"Ayan, healthy daw ang baby sabi ni Doctora Mendez. Mabuti naman ay hindi ko na naririnig ang bawat hikbi mo sa gabi." Ngumiti ako kay ate Fat habang hawak hawak ko ang tiyan ko. "Ako nalang mag gro grocery ate Fat." sagot ko sa kanya. "Sasamahan ka ni Fred. Nandyan 'yon sa labas." Napatingin ako kay Doctora Mendez na nakangiti sakin. "Bakit ayaw pumasok ng ama ng bata dito?" she asked. "N-Natatakot po." pag sisinungaling ko. Kilala ko si Doctora Mendez, Lola sya ni Angel Mendez at malapit ang pamilya nito sa Alvarez. Kahit may katandaan na ay makikita mo ang kagandahan nito. "Para palang si Lyricko, takot 'yon noong una. Pero nasamahan n'ya din si Mj tapos lakas loob pa syang pumasok sa loob para subay bayan ang asawa nya." "Sige po, Doctora. Aalis na kami." Mabilis kaming lumaba