Napadaing ako sa sarap na ginagawa sakin ni Raj. Humawak ako kama dahil sa kanyang pag diin na galaw. Halos papapikit ang mata ko sa bawat diin na ginagawa nya at wala akong ibang ginawa kundi dumaing ng dumaing sa sobrang sarap. "Hindi pa ba tapos 'yan, Raj?" Mommy Kyla asked him. "Mommy, maraming ginawa ang asawa ko sa University. Kaya kailangan ng masahe." "Asawa ah, hindi ka pa nag pro propose asawa agad." may halong panunuyang sabat ni Rhaine. Dinilat ko ang mata ko dahil may nararamdaman akong labi sa aking muka. Bumungad sakin ang anak ko na tumutulo ang laway habang nakadapa, nakaharap sakin ang muka nito para panoorin ako. Tinaas ko ang isang kamay ko para abutin ang kanyang pisnge pero agad nilayo ni Rhaine si Ren sakin. "KAYA TUMUTULO LAWAY E!" Natawa ako ng mahina. "An