Napatingin sakin ang babaeng kalandian ni Simon at umirap sakin at saka tumalikod. Sinuot ko na ang sapatos ko at sinubukan tumakbo papunta kung san tumakbo si Simon. Si Simon din naging kakampi ko dito sa tuwing nag aaway kami ni Davin. Minsan nag away din kami ni Davin na mas malala at talagang hindi kami nag usap ng isang linggo. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit nagagalit sya sa tuwing nakikipag usap ako sa mga ka blockmate kong lalake. Hindi ako umaasa na nag seselos sya dahil hindi naman nya ko gusto. Wala lang ako sa kan'ya, kung hindi isang matalik na kaibigan. "Tangina, Simon, bitaw!" "Hindi pwede, tol!" Napangiti ako ng makita ko si Davin. Hinubad ko agad ang bag ko at pinag hahampas sya. Binitawan ni Simon si Davin at panay naman ang salag ni Davin sa ginagawa k