Hindi ko maiwasan tumabi sa kanya at kinuha ko 'yung painting. Pinunasan ko ang kanyang mga luha pero mas lalo lang sya umiyak sa ginawa ko. Pinigilan ko ang sarili ko ng umiyak sa harapan nya. "Hindi ko alam kung ano ang problema mo." naiinis na sabi ko. "Pwede mo naman sakin sabihin." "I-i'm sorry." she whispered. "I-I am sorry." "May dapat ba kong malaman?" humiwalay sya sakin at dahan dahan tumango. Kinuha nya ang painting at saka ngumiti. Isang ngiting malungkot saka hinaplos ang muka ng lalake don. "Ang gwapo ng daddy mo." Bumilis ang pintig ng puso ko at saka tumingin sa kanya. "W-What do you mean?" "I-I am sorry, Letricezia." mabilis akong umiling sa kanya. "I-i am sorry." "Hindi kita maintindihan." Daddy? Seryoos