Tanggap ko naman na hindi kalakihan at hindi kagandahan ang katawan ko pero bakit kailangan pa nilang sabihin 'yong ganon sa harapan ng pinsan at kapatid nya. Tumulo ang luha ko pero mabilis kong pinunasan 'yon. Dumukdok ako para hindi nila makita na naapektuhan ako. Walang kahit sino ang nag sabi sakin ng ganyang bagay. Dahil na din siguro hindi ako palakaibigan o sadyang wala lang akong pakielam sa mga tao sa paligid. Basta nag aaral ako para sa sarili ko. Hindi ako katalinuhan kaya kailangan kong mag aral mabuti para sa pangarap ko. Kahit maubusan ako ng oras basta nag aaral ako ayos na ko. Ipakita ko lang na nag aaral ako ng totoo at mabuti. Kahit kailan sa bunay ko ay hindi ako nakatanggap ng ganoong salita. Nahihiya ako. Dapat ba sa panahong 'to? Malaki ang pwet at harapan? Para