. May umupong lalake sa tabi ko pero di ko pinansin. Nilabas ko ang notebook ko at nag simula na sya mag disscuss tungkol sa out put namin. Grinupo grupo n'ya pa kami. Bali ang line kong ito ay ka group ko, apat kami na nandito. "Mag kaka group tayo." ngumiti ako sa kanila. "Ikaw yung scholar diba?" "A-Ahh, Oo." nahihiyang sagot ko. "Totoo pala sinasabi nilang maganda din ang bagong pasok." nahihiya akong ngumiti sa papuri nya. Natapos ang klase namin at pinag usapan namin kung san san kami mag kikita mamaya. Pinag usapan namin sa Bench nalang ng canteen kami mag kita kita at pag usapan ang mga gagawin. Binigyan kasi agad kami ng Topic na Prof. Lei, pag aaralan namin 'yon. Wala naman kakailanganin don dahil isusulat lang sa board ang topic na 'yon at isa namin ay ididiscuss. Mag tatanong lang ang mga ka blockmate namin. Nag karoon din ng bunutan kung sino una ang mag rereport after two weeks at kami 'yon. "Sige, Alley Sai. Una na ko, mag sisimula na second subject ko." ngumiti ako kay Jeyd na kasama ko sa grupo. Dalawang babae at dalawang lalake kasi ang nasa grupo namin. "Alis na ko ah." paalam ko kay Syd at kay Win. "Sige. Kami din." Nag hiwa hiwalay kaming tatlo at pumunta agad ako sa second subject ko. Sa dati lang ulit ako umuupo at buti nalang ay walang umuupo sa favorite kong pwesto. Buhat buhat ko parin ang punpon na rosas. Pansin ko ang mga tingin sakin ng mga babae, ang iba naman ay pinag bubulungan ako pero wala akong pakielam. Wala akong oras sa kanila basta wag lang nila akong guguluhin. Dumating agad ang prof namin at nag simula ang klase. May pa notes agad ito at wala naman nagawa kundo kopyahin. May diniscuss din s'ya samin tungkol sa mga maaring gawin namin at kung ilang percent, ganon din ang third subject namin sa umaga. Nang dumating ang lunch ay mabilis kong tinawagan si Shemi para itanong kung nasaan sya. Ang sabi nya ay nasa canteen na daw sya kaya naman mabilis ako nag lakad patungo don. Nakita ko s'yang makapila sa pag kain at agad akong pumunta sa kanya. "Same order tayo ah. Hanap ako ng upuan, bayaran nalang kita." she rolled her eyes at natawa ako. Nag hanap ako ng upuan pero pansin kong dugtong dugtong ang mga upuan dito. Don sa dulo ay may apat na bakanteng upuan at agad akong pumunta don, Nilagay ko ang rosas sa gilid ko para maging upuan 'yon ni Shemi. Tinignan ko si Shemi na nakapila parin hanggang ngayon don at kumaway ako. "So, sya 'yon?" mabilis ako napatingin sa babaeng nag salita. Nakataas ang kilay sakin ni Rhaine, naka highschool Uniform sya at tinaasa ako ng kilay. Hindi ko s'ya pinansin at napabuntong hininga nalang. "Rhaine, magagalit si Kuya Raj satin." pigil ni Sakenah dito. "Eh ayoko nga sa kanya e!" naiinis na sabi nito. "She's gold digger!" sigaw nito sakin at napatayo ako. Tinaas nya ko ng kilay at lakas loob ko syang hinarap. "Do you know me?" Wala na kong pakielam sa mga estudyanteng nanonood samin. Tinuruan ako ni Raj na lumaban sa mga taong umaapit sakin at humuhusga kaya naman gagamitin ko 'to. "No." "Hindi naman pala e. Anong karapatan mong sabihan ako ng Gold digger eh hindi mo naman pala ako kilala?" nanlaki ang mata nya dahil sa pag sagot ko. "You don't have a right to judge me, Rhaine. You're just know me as Scholar of your family. Pero wala ka parin alam tungkol sakin." Napaantras s'ya sakin at umirap ako. "What's happening here?!" napatingin kami kay Raj na seryosong nakatingin sakin. Hindi ako sumagot sa kanya at tumingin ako kay Rhaine na mukang namumula sa galit. "Kuya Raj, Kuya Davin hindi ako kabali dito ah. Inaaya ko na nga si Rhaine na umalis eh." sagot agad ni Sakenah. Atleast hindi marunong mag sinungaling ang mga batang ito. "Ulan!" mabilis umirap si Rhaine sakin at inirapan ko din. "I dont like her for you, Kuya!" "Come here, Rhaine." mabilis na tawag ni Davin dito. Mabilis naman ito lumapit at hinalikan sa noo. Inaya ito ni Davin palabas at naiwan. Tumingin ako sa pila at nakita ko si Shemi na nandon na sa unahan. "Are you okay? I am sorry fo---" "It's okay." putol ko agad sa kanya. Ngumiti lang ako ng mapait. "Pero hindi ko mapapangakong hindi patulan ang ka b***h'an ng kapatid mo. Tinuruan m--I mean tinuruan ako ng kaibigan kong lumaban kaya naman nilalabanan ko sya." napabuntong hininga sya. At ako naman ay nakahinga dahil mukang hindi naman napansin ang sinabi ko. "I'm sorry again." Nakita ko si Rhaine na maamo ang mukang pumupunta sa pwesto ko. "Sorry." nagulat ako agad sa pag salita n'ya. "You're right, hindi dapat kita ni judge because hindi naman kita kilala. Sorry again." she smiled sweetly at inaya na nya si Sakenah paalis. Tumingin ako kay Raj na ngayon ay nakangiti na sakin. Lumapit na si Shemi sakin at inayos ang pag kain namin. "Raj, uwi daw tayo sabi nila mama." Napatingin ulit ako kay Raj. "See you later." he smiled. "See you." i smiled too. Umupo ako sa upuan at tumingin kay Shemi. "Ikaw na." natawa ako ng mahina. Nag simula kaming kumain na dalawa. Nang matapos kami agad ay pumunta kami sa Garden, hindi ko maiwasan kuhahan ng litrato ang buong paligid. Napag pasyahan ko din gumawa ng i********: at pinost ang muka kuha na 'to. Nag solo picture ako at ginawa kong icon, my username is AlleySai_. Pansin ko din na biglang dumadami ang followers ko eh kagagawa ko palang ah? "Ano 'yan?" "Gumawa ako ng Ig at tignan mo." nanlaki ang mata nya. "Sikat ka na talaga." natatawang sabi nya. "Basta mabigyan ka ng pansin ng isa man sa mag pipinsan na 'yan? Sisikat ka talaga." paliwanag nya sakin. "Kaya naman biglang damit ng followers mo." "Ganon ba talaga?" tumango s'ya sakin. "Tapos ikaw ngayon ang pinaka sikat sa mga babae at kahit san naririnig ko pangalan mo. Sabi ko nga sa'yo diba? Ikaw palang ang babaeng binigyan ng pansin ni Raj. Malinis ang record nito, wala patong nasasaktan na babae." napangiti ako. "Ngingiti ngiti. Teka, may naapakan ako." "Ano yon?" "Yung buhok mo kasi. Ang haba, hindi ko na mareach." Natawa kaming pareho at nag apir. Napag pasyahan kong mag selfie muna kaming dalawa habang nandito sa Garden. Mabilis kong pinost 'yon. "ShemiLang" Mabilis kong tinago ang cellphone ko. "Hindi ka pa ba nag kaka boyfriend?" i asked her. "Boyfriend?" ngumiti sya ng mapait. "May papatol ba sakin?" Pinag masdan ko s'ya ng mabuti. Hindi naman sya panget, may itsura s'ya. Kaso parang ang payat nya masyado tapos wala pa syang dibdib. Pero maganda naman s'ya, maputi din. "Oo nga, walang papatol sa'yo." "Nakakainis ka!" "Wala kang dede, 'teh!" Mabilis akong tumayo at tumakbo paalis din habang tawa ng tawa. "FLAT!" ~ Comment your thoughts guys! I'm sorry for late update again and again! Pleaseee, palakasin nyo naman loob ko para makapag update ako ng mabilis. Minsan kasi tinatamad ako, like now? Pinilit ko lang ang sarili. Kaya comment na ah? I love you!!! ♥ Animethyst_
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD