TWO

1822 Words
Tahimik lang kaming dalawa nag-aayos. Kahit ang wig at ang pangalan naming gagamitin ay nakaayos na. Huminga ako nang malalim at saka tumayo. Kinuha ko ang formal dress ko at saka sinuot ko. Bumukas ang kwarto ko at doon nakita ko si Ario. “Hindi ka pa tapos?” “Matatapos na ako. Hintayin n’yo na lang ako sa baba,” sagot ko rito. Agad ‘tong lumabas. Inayos ko ang wig ko at saka kinuha ang gamit. Kinabit ko sa hita ko ang maliit na baril at ang earing ko na may mini camera. Nakaayos na rin ear piece ko at alam kong hindi ‘to masyado mapapansin. Isang evening dress ang suot ko at kitang kita ang hubog ng katawan ko. Tumingin ako sa salamin. “Blythe Salvador…” Lumabas na ako at saka dumiretso pababa. Nandoon silang dalawa habang tahimik. Dumiretso ako palabas at alam ko naman nakasunod sila sa akin. Isang sasakyan lang ang gamit naming tatlo. Si Ario na ang nag-drive habang ako ay nasa backseat. “Hello? Naririnig n’yo ba ako?” I asked them. “Yep,” narinig ko sila sa earpiece ko. “Yung earing?” si Anly. “Okay naman,” sagot ko. Hindi sumagot si Ario pero alam naman namin kung hindi gumagana ay magsasalita ‘to. Nakarating kami sa venue at bumaba na ako. Tahimik lang ako at alam kong nakasunod sila sa akin. “Invitation po…” Agad kong binigay ‘yon at ngumiti ako sa kanila. “I am with them…” nakangiting sabi ko. They checked us bago kami makapasok sa loob. Napairap ako at saka naglakad na kami. Naghiwa-hiwalay kaming tatlo. “Stay what you are. Wala pa ang target,” sabi ko habang nakangiti sa mga ngumingiti sa akin. “We need to find Agustin here. Don’t do anything stupid,” dugtong ko pa. Inayos ko ang buhok ko. May lumalapit sa akin. “Nakikita kitang mag-isa… your name miss?” “Blythe Salvador, how about you?” I asked him. “Just Calleo San Diego,” ngumiti ako rito. “Sino ang kaibigan mo sa mga Agustin?” Mga Agustin? So, ibig sabihin maraming Agustin na nandito. “Well, wala. Nakatanggap lang ako invitation and I was curious…” “Nakatanggap? That’s impossible or maybe? You are the person who wants them to please,” ngumiti lang ako. Hindi ko alam ano isasagot ko. Nagpanggap akong nadapa sa harapan n’ya. Kahit bata pa s'ya ay baka isa s'ya. Hindi natin masasabi dahil matanda na ngayon ang mga pumatay sa mga magulang namin. Kaya baka mga anak nila or ano and I want to see if he has tattoo. Nanlaki sandali ang mga mata ko. Found it. Agad akong humiwalay dito. “Sorry!” natatarantang sabi ko pero tumitig ako. “It’s okay---Oh! Fordy!” napatingin ako sa tinawag n’ya at napatingin ako. “Kaaga mo namang may babae,” tumingin ‘to sa akin bago batiin ang kaibigan. “I’m not his woman. He just found me here… alone,” sagot ko rito. “By the way Ford Agustin this is Blythe Salvado." ngumiti ako rito. Tattoo and Agustin. Nice! Nakakuha ako nang dalawa ngayong gabi at iisipin kung kailan sisimulan ang plano. Seduce them until they give in. “Nice to meet you…” “You’re familiar,” tumitig s’ya sa akin. “And nice meeting you, too.” Tinanggap ko ang kanyang kamay at saka tumingin sa mga pupunta sa pwesto namin. Agad akong naglakad pero nagpanggap na nadapa at tinitigan mabuti ang tattoo. Hindi ako nagkakamali. Mga anak sila or ano pa man. Pero alam ko na magagamit ko sila pareho para sa hustisya ng mga pamilya namin. Hustisya na matagal kong inaasam. Kailangan ko makilala ang pamilya nila. Baka sakali makilala ko... baka sakali lang. Para makuha ko agad ang pinagkait sa amin. “Are you okay, Blythe?” Ford asked me. “Ah yeah. Sorry, I am bit clumsy…” hinawi ko ang buhok ko para mas makita ang leeg ko. I’m going to seduce him to night. “It’s okay. Do you want to sit first?” agad akong umiling. “I’ll just go there,” I pointed the bar counter. Hinayaan n’ya ako at saka pumunta roon. Hindi ko magawang magsalita sa harapan nila para kausapin ang dalawa dahil nakatitig sila sa akin. Hindi ako mahihirapan sa kanila. Hindi ako papayag na uuwi ako na walang napapala rito. “Ford Agustin… he has a tattoo." mahinang sabi ko. “For real? Ford Agustin?” “Yep,” sagot ko kay Anly. “Where are you?” “To all DOM’s. Nakikipagtawanan ako. Later na lang because Mr. Agustin is here…” tumingin ako kung na saan s’ya and I saw it. Sen. Agustin is wearing a gray suit. Agad pinakilala si Anly dito. Hinanap ng mga mata ko si Ario at may kausap na babae. Nakahawak s’ya sa baywang nito at mukhang nag-uusap din sila. Kumuha ako ng drinks at saka tinikman ‘to. Hindi dapat ako malasing, hindi dapat ako… mapurnada ngayong gabi. “Wala ka bang kasama?” napatingin ako sa nagsalita. Tinaasan ko ‘to ng kilay. Is he interested? Siguro. Hindi n'ya naman ako pupuntahan dito kung hindi. Ngumiti lang ako rito at saka tumingin sa mga tao. “I’m used to it,” totoong sagot ko sa kan’ya. “Used it? What do you mean?” he asked. Huminga ako nang malalim at hinawi ang buhok ko. My cleavage are exposed, my shoulder and collarbone. “My parents died when I was young,” tumingin ako sa kan’ya. Nakita ko ang kanyang mga mata ay nasa leeg ko. Gan’yan nga. Sulitin mo dahil gagamitin kita. Hindi ako papayag na makawala ka sa kamay ko dahil gagamitin kita at papatayin ko ang mga taong pumatay sa magulang ko. Kahit ama mo, kahit sino… mapatunayan ko lang. “Wanna get laid tonight?” nagulat ako sa kanyang tanong kaya natawa ako nang mahina. “Don’t." I heard Ario. “Sorry, but I am virgin…” totoong sabi ko at nakita ko ang gulat sa mga mata n’ya. “I’m not into a one night stand and no boyfriend since birth,” napatikhim ‘to. “Really? Hindi halata." ngumiti ako. “I know.” Namatay ang usapan namin. Naubos ko ang inumin ko at muling kumuha. Nagsimula na magsalita si Sen. Agustin. “A f*****g pretender, corrupt and asshole,” napatingin ako sa kan’ya dahil ramdam ko ang galit n’ya. “Is he your relative? You’re Agustin---” “My f*****g father.” napangiti ako dahil mukhang mapapadali ang lahat. At mukhang galit s'ya sa ama n'ya ha. Hindi ako sumagot sa kan’ya at tahimik na nakinig. “Do you have a girlfriend?” tumingin ako sa kan’ya na ngayon ay nakatitig sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kanyang mapulang labi. Lumapit ako at ngumisi s’ya sa akin. “Wala. Pero kung gusto mo... mag-apply ka." ngumisi ako sa sinabi n'ya. “No thanks. I want a man who will marry me for love not for lust,” agad ko s’yang iniwan doon at mukhang gulat pa s’ya. Maghahabol ka sa akin. Mapapailalim ka sa akin. Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko. Tumingin ako sa kan’ya at hinila ako paalis doon. “Where are you going?” Si Ario muli. Mukhang nag-aalala sa akin dahil sa paghila sa akin ng Agustin na 'to. Hindi ko maiwasan hindi sumagot dahil baka marinig n’ya ako. Sa likod kami napunta at agad n’ya akong sinandal. “You’re seducing me!” inis na sabi n’ya. “I don’t know how to seduce, Ford. Are you crazy?” “I know that moves, Miss. Or baka nagpapa-hard to get ka lang?” tinulak ko s’ya. “Sorry for that. But you’re not my type,” natawa s’ya nang mahina. Iniwan ko s’ya roon at nakita ko si Anly na mukhang hinahanap ako kasama si Ario. Nang makita nila ako ay mabilis silang umalis. Tahimik akong bumalik sa bar counter para kumuha ng drinks. Nakita ko rin s’ya pabalik at nakatitig sa akin. May lumapit sa kanyang babae at kinausap s’ya pero ang kanyang mga mata ay nasa akin. “Mapapadali ang lahat---” “Don’t tell me you kissed that man!" inis na putol ni Ario sa akin. “No. Mapapadali ang lahat dahil mukhang gusto ako ng Agustin na ‘to,” natahimik ang kabilang linya. “That’s good. Hindi tayo mahihirapan. Ilang taon na tayo naghahanap ng sagot at mukhang sa lalaking ‘yon tayo makakakuha." hindi ako sumagot dahil nakita ko si Calleo palapit dito at may kasamang lalaki. Inayos ko ang sarili ko at saka tahimik na uminom. “Wala ka talagang kasama?” umiling ako rito at saka binaba ang baso. “Ford, tara rito!” Tahimik muli ako uminom at naupo. Tahimik lang ako habang nakatingin sa inumin ko. “Pakilala mo naman kami." napatingin kami sa nagsalita ang ngumiti rito. “Blythe." sabi ko sa pangalan ko. Tumagilid ‘to at nakita ko ang tattoo na hinahanap ko. Humigpit ang hawak ko sa baso ko. Hindi kaya? Mukhang tama ako. Mga anak sila... or kung ano pa man. Pero kahit ano pa 'yon? Papatayin ko ang may konektado sa pagkamatay ng pamilya ko. Hindi ako papayag na hindi ko makuha ang hustisya. Kahit sino man sila. Kahit ano man kapalit. Papatayin ko sila. “I’m James." ngumiti ako at tinanggap ang kamay nito pero dumaan si Ford sa gitna namin kaya agad kaming napabitaw. Ngumiti lang ako rito at tumingin kay Ario na ngayon ay may hawak na wine glass habang pinanonood ang galaw ko. Tumingin muli ako sa mga taong nasa tabi ko. Gusto ko matawa dahil iniisip ko kung gaano kahina ang mga Agustin. Sa isang maganda at sexy na babae lang nagkakaganito na agad sila. Hindi ko maiwasan matawa sa isipan ko. Dahil babaliwin ko ang lalaking ‘to. Mawawala ako ngayong gabi hanggang sa hanapin n’ya ako. At hahanap ako ng paraan para makita n’ya ulit ako. Umalis na ako roon at saka naglakad papuntang restroom. May mga babae roon at nag-aayos habang ako ay dumiretso sa isang cubicle. “Restroom." agad na sabi ko. Hinihintay ko makaalis ang mga babae. Maya-maya lang ay may pumasok sa tabing cubicle. Nakita ko agad ang kulay ng dress kaya alam ko kung sino ‘to. Nag-flush ako at saka lumabas. Sinimulan kong tignan ang sarili ko sa salamin. Nang makaalis na ang mga babae ay isa-isa kong binuksan ang cubicle baka nandito sila pero wala. Napangisi lang ako at saka bumalik sa salamin. “We’re going home,” agad na sabi ko. “Agad-agad?” tumingin ako kay Anly at ngumiti. “Aayusin na natin ang plano pag-uwi. And this time ay makuluha na natin ang hustisya na matagal na nating hinihintay." pareho kaming ngumisi sa isa’t isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD