"Oh anak nandyan ka na pal---- Davin nandito ka din pala." Gulat pa 'to na napatingin sa akin at kay Davin. Umiling ako sa kan'ya para ipakita sa kan'ya na wala lang 'yun. Dahil wala lang naman talaga. "Hi Tita! Paganda ka ng paganda ah!" Umirap ako at saka dumiretso sa kwarto ko. Nilock ko yun mula sa loob para hindi makapasok si Davin. Isang beses palang sya nakakapasok dito at hindi ko hihintayin na maging dalawang beses yon. Lalo na't lumalala ang nararamdaman ko sa kanya. Inayos ko na ang gamit ko. Isang heartrings na bag pack na hindi kalakihan ang binili ko. Pinasok ko agad ang mga gamit ko pati na ang schedule ko. Kanina lang ako nasukatan ng uniform pero ang sabi sakin ng bantay don ay maybe three days ay pwede ko na kunin ang uniform ko don also ID. Nilagay ko sa gilid ng