Mabilis kong pinasa ang bola kay Angelo tumakbo pakanan. Pinasa ni Angelo ang bola kay Simon at biglang tumalon si Simon para i shoot ang bola. Napangisi ako ang nakipag apir sa pinsan ko. Pumunta na kami sa upuan at inabutan ako ni Ulan ng isang towel at umupo sa tabi n'ya. Pinunasan ko ang sarili ko at binigyan naman ako ni Diana ng tubig. Tumingin ako kay Riel na hawak hawak ang kanyang labi.
"Riel, are you okay?"
Napatingin sya sakin at saka umayos ng upo. "Oo."
"Mga babae, lumayas na muna kayo. Kami lang muna matitira."
"At bakit?" nakataas na kilay na tanong ng kapatid ko kay Davin. Ngumisi lang si Davin at akmang ilalapit ang labi sa pisnge ni Rhaine ay bigla itong tumakbo.
"Kadiri ka talaga kuya Davin!" sigaw nya.
Natawa kami ng mahina at naunang umalis si Rhaine at sumunod si Diana, Riella, Sakenah. Tumingin ako kay Angel na busy sa pag aayos kay Saimon. Pinupunasan n'ya ito ng pawis sa likod.
"So?"
"So, what?" napatingin ako kay Simon.
"That girl, her name is Alley Sai Pablo." kumunot ang noo ko.
Her name seems familiar pero di ko alam kung san ko narinig. Umiling ako at huminga ng malalim. Pilit kong iniisip kung san ko narinig ang pangalan na 'yon pero bakit di ko matandaan? Hinilot ko ang sintido ko at saka tumingin kay Davin.
"Pare! Swak! Sexy kahit may pag ka chubby, malaki yung hinaharap. Tapos makinis pa, dude!" papuri ni Davin sa babaeng target ko na tinulak ni Rhaine at tumama sakin.
Tinandaan ko mabuti ang mukang 'yon para naman hindi na ko mahirap. Ngayon alam ko pa ang buong pangalan? Mukang may gusto naman sakin ang babae kaya madali ko nalang mapapasagot 'to.
Pinatong ko ang dalawang braso ko sa tuhod ko at saka tumingin kay Davin. "Taga probinsya daw 'yon. Nueva Ecija."
Nagulat ako sa kanya. "Pero malabo naman na kilala n'ya si Alysa diba?" Simon asked.
"Ewan. Malaki din ang Nueva Ecija." sagot ko sa kanila. "Saka Alysa name ng mahal ko. Hindi Alley Sai." dugtong ko pa.
"Pero malapit na. Alley Sai sa Alysa!" nag tawanan kaming lahat.
Tumingin ako kay Saimon na busy'ng busy kay Angel. Inayos n'ya pa ang buhok nito habang nakangiti. Pareho silang titig na titig sa isa't isa na para bang ang isa't isa lamang ang nakikita nila. Pero hindi sila, pwede.
Tito Lyricko's number one rule.
Hindi ko alam kung anong tumulak sakin para mapapayag sa larong ito. Pero sigurado namang mag eenjoy ako, sigurado naman masaya 'to.
Davin is right. That girl, she';s beautiful, hindi man katangusan ang ilong ay masasabi mong maganda pero may hawig sya kay megan trainor. May pag kataba pero parang mas sexy syang tignan. Mapupula ang labi at makinis. Ang pabilog nitong muka ang ang kulay itim nitong mata na para bang nakakaakit.
Ano kaya itsura ni Alysa? Maganda kaya sya? Sexy kaya sya? Pero kahit ano pa s'ya ay mamahalin ko sya papakasalan ko sya gaya ng pangako ko sa kanya.
I wanted to see her badly, pero hindi pa pwede.
"Oh nandito na pala kayo?"
Mabilis kong dinaluha si Mommy at hinalikan sa noo at pisnge. Ganon din ginawa ni Rhaine na nakangiti. Pero ng tumingin s'ya kay daddy ay inirapan n'ya lang ito.
"Rhaine!" sigaw ni daddy at padabog itong lumapit sa kanya upang halikan ang pisnge.
"I hate you, daddy!" sigaw nya dito.
"I love you too, baby."
Umirap nanaman ang kapatid ko at saka umakyat sa taas. Umupo ako sa tabi ni daddy at pinanood ang NBA na palabas ngayon. Malapit na ang pasukan, malapit nang mag simula ang laro.
"Son, do you have a girlfriend?" napatingin ako kay daddy dahil don. "Pansin kong ikaw ang pinaka tahimik sa mag pipinsan, tapos parang wala kang pakielam sa paligid."
"Daddy, i dont have a time for that. Saka mag papakasal na ko after two years."
"Good. One woman." napangisi ako sa kanya.
"Wag kang tutulad sa ama mong gago. Pag patuloy mo lang ang kabaitan mo Raj." singit ni Mommy na may dalang chocolate at umupo sa tapat namin.
Natawa si daddy at natawa na din ako. Tumayo s'ya sa tabi ko at saka lumapit dito upang halikan sa pisnge.
Ilang taon na ba silang kasal? I'm nineteen years old, almos fourteen years na palang sila kasal pero hanggang ngayon ay mahal na mahal parin nila ang isa't isa. Hindi sila nag sasawa at para bang bawat araw na dumadating ay mas lalo pa nilang minamahal ang isa't isa.
Nakikita ko kung paanong sabihin ni daddy kay mommy na mahal nila ang isa't isa. Kung paano nitong alagaan at turing na isang reyna tulad ng nakikita ko kela mama't papa at sa iba pa. Sa bawat tingin n'yang nag nining ning.
I want that kind of love.
Yung bawat araw na dumadaan ay mas lalo kaming nalulunod sa isa't isa. My father and my mom are so lucky with each other. Kahit nag simula sa lahat na maging second girl si mommy ay mas pinili parin ni daddy si Mommy.
Maraming pinag daanan ang dalawa at lahat nalagpasan nila 'yon.
Nang makita kong mag tagpo ang kanilang labi ay tumayo ako. That's not disgusting, that's called love. At wala akong pakielam kahit mag s*x sila sa harapan ko, normal na sakin ang nakikita ko sa dalawa. Kahit minsan nahuhuli ko pa si Mommy na lumuluhod sa harapan ni daddy ay hindi ko pinakielamanan. Kung si Rhaine ang makikita non ay mag sisigaw 'yon. Ganon kaarte ang kapatid ko.
Nang makarating ako sa kwarto ay dumiretso agad ako sa Cr. Binuksan ko ang shower at binanlawan ang sarili ko.
Inisip ko ang babaeng tumama sa dibdib ko. Paano kaya kung umurong nalang ako sa laro? Alam kong masasaktan ko ang babaeng 'yon pero yun nga ang dapat na laro.
Pag lalaruan ko lang s'ya, pasasayahin sa pag papanggap at iiyak sya sa katotohanang hindin pala totoo ang lahat.
~
"MAMA naman." i rolled my eyes.
"Hoy, ikaw bata ka! Wag kang gagala sa gabi no!"
"As if naman may gagalaan ako, Mama! Like, hello? Mama, hindi nga ako makalibot dahil natatakot ako maligaw." inis na sagot ko. "Nakakainis talaga, Mama!"
Natawa lang si mama. Hinipo ko ang muka n'yang nasa screen. Nakahiga na s'ya ngayon at handang matulog pero tumawag ako. Dalawang linggo na kong nandito lang sa dorm. Panay ang salita ko mag isa at para akong baliw.
Paano ba naman kasi hindi mawala sa isipan ko ang nang yare noong enrollan? Jusko dai naman e! Ilang babala 'yon? Tatlo ba? Oo ata, tatlo. Nakaka gigil, anong karapatan nilang sabihan ng masama si Raj! Hindi nila kilala ang kababata ko, tapos si Angel at Saimon! Anong karapatan nilang saksakin sa likod si Raj ko.
"Oh anong muka 'yan?"
"Eh kasi naman Mama! Ang daming naninira kay Raj sa University!" inis na sumbong ko.
"Anak mas maganda siguro kung pakinggan mo sila, wala naman mawawala sa'yo. Tapos pag nakapag tapos ka na saka ka nalang mag pakita."
"Eh paano pag nag ka girlfriend si Raj! Mama naman e!" sigaw ko.
"Anak, para kang tanga. Wag kang tanga, pwede ba?"
Sinabunutan ko ang sarili ko sa inis ko. Huminga ako ng malalim at saka ngumiti. "Oo, sige na." pag sisinungaling ko.
Sus, anong hindi lalapit? Lalapit at lalapit ako pero hindi muna ako mag pakilala. Baka malaman ni Mommy Kyla tapos pag nalaman ni Mommy Kyla ay baka pumunta 'yon ng Nueva Ecija at sumbong ako kay Mama.
"Sige, tulog na me. Bukas na may pasok na si ako, so sleep na me. Babye, lablab!"
Mabilis kong pinatay ang tawag at saka humilata ng very light. Pinikit ko ang mga mata ko. Mapapansin n'ya kaya ako bukas?
Kinabukasan ay mabilis akong kumilos. Dahil kung hindi ako bibilis ay wala akong mararating. Ayoko na mag tanong kung nasan ang room ko dahil baka itulak lang ako.
Isa pa 'yung rhaine na yon! Pasalamat s'ya kapatid s'ya ni Raj kung hindi sinapak ko na sya ng very light. Nakakainis, sobrang brat non. Abay, ako hindi naging ganon. Porket mayaman akala mo kung sino na?
Tsk.
Tangina n'ya sagad sa core nya!
Nang matapos kong mag ayos ay nilad lad ko ang buhok ko. Nag lagay ako ng liptint sa labi ko at saka pulbos lang. Napangiti ako dahil bagay na bagay sakin ang yellow na uniform ng Star University. Buti nalang hindi kahabaan ang skirt nito, ganito ang tipo ko. Kinuha ko na ang bag ko at ang schedule ko sa study table.
Saktong pag labas ko ay pag labas ng babae sa katabing Dorm ko. Tumingin s'ya sakin at ngumiti ako. Ngumiti din s'ya at nag lakad sya papunta sa pwesto ko.
"Scholar ka din for sure." i nodded. "Tara samahan na kita sa mga pupuntahan mo. Kawawa ka naman, kasi dito sa Star University? Akala mo mga kung sino. Pag scholar ka kailangan mong ibaba ang sarili mo. Nakakainis."
"What do you mean by that?" i asked.
"All Alvarez counsins, you know them right? Even Mendez and Parker, kailangan mo silang galangin dahil sa kanila ang University na pinapasukan natin." sagot nya sakin at nag simula na kami mag lakad. "Sa mga mag pipinsan na 'yan ang matino lang ay si Saimon at Raj." napangiti ako ng marinig ko ang pangalan ni Raj. "Si Saimon kasi one woman lang 'yan simula noon hanggang ngayon. Mahal na mahal n'ya si Angel."
"Si Raj naman?"
"Walang nakakaalam kay Raj. Masyadong misteryoso, tapos wala man balak tumingin sa mga babaeng nag papansin sa kanila. Kung si Davin at Simon 'yon baka isa isa ng kinama ang mga babaeng 'yon. Pinaka malakas na dating kasi para sakin ay si Raj, masyadong misteryoso tapos ang lamig ng tingin."
"Akin sya!" sagot ko sa kanya.
Napatingin sya sakin at tumawa ng mahina. "Good Luck."
Sabay kaming bumaba ng hagdan. Nang makababa kami ay lumabas na kami. "Wag ka din lalapit sa kanila kasi ibubully ka ni Ryza."
"I remember her. Naka sagutan ko sya noong enrollan." napatingin sya sakin.
"Lakas ng loob mo ah." normal na sabi nya.
"Kung magiging mahina ka wala kang mararating friend. Kaya dapat maging malakas ka. Kahit scholar ka? You should know how to fight and protect yourself from them. Sarili mo lang ang kakampi mo." nakangiting sabi ko.
Nag simula na kaming tumawid at nag lakad papunta don at saktong pag punta namin don ay isa isa bumaba sila Raj sa isang Van. Tumatawa ang dalawang lalake, habang si Saimon at Angel naman ay mag kahawak ang kamay na pumapasok sa loob. Si Rhaine, Diana at Sakenah naman ay usap usapan ang tungkol sa bagong brand ng mga lipstick. Nang tumingin ako kay Raj ay agad nag tama ang tingin naming dalawa.
Nag wala naman agad ang puso ko dahil sa tingin n'ya.
"Tara na."
Mabilis akong hinila ng babaeng kasama ko pero di ko pa kilala. Napakagat ako ng ilalim ng labi at pingilan ang sarili ko na wag sumigaw.
Mabilis nyang kinuha ang schedule ko at hinila pakaliwa. "So? Business ka? Eto ang tinatwag AF buillding standing for Alvarez Funtabella Building means business sya. For Engineer naman is S Building standing for Smith Building sa mga Mag lo-Law naman ay AR Building standing for Aragon Bulding, then ang Doctor naman ay P Building, Parker Building and the last sa mga gustong mag take ng director or about sa pag aartista pa yan ay ang M Building standing Mendez Building."
"Bakit may mga ganon?" i asked.
"Abay syempre. Sila sila may ari ng University nito."
"Smith, dahil Engineer si Rj smith?"
"Paano mo nalaman?"
"Close ko asawa non e. Si Mommy Kyla." i giggled.
"Bugok wala kang maloloko dito."
Mabilis akong umakbay sa kanya at tumawa. Pumasok kaming dalawa sa AF Building at pumasok kami sa iisang room. "Pareho tayo sched for monday and Thursday."
"Amina na Schedule ko."
Hindi naman pala mahirap mag hanap ng mga room dito dahil may mga logo at bawat building kaso malayo naman lalakarin mo.
Huminga ako ng malalim at saka umupo sa gitna. Nag tabi kaming dalawa ng kasama ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa kilala.
"Hoy, ano nga pala pangalan mo?"
"Shemi De Guzman."
"Ka aplido mo prof ko." natatawang sagot ko. "My name is Alley Sai Maganda Sexy Pablo." i smiled sweetly.
"Kadiri ka. Alley Sai Pablo lang, walang maganda sexy." inambahan ko sya ng suntok at natawa lang sya. "So, friends na ba tayo?" she asked,
"No choice ako, Teh. Kahit panget ka may kwenta ka namain."
Pareho kaming natawa na dalawa. Maingay ang room pero bigla itong tumahimik dahil sa malakas na pag bukas ng pinto. Pumasok si Raj don kasama si Davin at Simon. Inikot nya ang mata nya at tumingin sakin.
Dahan dahan syang nag lakad sa pwesto ko at ako naman ay parang hindi makagalaw. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya, hindi ako makalunok o makapag salita sa sobrang titig sa kanya. Isabay mo pa si heart na nag wawala dahil sa titig ng beybe qoh.
"Hi."
Nag simula ang bulungan sa loob ng room at huminga ako ng malalim. "H-hello."
Ay pakers! Lord help me. May Demigod sa harapan ko.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.
Hindi kaya alam nyang ako si Alysa? Alam n'ya ba? HALA! Paktay. Hindi muna pwede, pag katapos ko pa naman ng pag aaral at saka ko sasabihin na ako ang kababata n'ya.
"So, you're Alley Sai Pablo?" dahan dahan akong tumango sa kanya at unti unti umangat ang labi nya.
Parang nahulog ang panty ko, ginalaw ko ang paa ko para makasiguradong nahulog nga o hindi. So hindi nga, wala akong naramdaman na nahulog e. Umiwas ako tingin sa kanya at saka umayos ng upo.
"May kailangan ka?" buong tanong ko.
Yeah! Pag patuloy mo lang 'yan. Wag kang mag papahalata na na aapektuhan ka sa kanya. Dapat chill lang, woooaaaah.
"Ahmm. Are you free later? Let's date."
Muntik na malag lag ang panga ko sa diretso nyang pag sasalita. Jusko day, paano gagawin ko? Inaaya ako ni Raj lumabas.
Teka teka? Hindi kaya crush nya agad ako? Syempre. Aba sa ganda ko ba naman, hindi mag ka ka crush sakin. Pero kasi, bawal pa. Ano ba naman 'to. Ano sasabihin ko? Kailangan 'yung may class ang pag sasalita ko. Kailangan pa maria clara.
"Sorry, pero di ako sumasama sa hindi ko pa kilala."
"WOOOAAAAAH!"
Napatingin ako kay Davin at Simon na parang hindi makapaniwala sa sinagot ko. Ngumiti lang ako at saka tumingin kay Shemi na mukang hindi rin makapaniwala sa pag tanggi ko.
"Okay, then let's talk later. Hindi ka pa naman siguro nakakalibot sa buong University diba? So? I will be your tour guide Miss. Pablo."
Umayos sya ng tayo at saka kinuha ang kamay ko. Mabilis nyang hinalikan 'yon at naramdaman ko ang pag iinit ng pisnge ko.
Ang mga classmate ko non ay nag tatangka palang silang hawakan ako ay lumalayo na ko. Hindi ako papayag na may nakakahawak sa kamay ko. Gusto ko pag nag kita kami ni Raj, malinis namalinis ako. Gusto ko 'yung kaya n'ya ko ipag malaki. Sinuportahan ako ni Mama sa lahat ng 'yon.
"You're blushing and you're more beautiful."
Mabilis syang tumalikod at saka ako nakahinga ng maluwag. Napahawak ako sa dibdib ko at biglang tumili si Shemi sa gilid ko.
"OH GOSH FRIEND! WHAT WAS THAT? ALAM MO BA NGAYON LANG TUMINGIN SI RAJ SA BABAE! AT IKAW PA 'YON! KANINA SA GATE AKALA KO NAG MAMALIKMATA LANG KO, PERO IKAW PALA TINITIGAN NYA!"
Isang malakas na hampas ang narinig namin at natahimik si Shemi sa tabi ko. Tumingin ako sa babaeng 'yon na puro make up ang muka. Pumunta sya sa gilid namin at tinaasan ko sya ng kilay.
"Aba! Scholar ka lang, wala kang karapatan lumandi!"
Tumayo ako at hinarap ko sya. "Abay, walang kang pakielam. Nanay ba kita?"
Biglang nag tawanan ang mga ka blockmate namin at namula ang pisnge nya. Akmang sasampalin n'ya ko ay mabilis kong hinuli ang kamay nya. Mabilis ko s'yang tinulak at inirapan. Umupo ako ng maayos sa upuan ko at sakto naman na pumasok ang prof namin.
Padabog syang bumalik sa upuan nya. "Ang galing mo. Ang tapang mo friend."
"Thanks." i smiled sweetly.
"Okay, the new scholarship, stand up and introduce yourself."
Tumayo ako at pumunta sa gitna. "My name si Alley Sai Pablo, nineteen of age and from NEUST." nakangiting pag papakilala ko.
"Sa wakas naman may pumasa na sa NEUST, ilang beses nag karoon ng exam don pero wala naman pumapasa. COngratulation Miss Pablo and take your seat."
Mabilis akong pumunta sa upuan ko at nag simula na sya mag disscuss tungkol sa magiging topic namin. Sinulat ko naman lahat ng 'yon, para naman makahiram agad ako ng libro sa Library.
Mabilis lang natapos ang Unang klase namin at isang malakas na bell ang narinig ko. Biglang nag sigawan ang mga kasama naming lumabas.
"Tara mall!"
Tumingin ako kay Shemi. "Wala ng klase." sagot n'ya sakin. "And Let's go to the Library, hiram agad tayo ng libro."
"Sige!" masayang sabi ko.
Sumunod lang ako sa kanya hanggang papuntang library. Pansin kong sobrang konti ng tao at di pa ata lalagpas sa sampo. Sinundan ko ulit si Shemi at mabilis syang kumuha ng dalawang libro para sa magiging topic namin for this week. Tinignan ko 'yun, sinulat namin ang pangalan namin pati ang librong hihiramin namin.
Binigay namin pareho ang ID namin at saka lumabas.
At muntik na ko mapasigaw dahil nakita ko si Raj don na nakaupo sa gilid at tumingin sakin. Tumayo s'ya at lumapit sakin. "Let's go?"
"A-Ahmm.."
"Sige, mauuna na ko bugak. Kita nalang tayo sa dorm ah."
"Teka, Shemi!"
Mabilis itong tumakbo palayo at tumingin ako kay Raj na nakatitig sakin. Mabilis nyang kinuha ang bag ko pati natin ang libro ko. Nauna s'yang mag lakad at mukang wala na kong magagawa kundi sumunod nalang sa kanya. Panay ang salita ny tungkol sa pinupuntahan namin.
Hindi ko alam kung bakit parang ang daldal n'ya. Noong bata pa kami gusto nya lang mag laro at walang masyadong salita. Tapos pag pagod na kami matutulog kami mag katabi at mag kayakap. Lagi n'ya kong tinatawag ng 'Panget Alyza' tapos bubusangot ako.
Hindi ko sya papansinin tapos bigla nya ko ikikiss sa pisnge saka sa noo. Minsan naman ay ako masusunod sa mga laro namin.
Gusto ko ng sabihin sa kanya, gusto ko na kaso bawal pa.
Alam ko sa sarili ko na mahal ko si Raj pero di ko naman alam na ganito pala ang magiging epekto n'ya sakin. Hindi ako makapag salita mabuti, hindi ako makagalaw mabuti. Tapos nag wawala ang puso ko, sa bawat pag sasalita nya para akong dinadala sa langit.
"This is our Open Gym pero may cover Gym tayo at ayon." turo nya sa kulay yellow na Gym na sobrang laki. "Madalas mag karoon ng practice game don kasama ang taga ibang Blue University." tumingin ako sa kanya. "Kung gusto manood, sabihin mo sakin."
"S-Sige." nakangiting sagot ko.
"You're so beautiful." napahinto ako at nag init nanaman ang pisnge ko. "You're fat but you looks so hot."
"R-Raj."
"I want to kiss you right now."
Napanganga ako sa sobrang pranka nya.
What the f**k?
~