Two

3010 Words
"MAMA! OH MY GOD! MAMA!" "Ay juskong batang 'to! Sigaw ng sigaw?! Ano ba?!?" Mabilis kong niyakap si mama ng makita ko sya sa Kusina. Tumulo muli ang luha ko dahil don, nang bumitaw s'ya sakin at tinignan nya ko. Mabilis kong pinakita ang papel kung san may nakalagay na pumasa ako sa Exam para sa Star University. Inagaw ni Mama sakin 'yun at mukang hindi s'ya makapaniwala sa nakikita. "A-Anak, totoo ba 'to?" Mabilis ko syang niyakap ng mahigpit habang tumutulo ang luha ko. "MAKIKITA KO NA SI RAJ, MAMA! MAKIKITA KO NA SYA!" Sigaw ko habang humahagulgol. "Oh tahan na anak." Natawa kaming pareho. Inupo nako ni mama sa isang upuan at saka pinunasan ang luha ko. Kanina pa ko umiiyak ng pumunta ako sa NEUST dahil sa binalita sakin ng isa kong ka blockmate, kaya naman sobrang bilis kong pupunta sa Office at mabilis akong niyakap ng Professor kong babae. Iyak lang ako ng iyak sa harapan nila habang paulit ulit kong sinasambit ang pasasalamat. "Anak, eto uminom ka munang tubig." Mabilis kong ininom ang binigay sakin ni mama. "Maligo ka na. Nakahanda na ang pang paligo mo. Wag ka ng lumabas." "Mama, sabi ni Professor, b-bukas na daw ako pwedeng umalis para daw sa dorm ko. A-Ayusin na daw po namin, kasama namin s'yang luluwas." napahinto si mama sa ginagawa nya at napatingin sakin. "Ba't agad agad?" tanong nito sakin. "Mama! Video call nalang us! Ano ka ba?! Ano silbi ng phone mo." pampalakas ng loob ko. Isa pa 'tong dahilan kung bakit ako umiiyak. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang wala si Mama sa tabi ko. Dalawang linggo nalang simula ang pasukan at sa lunes ako ieenroll at eto ang huling araw namin ni mama. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay n'ya. "Hindi ko alam anak. Hindi ko ata kayang malayo ka sakin." "Mama naman e." mabilis kong hinalikan ang kamay n'ya. "Easy lang 'yan, kita mo uuwi ako dito ng may medal." natatawang sabi ko."Kaya papayag na s'ya, yieeeee." Natawa si mama sakin at ginulo ang buhok ko. "Mag babad ka na sa gatas mo at aayusin ko na ang gamit mo." Mabilis ko s'yang hinalikan sa pisnge at tumakbo ako sa Cr. Hinubad ko agad ang aking damit at saka pumunta sa gatas kong paliguan. Pinikit ko ang mata ko habang may ngiti sa labi. Dalawang linggo nalang ay makikita ko na si Raj, ano kaya sasabihin ko sa kanya? Sana naman hindi n'ya nakakalimutan ang kababata n'yang magada at sexy pa. Ano kaya reaksyon n'ya pag nakita n'ya ko? Ano kaya unang salitang maririnig ko sa bibig n'ya? Ano kaya? Kailangan pag nakita nya ko walang sugat, walang dumi, maganda, yung tipong sobrang kinis para naman hindi nakakahiya. Iningatan ko ang sarili ko para sa kanya, iningatan ko pati pag kababae ko at sana nalang wag masayang. Huminga ako ng malalim at tumingin ako sa kisame ng bahay namin. Sa mismong taas nito, dito sila non nakatira, ang sabi ni Mama. Tinulungan daw s'ya ni Mommy Kyla sa maraming bagay. Dahil nang dumating ito samin ay may anak na ito at wala s'yang alam kung sino Ama. Tapos malalaman nalang n'ya ay galing pala sa magandang pamilya ni Mommy Kyla tapos si Raj ang tagapag mana ngayon ng Firm. Tapos nag kasakit daw ako at iyak ng iyak si Mama, wala daw tumulong sa kanya kundi si Mommy Kyla. Kaya naman mag kasundo sila at kami din ni Raj. "Raj, malapit na. Konting push lang baby ko!" Nang matapos ang isang oras kong pag babad sa gatas ay nag banlaw na ko. Pumasok ako sa kwarto ko ay di ko maiwasan malungkot ng marinig ko ang mahihinang hikbi ni Mama. Sumandal ako sa pinto at pinanood s'ya sa pag aayos ng mga gamit ko. Dalawang maleta na ang naayos at isang bag. Pero may isang maleta pa ito napupuno. "Mama, dalawang maleta lang po. Uuwi pa po ako." natatawang sabi ko. Mabilis nyang pinunasan ang luha nya. "Wala kang pakielam! Ayoko kitang nakikita dito!" ramdam ko ang lungkot sa boses ni Mama kaya mabilis ko s'yang niyakap ng mahigpit. Hinalikan ako nito sa noo. "Mas pinipili mong makasama si Raj kesa sa mama mo. Walang hiya kang bata ka." natawa ako ng mahina. "Tabi tayo matutulog ah?" "Oo. Basta wag mong kakalimutan na tawagan ako ah? Sabihin mo pag nahihirapan ka na! Sabihin mo din sakin address mo para naman pag may sakit ka ay makapunta agad ako." "Ikaw din, Mama. Sabihin mo kung may sakit ka ah?! Para naman makauwi ako dito." Natawa kaming pareho at niyakap ang isa't isa. Kinabukasan ay nakaayos na ang lahat. Gising na gising kami ni Mama pero nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Gusto nyang sabihin na wag na kong tumuloy pero alam kong hindi n;ya ko pipigilan dahil alam nya kung gaano ko kagustong makasama si Raj. Huminga ako ng malalim at hinalikan s'ya sa noo. "Mama, aalis na ko." "Ihahatid pa ba kita? Ang lake lake mo na!" Umiwas s'ya sakin ng tingin at huminga ako ng malalim. Pinigipigilan kong tumulo ang luha ko. Huminga ako ng malalim at hinalikan ulit s'ya sa noo. Unti unti akong tumalikod at tumulo ang luha ko. Sobrang bigat ng paa ko habang nag lalakad papunta sa pinto. Dala dala ko ang dalawang maleta ko at isang bag pack ko. Narinig ko ang hagulgol ni Mama at napahinto ako. Napakagat ako ng ilalim ng labi. "MAMA! BAKA GUSTO MO NAMAN AKONG PAG BUKSAN NG PINTO!" sigaw ko sa kanya. "ANG DAMI DAMI KONG DALA OH!" Tinatago ko ang lungkot sa saking boses. Punong puno ng luha ko ang buong muka ko. Huminga ako ng malalim at umantras ako para bigyan ng daan si Mama. Binuksan nya ang pinto at lalong bumuhos ang luha ko. Unti unti kong tinapak ang paa ko sa labas at nakita ko si Fred don na malungkot na nakatingin sakin. Inirapan ko s'ya kahit tumutulo ang luha ko. Nandon ang isang Van na mag hahatid sakin papunta Manila. Wala akong kasama dahil ako lang ang nakapasa. Nakakainis, sobrang talino. Alright! Tinulungan ako ng professor kong dali ang gamit ko. Nang makapunta ako sa Van at tumingin ako sa bahay namin. Nasa loob si Mama at alam kong umiiyak ito. Sa ganda ba ng anak n'ya tapos aalis, sino hindi maiiyak diba? Huminga ako ng malalim. "MAMA, BAHALA KA DYAN. AALIS NA KO." Nang makasakay na ko sa Van ay lalong bumuhos ang luha ko. Tumingin ako sa bintana pero hindi ko nakita si Mama ng lumabas. Binuksan ko ang bintana at dinungaw ang ulo ko, nakita ko si Mama na nag lalakad at sinusundan ako. Lalong bumuhos ang luha ko. "MAMA, MAHAL NA MAHAL KITA!" malakas na sigaw ko. Nang lumiko na ang Van papuntang bucana ay umupo na ko ng maayos. Binigyan ako ni Prof. De Guzman ng isang box na tissue at pinunasan ko ang mga luha ko. Iyak lang ako ng iyak sa buong byahe. Ang limang oras na byahe na 'yon ay hindi ako nakatulog, kahit ang tissue ay naubos sa sobrang drama ko. Shet, wala ng maganda sa maisan. Nang makarating kami Dorm ay agad akong binuhat ang bag ko at dalawang maleta ko. Tumingin ako kay professor na nakangiti sakin. "Fighting!" "Aja!" May tumulong sakin na iakyat ang gamit ko. Sa Second floor ang dorm ko. Libre ang lahat dito dahil sagot ito ng mga funtabella, ang talino mo ang puhunan dito. Bibigyan ka din nila ng libreng allowance na sapat para sa'yo. Nang makapasok ako sa Dorm ko ay agad kong binagsak ang katawan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong may mensaheng pinadala sakin ang prof ko. "I am sorry, Sai. May emergency sa bahay, hindi na kita masasamahan para bukas." "HALA, HALA!" Mabilis akong nag reply ."Hala, paano 'to? Maganda lang ako pero naliligaw parin ako." Wala na kong na receive na reply at mukang no choice na. Pinadalan ko ng mensahe si Mama para sabihin na nandito na ko sa dorm ko. Nag paalam na ko na matutulog muna. Hindi ko agad maiwasan mamiss si Mama, hindi ko maiwasan mamiss. Niyakap ko ang puting unan sa tabi ko. Anong oras ako umalis sa bahay? Mag aala una ata tapos ngayon ala sais na. Hindi pa ko kumakain. Umupo ako at tinignan ko ang mga gamit ko. Sa pag bukas ko ng isang maleta ay biglang tumulo ang luha ko. May dalawang pack na sterilized don at limang plastic na chooey toffee. Napahagulgol ako habang yakap yakap ang mga 'yon. "Mama ko, mama ko!" Biglang may kumatok sa pinto at napatayo ako. "Nakakainis naman, nag eemote ang maganda e!" Mabilis kong binuksan ang pinto at bumungad agad sakin ang dalawang styro na pag kain. Tumingin ako sa lalakeng nasa harapan ko. "Ma'am, dinner time po." Mabilis kong kinuha 'yon at pumasok ako. Inikot ko ang mata ko sa loob ng kwarto ko, mas malaki ito sa kwarto ko at may cabinet. May study table, may laptop, may isang pinto don at sa tingin ko ay CR. Malinis na malinis, may isang Tv na nakapakat sa pader, may cabinet din na puno ng libre. Binuksan ko ang Tv ay bumusangot ako. Miss na miss ko na talaga si Mama. Kinabukasan ay ala sais palang ng umaga ay gising ako. Inamoy ko ang katawan ko, bakit ganon? Ang bango ko parin! Alright! Pero hindi kasi, nanibago ako. Hindi sakin bumungad 'yung picture namin ni Raj. Shet, nakalimutan kong dalin. May oras pa naman para mag ayos ng mga gamit dahil alas nueve daw ang enrollan bukas. For sure mag kakagulo ang mga tao at kailangan maganda ako. Boon panes! Sa pag bukas ko ng isang maleta ko ay napangiti ako. Nakita ko ang picture frame kung nasan ang picture namin ni Raj. Naka prinsipeng suot s'ya habang ako ay naka pulang uniform sa south. Napangiti ako at niyakap ito. Nilagay ko ito sa study table ko para naman ganahan ako laging mag aral. Inayos ko ang ibang gamit ko pati ang sapatos kong bago at nilagay ko sa baba. "Paano pinag kasya ni mama ang mga ito?" Nilabas ko ang kulay asul kong dress na hanggang ibabaw ng tuhod. Pumasok ako sa CR at simulan ko nang maligo, nakakagulat. Kumpletong kumpleto sa gamit, ang sarap maging scholar. Nang matapos akong maligo ay nag ayos na ko. Polbo at liptint lang ang gamit ko at alam kong maganda na agad ako. Inayos ko ang buhok kong hanggang balikat pero hindi gaano straight na straight. Minsan kasi naka fly away e, nakakainis. Nang matapos ako mag ayos ay kinuha ko ang maliit kong bag. Nilagay ko dun ang wallet ko and phone ko. Kinuha ko ang envelop na kakailangain ko at saka nag lakad palabas. Walking distance lang daw ang layo ng Dorm sa Star University. At totoo nga. Kitang kita ko na dito sa pwesto ko ang Logo ng Star na kulay yellow. Kaya naman mabilis akong tumawid at nag lakad agad. Wala pang limang minuto ay narating ko agad ang Star University. Huminto ako sa harapang ng gate at pinanood ko ang mga pumapasok na estudyante at totoo nga sinasabi ni Cindy. Marami ngang magagandang babae at se sexy. Bigla tuloy ako nahiya sa katawan ko. Aaminin ko, hindi ako payat, hindi ako mataba. Parang sakto lang, wala naman akong problema sa itsura ko pero bigla akong nahiya dahil sa nakikita ko. Huminga ako ng malalim at saka nag lakad papasok don. Inikot ko ang mata ko at pansin kong mga nakatambay lang ang mga estudyante. Taas noo akong nag lalakad. Tumingin ako sa babaeng nag iisa at lumapit don. "Pwedeng mag tanong?" tinaasa nya lang ako ng kilay at inirapan. "San ang office dito?" Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. Tumayo s'ya sa harapan ko. "Hindi mo ba ko kilala?" mabilis akong umiling sa kanya. Muka syang bata pero masasabi kong nasa fourteen palang sya pero kung makaasta sya akala mo naman kung sino. "Hey! I'm Rhaine Smith!" nanlaki ang mata ko. "You must be know me." "A-Ano kasi..." Narinig ko ang bulungan sa mga paligid ko at napatingin ako sa kanila. Hindi ko alam bakit bigla akong nahiya, hindi naman ako ganito dati e. Kaya ko nga patulan ang mga nabubully sakin pero iba ngayon. Mabilis akong tinulak ni Rhaine at napaantras ako. Napapikit ako at may naramdaman akong sumalo sa likod ko. Mali, hindi salo. Kundi nabangga ako sa matigas na dibdib n'ya. Nakahinga ako ng maluwag at mabilis na lumayo sa lalakeng 'yon. Nang makita ko kung sino ang lalakeng 'yon ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Sabay ang pag init ng aking gilid ng mga mata habang nakatingin sakin. "R-Raj..." "Kuya!" mabilis lumapit si Rhaine dito at masamang nakatingin sakin. "You know me?" Lalong lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa narinig ko ang boses nya. Sobrang manly ng boses n'ya at parang nalalag lag ang panty ko. Gusto ko sana i check kaso nahihiya ako. "Y-yes." Damn! Sasabihin ko ba sa kanya na ako ni Alysa? O wag nalang. Inayos ko ang leeg ko at nilabas ko ang kwintas na suot ko pero hindi ko makapa. "HALA!" napasigaw ko. "Yung kwintas ko!" Tumaas ang kilay sakin ni Rhaine at inirapan ako. "Let's go, Kuya." Mabilis nyang hinila si Raj at huminga ako ng malalim. Nakakainis! Nakakainis! Oras na sana, pero potangina. Nawala ang kwintas ko. "Eto ba?" napatingin ako sa lalakeng nasa harapan ko. "Oo!" Mabilis kong kinuha 'yon. Tumingin ako sa kanya at huminga ako ng malalim. "M-Maraming salamat." ngumisi ako sa kanya. "Wag kang lalapit sa lalakeng 'yon." napatingin ako sa tinuro nya at kumunot ang noo ko. "At bakit di ko lalapitan si Raj?" taas kilay kong tanong. "Masasaktan ka lang." Mabilis syang binatukan ng isang lalake at hinila sya ng isa. "Hi, I'm Davin." "Alley Sai." tinanggap ko ang kamay nya at ngumiti ako sa kanya. "Swerte ni Raj ah." kumunot ang noo ko at saka tumalikod sakin. Naiiling ako at saka tinignan ang kwintas ko. At saka ko lang napansin na. Pinsan pala nya ang nag pakilala sakin? Teka? Alam nya bang ako si Alysa? Hala hala! Alam ba n'ya? Huminga ako ng malalim. Shet shet! "Hey!" napatingin ako sa babaeng kumalabit sakin at tinaasa ako ng kilay. Tinaasa ko din s'ya ng kilay. "Layo layo din sa mga 'yon ah?" "At bakit?" lakas loob kong tanong. "Aba, aba sumasagot ka?" "Malamang, kinakausap mo. Bastos naman ako kung hindi kita sasagutin diba?" lumapit pa ko sa kanya at hinarap sya ng buong buo. "Transfery 'yan Ryza. Aba, wag mong simulan ang gulo." napatingin kami sa nag salita. Gumitna samin ang babae at s'ya ang humarap kay Ryza. "Bakit ba lagi kang nangingielam Angel?!" inis na sabi nito. "Wag kang masyadong bully, friend. Isang pitik ka lang." Mabilis itong tumakbo at napairap ako. Humarap sakin ang babae at ngumiti sakin, ngumiti din ako sa kanya. At nawala ang ngiti ko ng pumasok sa isipan ko ang litrato nila Rhaine kasama mag pipinsan. "Si Angel Mendez ka?" muka syang nagulat sa sinabi ko. "Kilala mo ko?" "Pinsan ka ni Raj e." natawa sya ng mahina at umiling. "No. Malalapit lang pamilya namin pero di ko s'ya pinsan. Pero Ka M.U ko si Saimon." ngiting sabi n'ya. "San ba punta mo? Tulungan na kita." "Scholar kasi ako From Nueva Ecija, sa office ako pupunta." "You're lucky, then. Come here, don din kasi punta namin." Mabilis nyang hinawakan ang kamay ko at hinatak. Nag pahatak ako at di ko maiwasan mapangiti. Mag kaibigan na ba kami? "Close ba kayo ni Raj?" hindi ko maiwasan itanong. Tumingin s'ya sakin at ngumisi. "Oo. Ako kasi ang iisang babaeng kasama nila lagi sa ka edad namin. Kaya kami lagi mag kakasama." napatango naman ako. "Hindi ka naman nag kagusto?" natawa sya ng mahina. "Crush ko s'ya dati. Pero crush lang 'yon, saka magagalit nanaman sakin si Saimon pag narinig n'ya to." nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang. Kung sakaling mag kaka gusto ito kay Raj ay wala akong laban. Masyado syang maganda at mahirap s'yang talunin. Totoo nga talaga sinasabi ni Cindy, nawawalan tuloy ako nag pag asa. "Bakit mo natanong?" "Hmmm. I love him." napahinto sya sa sinabi ko. "Don't." nagulat ako sa sinabi nya. "W-Why?" "Narinig ko ang sinabi ni Saimon sa'yo. Wag kang lalapit kay Raj. Save yourself from him. Muka kang inosente. Alam mo bang don si Mommy nag tago sa Nueva Ecija? Si Daddy kasi isang sikat na Actor? He gave up everything for my mom. He really loves her damn much. Sobrang fan ako ng love story nila Mommy. Ikaw ano kwento ng family mo?" napahinto nako sandali. "M-My father left me nung nalaman nyang buntis si Mama. She was eighteen years old ng napabuntis s'ya." malungkot na sabi ko. "H-Hindi ko kay Mama nalaman ang kwento, s-sa tita ko. Sa tuwing tinatanong ko kasi si Mama kung nasan si papa, nalulungkot s'ya. Kaya nung nalaman ko ang totoo?" huminga ako ng malalim. "Hindi na ko nag tanong. Umakto nalang ako ng walang pakielam." "Siguro mahirap mag tiwala ngayon sa lalake kung ganyan no?" "Hindi ah. Si Raj nga pinag kakatiwalaan ko agad e." I giggled. "I'm serious here, girl. Hindi mo dapat lapitan si Raj, hindi dapat." Nag kibit balikat nalang ako. Ay agad syang nag paalam sakin at tumingin sa kanyang relo. Nakita ko naman si Saimon na papunta sa kanya at makikita mo sa mga mata nila ang kislap ang pag mamahal. "Hey, pasok ka dyan. Knock first before you enter." sigaw nya at kumindat sakin saka pinag patuloy ang pag lalakad ng palayo. "Thank you!" Nagulat ako ng makita ko si Raj. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa tingin nya sakin na tumatagos. Huminga ako ng malalim at saka pumasok nalang mabilis sa loob. "So, you're from NEUST at ikaw lang daw ang pumasa. You almost perfect the exam." "Thank you po." Nakita ko ang sagad na ngiti nya habang nakatingin sakin. "Bakit mo sinubukan pumasok dito? Alam mo bang walang nag tatangkang mag exam sa Star University for scholar ship dahil mahirap daw ang exam? Ano nag tulak sa'yo." "Isang tao po na nangakong babalikan ako. Hindi na po kasi ako makapag hintay, Ma'am. Ako na po mismo nag nag punta para sa kanya dito at mag pakita." "Sana naman may favor ako na sana sundin mo." napahinto ako. "Please, don't come near sa mga taong nakita mo sa labas. Please, save yourself, ija." "H-Hindi po kita maintindihan. S-Si Raj po kasi ang lalakeng nangako saki---" "Then wag mo ng subukan. Nakikiusap ako." Mabilis nyang binigay sakin ang isang malaking box at saka lumabas. Naiwan akong tulala at kinakabahan. Hindi ko maintindihan. Sobrang dami ng babala ang natikman ko ngayong araw. Ano bang meron? ~ #TeamRaj daw sabi nila e Hehehehehe ♥ Animethyst_ Comment po kayo!!!! <///3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD