Napakainit na umaga ang gumising sa akin kinabukasan. Sadya pa akong nagulat sa bagong atmospera't panahon. Akala ko tuloy panaginip lang iyong masarap kong hapunan kagabi. Napakarami nga ang kain ko, I even forgot the proper table etiquette dahil nagkamay na akong kumain ng naglalakihang mga oysters ang lobsters.
I don't know why, pero may kakaibang lasa talaga ang pagkaing Pinoy. Kahit ang mga seafoods kaya naka-mi-miss ang lasa. Daig ko pa tuloy iyong hindi kumain ng ilang araw. Sana lang hindi ipagkalat ng mga newly hired kasambahay ni Mom ang nangyari kagabi dahil nakakahiya.
Kaya pala mainit na, 10:00 am na nang magising ako. Hindi ko binuksan ang aircon nang matulog ako kaninang madaling araw kaya mainit sa loob ng kwarto. Tagaktak tuloy ang pawis sa buo kong katawan. Gising na ko, ngunit parang tulog pa ang diwa. Nanatili nakahiga kahit pawisan na, ngunit nang maalala ay napabalikwas ako ng bangon bigla.
Muntik ko nang makalimutan ang plano kong puntahan at nang maalala ko ay nagmadali talaga akong bumangon.
"I should get ready now—baka hindi ko siya maabutan sa office niya!" Natataranta kong usal at nagmadaling nagpunta sa comfort room to take a quick shower and search for the most comfortable clothes I have inside my luggage.
"Mukhang kailangan kong mag-shopping ng mga summer dresses," wika ko habang naghahalungkat. I found one dress na not too revealing.
I'm going to meet a friend not to going on a date kaya okay na ang simple lang na peach Maxi dress at paparisan ko na lang ng wedge heels na skin tone ang kulay. Hayaan ko na lang ang buhok ko na nakalugay.
"Wait—" sambit ko nang makitang ang putla kong tignan sa salamin matapos makapagbihis. Na-blowdry ko na rin ang buhok ko. I put lipstick at sinadya kong manipis lang. It's a magic lipstick na nagiging kulay orange after a seconds at para naman maitago ang mga maliliit kong freckles sa mukha ay naglagay na rin ako ng kaunting cream. It's a 3-1 cream na may foundation effect, concealer at my SPF na at buti na lang naalala ko about aa SPF dahil mainit sa labas kaya kailangan ko rin maglagay sa braso, leeg at sa binti.
Hindi maalis ang ngiti sa labi ko dahil I feel so excited. Nang masigurong ayos na ang itsura ko roon lang ako nagdesisyong lumabas para hanapin ang driver.
Hindi ko naman kasi pwedeng dalhin na lang ang sasakyan dahil wala akong lisensiya. Kahit marami naman akong ibabayad sakaling mahuli, mainam na ang sumunod sa batas.
Mula Greenhills San Juan ay bumiyahe kami papuntang Sampaloc, Manila kung saan naroon ang Engineering Firm na pagmamay-ari ng pamilya ng Martincu. Sa kasalukuyan, ang nag-ma-manage ng kumpanya ay si Felix na mismo at katulong niya ang asawa ni ate Lea na isa namang Architect. My sariling coffeeshop si ate Lea, recipes ni tita Eugene ang mga mabibili roon at ang bestseller ay ang cheesecake na na-mi-miss ko na rin. Si Felicity lang talaga ang malayo ang career. Inumpisahan niya ang kumpanya niya gamit ang kaniya mismong dugo at pawis.
Mas malapit ang company ng Martincu kaya si Felix na ang una kung bibisitahin. Inabot din ng higit kalahating oras ang biyahe at tanghali na nang makarating kami. I asked the driver to wait dahil baka nakaalis na si Felix. Just making sure dahil ayaw kong sumakay ng taxi mag-isa.
Lunch break na ng mga empleyado kaya naman marami akong nasalubong na palabas. Papasok pa lang ako ng entrance ay nakaagaw na ako ng mga atensyon ng mga tao. Lahat ng masalubong, babae man o lalaki ay halos mabali ang mga leeg sa kakatingin.
Siguro ngayon lang sila nakakita ng tao. Just kidding!
Sinalubong ako ng guard para i-check ang dala kong bag. Tinanong kung ano ang agenda ko at pinasulat ang pangalan ko sa logbook nila saka pinirmahan. Nang natapos ay saka ginamit ng isang guard ang scanner sa akin upang matiyak na wala akong dalang armas sa ilalim ng suot ko at wala namang dapat ikaalarma dahil wala naman akong dala.
"Artista ba siya? Kamukha niya iyong Turkish actress na pinanood ko nakaraan sa isang channel sa cable."
"Anong title? Wala akong kilalang Turkish actress kasi, nang matignan kong kamukha nga, pero—ang ganda niya ano?"
Habang naglalakad ako ay narinig ko ang dalawang babaeng nasalubong ko na iyan ang pinag-uusapan. Akala siguro nila ay hindi ko maintindihan dahil mukha akong turista dahil si Dad ang kamukha ko. Mula sa hugis ng mukha, sa ilong na matangos at pati ang mga mata. Minsan na rin akong pinagkamalan na artista sa Turkey kaya naman hindi na bago sa akin.
Nakuha ko sa guwardiya kung anong palapag naroon ang opisina ng boss nila. Hindi pa raw lumalabas ayon din sa dalawa. Kung sinuswerte ka nga naman hindi ba? Maybe this is my lucky day kaya naman ngiting-ngiti ako habang paakyat ang sinasakyan kong elevator.
Halos wala namang nabago sa lugar, bukod sa medyo lumuwang tignan ang lobby. I wonder kung anong itsura ng office ni Felicity.
Nasa Paco, Manila ang office niya. Wala pa siyang sariling building at nag-re-rent lang sa establisyemento roon.
When I asked him—ay her nga pala si bakla. When I asked her bakit gusto niyang maging matchmaker before niya i-pursue ng career na 'yon, she told me she wanted to help people na nahihirapan hanapin ang mga match nila.
She even called herself modern cupid and on this day at marami-rami na siyang natulungan. Nagtataka lang talaga ako bakit hindi niya matulungan ang kakambal niya. Felix is already 37 years old pero for what I heard, single pa. He never tried introducing a lady to his family even once. I'm quite concerned about that because you know Felicity's heart, a heart of a woman.
The elevator door opened sa floor kung saan ako papunta nasa ika-walong palapag ang opisina niya.
"Excuse me, nandito pa ba si Felix?" tanong ko sa babae na nasa frontdesk na mukhang naghahanda na para umalis at mananghalian. Medyo nagulat siya nang tingnan ako. Siguro hindi makapaniwala na I know how to speak their language.
Pinay naman ako a! Hindi nga lang halata.
"Uhmm—m-may appointment po ba kayo kay sir?" magalang niyang tanong na mukhang naiilang akong kausapin.
"Oh, sorry—actually wala e. Can you just inform him I'm here? Tell him it's me Elyana Begum. I'm his friend," sagot ko't pakiusap na agad naman niyang sinunod. Umalis siya at pumasok sa isang kwarto.
Habang naghihintay ako ay nagpalinga-linga ako sa paligid and to my surprise, naglalakad ang taonh pakay ko. Lumabas siya mula sa kanilang pinto, hindi sa pinto na pinasok ng babae kanina. Hindi ko na na-control ang emosyon ko at agad napatakbo palapit sa kaniya.
Halos mapatalon ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.
"I miss you!" sigaw ko sa sobrang galak habang nakayakap. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagtulak sa akin kaya lumayo muna ako. Tinignan ko siya sa mukha at nakita ang labis na gulat sa mula sa kaniya nang mapagtanto kung sino ang lapastangan na agad na lang nangyakap.
"E-Elyana?" tanong niya na halatang hindi makapaniwala.
"Yes, ako nga! I miss you, Felix!" sagot ko at muli siyang niyakap at sa pagkakataong iyon ay mas hinigpitan pa. Hindi ko na naramdaman na itinulak niya 'ko pero hindi siya yumakap pabalik.
I'm a bit disappointed pero ayos lang, sanay naman na ako sa kaniya dahil gan'yan naman talaga siya noon pang mga bata kami.
"Kailan ka umuwi? I can't believe you're here," aniya sa akin nang humiwalay na 'ko mula sa pagkakayakap.
"Kahapon lang —Oh my God! You look good, hindi na mukhang nerd like before! How about we grab lunch somewhere nearby? Para naman makapagkwentuhan tayo nang maayos," Pasimple akong tumingin sa paligid. Nakatingin kasi ang mga tao sa amin at may mga nahinto pa sa paglalakad para panoorin lang kami at isa na roon ang babae na nakausap ko kanina.
"Nangako ako kay mama na sa bahay ako for lunch today e—why don't you just come with me? I'm sure they will be happy to see you," pagtanggi niya sa alok ko pero his idea made me happy.
"Sure! Balak ko nga sanang pumunta sa inyo if hindi kita naabutan e,"
"Then cool! May dala ka bang sasakyan?" tanong niya at kahit mayroon at nasa labas pa ang driver, sinabi ko na lang na wala. Tinext ko na lang numero na ibinigay ng driver sa akin para sabihin na mauna na siyang umuwi at magpapasundo na lang ako kapag kailangan ko ng sasakyan.
Sa parehong lugar pa rin sila nakatira. Mas lumaki kumpara noon at mukhang bago lang nang i-remodel. What can you expect from people na may sariling engineering firm and construction company hindi ba? Kung pwede lang taon-taon ay magpa-remodel gagawin nila. Sa kaso naman nina Finn, bili lang sila nang bili ng mga bahay kung saan-saan tapos sila na ang nag-re-remodel at ibebenta nang mahal.
Tahimik lang siya habang nasa biyahe kami. Gusto ko man siyang tanungin at kulitin, parang may nagsasabi sa akin na h'wag na. There is something sa awra niya na para bang may problema. Mas close talaga kami ni Felicity. Baka kapag nakita ako ng bakla ay magtatatalon pa. I could feel the awkwardness between Felix and I. Noon pa naman na ang ganito, but for 5 years na hindi ko siya nakikita at nagugulo, parang may kakaiba na hindi ko alam kung ano.
Dumiretso sa dining area nila at nang makita ako ni ate Lea ay napahiyaw siya bigla.
"Oh my God, Elyana! Oh my God! Super Oh-em-geee!" Natawa na lang ako sa reakyon niyang 'to.
Mabilis siyang lumapit sa akin para yakapin ako. Narinig ni tita Eugene nang ang pagsigaw ni Ate kaya napalabas siya mula sa kitchen nila.
"E-Elyana?" anito na hindi rin makapaniwala na naroon ako.
"Hi, tita!" bati ko sa kaniya at siya naman ang niyakap ko nang mahigpit pagkatapos ni ate Lea.
Ang sarap aa pakiramdam na makita't mayakap sila ulit. I'm so glad na sumama ako kay Felix. Na-miss ko sila nang husto.
"How are you, sweetheart? You look dazzling!" tanong niya sa akin at puri.
"Oh thank you, Tita! I'm fine po. I'm so glad to see all of you guys,"
"We're happy to see you too! Saan kayo nagkita ni Felix? Kailan ka pa rito sa Pinas, ha? Hindi ka man lang nagsabi na darating ka!" Sunod-sunod na saad at mga tanong ni ate Lea sa akin.
"Hay naku! Maupo na muna tayo at nang makakain na," yaya ni Tita sa amin. Wala na kaming nagawa kundi sumunod at sa hapag-kainan ko na lang sinagot ang mga katanungan niya.