Ang dalawang buwang kong bakasyon ay binuhos ko sa pagtra-trabaho. Madalas mag over time para lang may pambili sa mga luho ko. Binenta ko sa online ang mga librong binabasa ko para dagdag sa pera na maaring ipambili ko ng gamit ko. Ayokong umasa kay Mommy dahil sa maganda ang trabaho n'ya. Kaya ko naman bilin ang gusto ko gamit ang pera ko. Hindi na kailangan pang manghingi para lang sa luho ko.
Hihingi ako ng pera kay Mommy pag kailangan at kung meron naman ako? Yun ang gagamitin ko.
Hindi ako 'yung anak na pag meron si Mommy ay hihingi agad ako. Kung meron ako? Bakit ako hihingi? Hindi naman dapat puro si Mommy.
"Anak, hindi ka ba dadalaw sa Mansyon? Inaabangan ka ni Ma'am."
Ma'am? Or noong Davin? Masyado ata ako nag aassume. Ayoko bumalik doon dahil sa lalaking 'yun. Masama s'ya sa akin.
"Mom, i don't have time. Masyado akong busy sa trabaho ko." sagot ko sa kanya.
"Work again? Kaya kitang buhayin, anak! Hindi na kailangan pa ng mga ganyan! Maganda ang trabaho ko, maganda ang sweldo ko. Sobra sobra pa nga 'to at kaya ko na ibigay lahat ng gusto mo."
Sinarado ko ang gamit ko at saka tumayo. Binuhat ko 'yon at pumasok sa kwarto para iwasan ang madalas na pag aaway naming dalawa ni Mommy.
Hangga't sa kaya ko ay iiwas ako. Alam ko kung ano gusto ni Mommy, hindi ako tanga o bulag para hindi mapansin na gusto nya si Davin. Gusto nya para sakin at kaya panay ang tulak nya sakin papunta sa Mansyon para lang makita si Davin.
Wala akong balak mag boyfriend o ano. Gusto kong mag tapos at unahin ang gusto ko. Hindi ko hahayaan sirain ng pag ibig ang pangarap ko. Hindi at kahit kailan.
At hindi ko alam bakit s'ya gan'yan. S'ya na nagsabi na sobra sobra ang kita so bakit n'ya pa ako pinapapunta sa Mansyon na 'yun? Ano din pakielam ko doon. Oo, malaki ang tulong nila sa amin pero hindi ibig sabihin 'yun ay kung ano gusto nila dapat mo ng gawin.
Dalawang buwan mahigit bago ako huminto sa trabaho. Masaya ako nag paalam sa boss ko na kasing edad ko lang na masaya din nag tra trabaho.
"Maraming salamat. Hanggang muli."
Ngumiti ako. He's really handsome pero hindi ko talaga type. Kahit na ano sabihin ng mga ka trabaho ko.
"Daan ka din minsan dito."
"Sige. Pag bored ako." i joked.
Dala dala ko ang sobre kung nasan ang sweldo ko. Nilagay ko 'yon sa bag ko at saka tumalikod para pumunta sa pinto pero napahinto ako ng makita ko si Davin na may kasamang babae na hinahalik halikan pa ito sa pisnge.
May kung anong tumusok sa kaliwang dibdib ko dahil sa senaryong 'yon. Alam kong gusto ko sya pero hindi ko inaasahan na ganito pala 'yon kasakit. Inayos ko ang glasses ko at mag lalakad na sana palabas pero muli akong tinatawa ni Anton.
"Letricezia!"
Tumingin ako kay Anton na dala dala ang kanyang cellphone. "Number mo para naman kahit papano mag kita tayo. Sigurado akong mamimiss mo ko dito."
"Ayieeee!"
Napatingin ako sa mga katarabaho ko at saka umiling. Kinuha ko ang cellphone nya at saka nilagay don ang number ko.
Lahat kami dito ay mag kakaibigan. Walang mataas o mababa, walang boss o ano. Basta pare pareho kami dito at 'yun ang laging sinasabi ni Anton.
Anton is my ideal man... but i don't like him.
"Salamat."
"Welcome."
Iniiwas kong mapatingin sa pwesto nila Davin. "Oh s'ya, alis na ko. Enrollment pa naman bukas. Ayokong ma late."
Mabilis akong tumalikod kay Antok at sa pag lingon ko sa likod ko ay nandon si Davin na madilim na nakatingin sakin. Inirapan ko sya at hindi ko maiwasan tignan ang kanyang kamay na nasa bewang ng babae. Matapang kong tinignan ang pinto at mabilis na dumiretso don.
Sa pag labas ko ay don lang ako nakahinga ng maluwag.
Tinagilid ko ang ulo ko para kalimutan ang pag hawak nito sa bewang ng girlfriend at pati ang pag halik. Huminga ako ng malalim at saka nag lakad gilid para pumara ng taxi.
Kahit nasa loob ako ng taxi ay patuloy parin ang pag pasok sa isipan ko ang senaryong 'yon. Alam kong makakalimutan ko din 'yon. Alam ko.
Nang makarating ako sa bahay ay nagulat ako nandon si Diana habang tulala sa tv na nakapatay. Pumunta ako sa tabi nya para titigan sya pero biglang tumulo ang luha nya. Tuloy tuloy 'yon at saka tumingin sakin na para bang gulat pa.
"N-Nandito ka na pala." nahihiyang sabi ko. This woman is creepy. Hindi daw ako gusto pero nagpupunta sa akin.
"What's happening?" hindi ko maiwasan itanong sa kan'ya. Tulala at umiiyak? Panigurado nasasaktan 'to.
"N-Nothing. Pinapasundo ka sakin ni Mama."
"Sabihin mo muna sakin kung ano dinadamdam mo bago ako sumama sa'yo." napairap sya sakin at pinunasan ang sarili saka muli tumingin sakin.
"That was nothing. May hindi lang pag kakaintindihan kaya wag na natin pag usapan. Mag ayos ka saka tayo aalis." wala na kong nagawa at saka pumasok sa kwarto ko.
Inayos ko ang sarili ko. Ngayon lang ako sasama dahil wala naman don si Davin. He's with his girlfriend. I saw him... with my two eyes. Kaya wala akong dapat iwasan but s**t! Bakit gusto ko sana pag dating ko don ay nandon sya? Bakit gusto ko nandon sya at nakikita nalang na nakahubad at naka upo habang kumakain?
Sinabunutan ko ang buhok ko at saka huminga ng malalim.
Bakit ba iniisip ko pa ang gagong 'yun? Hindi dapat iniisip ang tulad n'ya.
Nag suot ako ng isang short at isang shirt na black na may print na 'never give up'. Nilugay ko ang itim na diretso kong buhok saka sinuot ang malaking salamin ko. Lumabas ako at nakita ko si Diana don na hawak hawak ang kanyang cellphone.
"Hey!"
Tumayo sya. "Let's go." tumango ako sa kanya at kinuha ko ang bag ko.
Nauna syang lumabas at sumunod ako. Nilock ko ang pinto ng bahay namin saka kami pumunta sa kotseng nakaparada sa gilid na pinag kakaguluhan ng mga chismosa naming kapitbahay. Nauna syang pumasok sakin at sumunod ako.
"Tapos ka na mag trabaho? Sabi ng mommy mo ngayon daw ang end mo. Tapos bukas mag eenroll ka?" tumango ako sa kanya. "Samahan kita?"
"I don't need. I can take care of myself."
"That is big university not like your school before. Baka maligaw ka or mag papadala nalang kami ng isang proffesor para samahan ka?" bakit ba parang nag aalala s'ya sa akin? Kaya ko naman ang sarili ko?
"May bibig ako para mag tanong." napabuntong hininga sya.
"Edi sumama ka nalang kay Davin if you want." umiling ako sa kanya at nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang kanyang titig.
So, mukang sinusubukan nila ako sa lalaking 'yun ha? Wala naman akong pakielam doon kahit ano sabihin n'ya.
Nakarating na kami sa Alvarez at nauna akong bumaba. Mabilis ako nag lakad papasok at napahinto ako ng makita kong may dalawang mag kamukang lalake don at may isang bata na na kamuka din nila. "Sakenah, let's go!" napatingin ako sa isang batang babaeng sumigaw na naka dress na kulay pink.
"Rhaine, don nalang kayo sa room." sagot ng isang lalakeng naka boxer at sando lang.
Iniwas ko ang tingin sa kanila at bigla nalang pumasok sa isipan ko si Davin. At hindi maganda 'yong nang yayare sakin.
Bakit ba ganito iniisip ko? Bakit puro si Davin? Dapat hindi ko iniisip ang babaerong 'yun. Nakakairita.
"Miss anong kailangan mo?"
Hindi ko pinansin ang tanong ng lalakeng 'yon at pumunta sa kusina. Tama nga ako, nandito sya. Kung wala sya dito pupuntahan ko sana sya sa Garden.
"You're here, Letricezia!"
Mabilis syang lumapit sakin para halikan ako sa pisnge. "Buti naman sumama ka na! Alam mo bang naiinis na ko sa mommy mo dahil laging sinasabing busy ka."
"Busy naman po talaga ako sa trabaho ko at kanina lang po ako na end." napatango sya sakin.
Hinalikan ko sya sa pisnge at pinaupo sa isang upuan. "Mama sino sya?" tanong ng lalakeng nag tanong sakin kanina.
"Ah? Sya si Letricezia Gallardo." nakangiting sabi ni Mama.
Nilabas ko ang cellphone ko at may dalawang unknown don. Hindi ko alam kung nasan ang number ni Anton dito kaya naman binuksan ko pareho. Ang pangalawang nag text ay sya kaya naman sinave ko ang number nya. Pero yung unang number ay hindi ko kilala pero malakas ang t***k ng puso ko sa kanyang text.
"Who's that guy?"
Binura ko ang text na yon at saka nag reply kay Anton. "Hi, wait ah. Busy ako ngayon dahil ngayon lang ako nag karoon ng oras para dito."
Tinago ko ang cellphone pag katapos kong isend 'yon. "Hi! My name si Simon Funtabella and this is my little brother Saimon Funtabella. Scholar ka ni mama?" nakangiting tanong nya.
Nang marinig ko ang pangalan nya at saka pumasok sa isipan ko ang pinag sasabi sa kanya ng mga babae. Kung ano ugali ng kababata nyang kapatid at yon naman ang kabaligtaran nya. Mas matinik sya kay Davin yun ang unang pumasok sa isipan ko. Hindi sya dapat pag katiwalaan.
"No." malamig na sagot ko sa kanya.
"Ano ba kuya! Nakakainis ka ah!"
"Wag ka na magalit kung hindi kita sinamahan! Binili naman kita ng cellphone ah?"
Bigla kumalabog ang puso ko ng marinig ko ang pangalan ni Davin. Huminga ako ng malalim at saka dumukdok sa mesa. "Trice." naangat ko ulo ko sa tawag sakin ni Mama. "Mas maganda kung Trice nalang. Hindi mahaba at masarap pakinggan."
Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kan'ya kahit na pinipilit ko maging mapamig.
"Thank you, mama." she smiled sweetly.
"Are you hungry? What do you want to eat?" umiling ako sa kanya.
"Mama! I'm home!" pinikit ko ang mata ko ng mariin.
Alam kong nandito na sya sa kusina. "Hoy, Davin! Swimming tayo sa labas, wala naman sila Sakenah nasa room. Tayo tayo nila Raj." rinig kong sabi ni Simon dito.
"Kuya susundo ako kay Angel. Kayo nalang."
"Kj mo talaga!"
Dinilat ko ang mata ko at tumingin kay Mama. "I just want to visit you, mama. I'm so busy these past few months and i'm sorry."
"It's fine. I'm baking cookies, do you want some?"
"I want cookies!" sabay sabay sigaw ng mga lalake sa gilid ko pero hindi ko man narinig ang boses ni Davin.
Sinubukan ko kumalma at wag mag pa apekto sa presensya nya pero wala.
Bakit ko ba sya gusto?
Wala akong makitang rason. I should like Anton over him. Anton is gentlemen, has dream, one woman not like him. Woman is his a past time for him, no dream, mayabang, gago, bastos at marami pang iba na pwedeng sabihin sa kanya.
Pero bakit ko ba sya gusto?
Puro pambabae lang ang alam. Puro babae ang nasa isip. Kahit saan mo ata makita may babae.
"What do you want? I want cook anything food you like. I miss you, Trice."
"I'm sorry, Mama. I just..." napabuntong hininga ako. "Nevermind. Cookies is fine na po."
"Okay. Ihahanda ko lang ah." tumango ako sa kanya.
"Kuya!" napatingin kami kay Diana at dumapo ang tingin ko kay Davin na nakatitig sakin. Inalis ko ang tingin sa kanya at saka tumingin kay Diana na ngayon ay may dala dalang panty at bra. "Ayoko ng gray! Ayoko! Gusto ko nga black pero bakit gray 'to?"
"Ughhh! Diana, gray is better than black, okay?! Edi wag mong suotin kung ayaw mo." napatingin sakin si Diana.
"Sa'yo lang. Hindi naman kalakihan ang pwet mo at di rin malaki dede mo."
Nag init ang pisnge ko dahil sa narinig ko.
Napatingin ako sa mga kapatid na funtabella na nag pipigil ng katawa at si Davin naman ay nakangisi lang na para bang gustong gusto ang sinasabi ng kapatid nya.
"Shut up, Diana!" naiinis na sabi ko.
Tumawa silang malakas at kahit si Diana ay nakisama sa tawa. Huminga ako ng malalim at saka inalis ang tingin sa kanila. Nag iinit ang sulok ko sa hiya.
At wala naman akong pakielam sa hubog ng katawan ko pero bakit ngayon lang ako na concious dahil lang sa sinabi nila. Nakakahiya. Sobrang nakakahiya at nakakainjs. Pakiramdam ko napahiya ako.