"Magsikain na nga muna kayo. Mamaya na ang kwentuhan," awat ni tita sa amin ni ate Lea dahil pinauulanan niya ako ng mga tanong.
Mula kasi nang naupo kami ay hindi pa kami nakasisimula sa pagkain. Ako naman, panay din ang sagot sa lahat ng mga gusto niyang malaman tungkol sa akin sa nakalipas na mahigit limang taon. Iba rin iyong kaharap mo na sila kahit na may chat and calls naman kapag may importanteng okasyon. Limited lang din kasi ang oras kaya naman hindi mo ko nagagawang ikwento sa kaniya ang buonh detalye.
"Si Mama talaga killjoy," ani ate habang nakabusangot. Nabitin sa pakikipagchikahan sa akin.
"Alam mo, kung ikaw lang sana ang magugutom ay hahayaan kitang magdadal maghapon. Kawawa ang apo ko na walang madededeng gatas mamaya kapag nagising at nagutom," sermon ni tita sa anak niyang—ano bang tawag sa mga tsimosa ngayon? A! Marites nga pala.
Dahil sa sinabi ni Tita ay nanahimik na lang din ako. Mamaya na lamang namin ipagpapatuloy pagkatapos kumain. Kapapanganak lang kasi ni ate Lea with her second baby. Isang healthy baby boy.
I suddenly felt sad for myself. Ilang taon lang ang agwat ni ate Lea sa akin pero siya dalawa na ang mga baby niya. Malaki na ang panganay at nasa school daw nang mga oras na iyon. Hapon pa makauuwi kaya mamaya ko pa siya makikilala. Nagbaon daw kasi ito ng lunch at may kasama namang yaya na mag-aasikaso sa kaniya roon kaya kampante sila na makakakain nang maayos.
Kumain na kami bago makagalitan ulit. Medyo natatawa ako sa itsura ni Ate habang kumakain dahil medyo ang tulis ng nguso. Iyon bang akala mo ay bitin na bitin sa tsismis.
Ibinaling ko na lang sa pagkain ang atensyon ko at paminsan-minsan inaangat ang ulo kapag may nagsasalita. May ramdom questions si tita Eugene, but hindi naman gaya ni Ate kanina na walang tigil. She gave me enough time naman para makakain.
Sa aming lahat, si Felix ang naunang natapos. Napansin kong medyo balisa at parang may sariling mundo.
"Babalik daw siya sa office kaya iiwan niya na lang ako kasama ng Ate at Mama niya. Okay lang naman sa akin. I also want to spend time with them at nang matanong sa kanila kung anong problema ni Felix ngayon.
Oo, aloof siya dati pa pero ang matulala at umaktong parang wala sa realidad ay bago para sa akin. He was the only one quiet habang kumakain kami ng pananghalian and he was just totally minding his own business.
Sa sala na kami nagpagtuloy sa pagkukuwentuhan. Sinulit ang bawat segundo dahil baka magising daw ang bunso ni Ate at kailangan niya ng asikasuhin ito. Nagising nga bandang ala una ng hapon, pero hindi naman siya tumigil sa katatanong about England, life ko roon, mga magagandang puntahan at kung ano-ano pa.
Hindi na namin namalayan ang oras, dumating na lang at lahat ang panganay ni ate Lea pero hindi pa kami tapos sa daming paksa na gustong pag-usapan.
Her daughter is so adorable. Shy pero she seems like a smart little munchin. I was so stunned with her cuteness at kung pwede lang ibulsa ko na ay ginawa ko na. The newborn baby is also so cute. Magtatatlong buwan pa lamang siya pero bilog na ang katawan dahil alaga sa breast milk.
Na-curious ako how does it feel breastfeeding a baby. Kung paano umire at kung masakit ba manganak. Napakaraming mga tanong sa isip ko dahil sa edad ko ay maunahan na ako ng menopause.
I'm 36, remember? Malapit-lapit na.
Naaliw akong panoorin ang tatlong mag-iina at lihim na naiinggit dahil ang pangarap kong maging mommy rin ay napurnada.
Narinig kong sinabi ni cute baby girl na may assignment siya. I heard her asking her Mom to help her with it. Kasalukyang buhat ni Ate ang bundo niya na ayaw magpalapag kahit inaantok na kaya nagprisinta akong ako na lang ang maghele.
"Sure ka ba? Baka mamaya madumihan ang damit mo," aniya na akala mo naman madumi ang baby niya dahilan para mapataas ang isang kilay ko. Mabilis din namang bumaba and I answered.
"Yes, I'm sure," mabilis kong sagot.
She handed me the baby carefully. Medyo nakakatakot dahil maliit lang ang katawan dahil ilang buwan pa lang siya. Ang baby na huli kong nabuhat ay two years old na mahigit. This is the first time na na-experience kong kumarga ng ilang buwan pa lamang na baby.
Well, it's an experience and I felt some warmth inside my heart na mahirap i-explain. Mixtures of emotions na medyo nagpaluha sa akin. I just turned around para itago kina Ate and I swayed my body just like how most of the people I saw do. Rocking the baby in their arms to put him to sleep.
Kung gaano ko katagal henele ang bata ay hindi ko na alam. Hindi ako nakadama ng pagod habang ginagawa ko iyon felt some kind of fulfillment nang nakita kong paunti-unti na siyang pumipikit.
"Nakatulog na ba?" nadinig kong tanong ni ate Lea after some time and I turned my head to answer her with a nod.
"Ihiga mo na lang siya rito para hindi ka mangawit," aniya sa akin at agad siyang tumayo upang ayusin ang crib, but I refused.
"Baka magising pa siya pa siya. Kapipikit lanv kasi halos," I added matapos kong tignan ang batang karga ko at napansin ang pagdilat nito kaunti.
"HE—yyy,"
"Shh!" biglang may sumulpot sa bukana ng pinto at ang pasigaw niyang pagbati sana sa amin ay naputol dahil sabay kami ni ate Lea na sumaway sa kaniya. Agad naman bumaba ang boses nito at tinukom ang bibig.
"Sorry—" hingi niya ng paumanhin sa amin.
Kararating niya lang galing opisina, late na siyang dumating. Nakapag-dinner na kami kanina at hindi na siya hinintay dahil nagpaalam naman na gagabihin at about kay Felicity na hindi pa nagagawi rito, he has some agenda out of town.
"Bagay ba?" tanong ko sa kaniya na halos pabulong lang.
"Yes, bagay naman," sagot niya nang matabang at napansin kong nagbago ang timpla ng mukha niya bigla. Matapos noon ay nagpaalam na siya at agad nang umalis. Mas lalo tuloy akong na-curious kung may problema ba ang isang 'yon.
Nang masiguro kong tulog na ang baby ay inihiga ko na siya sa crib. Hindi naman na nagising kaya agad akong lumapit kay ate Lea to ask her something. Naiintriga kasi ako.
"Ate, may problema ba ang isang 'yon?"
Bumaling siya sa akin at mabilis na sinabihan ang kaniyang anak na panganay kung paano ang gagawin sa sunod nitong assignment at nang makuha na nito kung paano ang gagawin ay saka lang ako nakakuha ng kasagutan sa tanong ko.
"Ang totoo niyan, mayroon. Hayaan mo lang siya, we're also waiting for him to man up and do something," sagot nito na ikinagulat at mas lalong gumulo sa utak ko.
"W-What you mean, Ate?" usisa ko upang maliwanag but her next answer shocked me so much.
"May nabuntis kasi ang aming binata. Tinakbuhan siya ng babae at naroon sa isang isla." Halos mapamura ako sa gulat.
I didn't expect his situation to be like this, but something I noticed, mukhang hindi dismayado si ate Lea sa ginawa ni Felix. Mukha pa nga siyang masaya. I'm the one who felt disappointed na para bang naiinggit ako.
In love raw si Felix sa kaniya pero bakit parang mukha namang pagod si Felix at hindi masaya. I can't believe na buntis ang babae and with the few infos I got, I don't like her already. Taga-isla raw, so, baka naman pinikot niya lang si Felix, inakit. Alam n'yo naman ngayon, basta gwapo o kahit hindi, basta alam nilang may pera ay gagawin nila ang lahat para makuha lang nila ang lalaki.
In love raw si Felix, how possible? Baka naman nagayuma siya ng babae kaya ganoon na lang ang pakiramdam niya.
To may surprise too, ang dami kong narinig na mga papuri kay Ate about that island girl at para bang ayaw kong maniwala sa magagandang qualities ng sinasabi niyang Pretzel ang pangalan.
"You will gonna like her for sure kapag nagkakilala kayo," wika ni ate na parang cringy sa pandinig ko at hindi ko na nakontrol ang emotion ko.
"Like how? I don't think that will happen. What kind of woman is she? A stripper working in that island at nang makakita ng lalaki that will help her get out of the slum ay agad niyang pinatulan?" I saw the shock in ate Lea's face when I uttered these words, but I didn't feel any regret afterwards.
"Mali ka ng iniisip," aniya and she even tried to convince me that I'm wrong, but I didn't believe her.
Nahinto lang kami nang biglang may pumasok sa pinto, pareho kami ni ate Lea na nagulat nang makita kung sino. Lalo na ako dahil sa mga sinabi ko kanina.
"K-Kanina ka pa r'yan?" nautal kong tanong and I felt relieved nang sabihin niyang kararating niya lang.
He was smiling at mukha namang wala siyang narinig na lalong makasisira ng mood niya.
"Ano bang pinag-uusapan ninyo? Nahuli na ba ako? Baka mamaya ako pala ang topic n'yo," usisa niya at tila binuhusan ako ng malamig na tubig.
Napaiwas ako ng tingin.
"A-Ano ka famous para pag-usapan?" pabirong tanong ni Ate sa kaniya na halatang nagkukunwaring natatawa pero gaya ko ay medyo kinakabahan din siya.
"Bakit, hindi ba? I'm a famous Engineer baka nakalimutan mo," sabi nito nang may pagmamayabang.
Naiwan pa rin ang awkwardness na nararamdaman ko. Thanks to ate, she saved me. Kapag narinig niya ang mga sinabi ko ay tiyak na magagalit siya. Knowing this man for so long, ayaw niyang may nakikialam sa kaniya lalo na sa personal na buhay niya.
"Sus! Yabang! Hindi naman ikaw. Ang pinag-uusapan namin ay tungkol sa motherhood—"
"Hi—"
Nagulat ako at napalingon sa mag-ina. Bigla kasing nagsalita ang panganay ni ate Lea na mabilis din namang napigilan ng Mama niya. Mukhang may gustong sabihin at pati ako ay kinabahan sa kung ano.
"Mabuti pa ihatid mo na si Elyana. Delikadong umuwi mag-isa ang gan'yan kagandang binibini nang ganitong oras. Alam mo naman ang panahon," ani Ate.
Tatanggi na sana ako, ngunit naunahan na ng sagot ni Felix at pumayag itong ihatid ako. Hindi na ako umangal dahil nais ko rin siyang makausap nang masinsinan.