Anong oras na kong hinatid ni Carter kagabi at dumiretso agad ako sa kwarto ko. Hindi nag tanong si Mommy sa nakita nya pero tinitigan nya si Carter na para bang nakita nya na 'to. Inayos ko ang salamin ko at saka nag lagay ng tint sa labi ko. Kinuha ko ang bag pack at sketch pad ko. Hindi ko alam pero sobrang komportable akong kasama si Carter at pinag kakatiwalaan ko na agad sya. Inayos ko ang buhok ko at nag simula ng mag lakad palabas ng bahay. Tumawag agad ako ng taxi at sumakay don. Hinawakan ko ang buhok ko na hanggang balikat. Hindi alam ni Davin na nag pagupit ako, hindi ko nasabi sa kanya kasi alam kong pag aawayan lang namin ang ganitong bagay. Ngayon nag pagupit ako alam kong magagalit sya, alam kong mag kakaroon nanaman ang alitan sa pagitan namin. At ginawa ko din 'to