~ Pumapalakpak ang mga pinsan ko habang pinanonood namin na kumakanta si Sakenah sa harapan. Lahat kami ay sinusuportahan ang pinsan namin habang kumakanta kahit gaano kalungkot ang kanta nito. Tumingin ako kay Simon na ngayon ay tulala habang nakaharap sa kanyang baso. Ilang buwan na ba ang nakaraan simula ng iwan s'ya ni Sena? Nag away lang sila pero bigla na ito nawala ng parang bula. Walang bakas o ano na maaaring makapag sasabi kung nasaan ito. Kahit si Ate Senny ay wala na din sa tinitirahan nito. Hindi man nag lalabas samin ng sakit si Simon pero alam namin na nasasaktan s'ya. "Hey..." Tumingin s'ya sakin at tinuro namin si Sakenah na patuloy na kumakanta at sinusuportahan naman nito ni Rhaine at sabay palakpak pa ng sobrang lakas. Si Rhaine at Sakenah ay mag bestfriend, sila