Mabilis kong pinasan kay Eyra ang purple flag namin ay napaupo ako sa bato. Pinanood ko syang tumakabo sa baba at binigay nya kay Reloy ang flag at saka tinusok ito sa kawayan. Nag simula na ito paandarin ang kawayan cottage at lumapit sakin si Chelle. Nag lakad kami pababa papunta kay Eyra na hinihingal din. Sinundan namin si Reloy na nag sasagwan gamit lamang ang isang kawayan. Kitang kita namin ang hirap nito sa ginagawa nya pero wala kaming magawa kundi panoorin nalang sya hanggang sa makarating kami sa base. Nandon si Raj na hawak hawak si Ren Ren sa kamay pero si Ren Ren ay panay ang galaw. Lumapit ako sa kanya at hinalikan n'ya ko sa noo. "Imposibleng manalo kami." natatawang sabi ko. "Mahirap." "Ayos lang 'yan." Tumango ako at saka nag paalam pumunta sa base namin. Umupo kaming