Nagising ako dahil sa halik sa leeg ko. Hinanap ko ang cellphone ko at nakita kong alas tres palang ng madaling araw. Kahit sobrang sakit na ulo ko ay tumayo parin ako at saka tumingin sa tabi ko. Nakapikit si Davin habang gulo gulo ang kanyang buhok. Naka suot lamang sya ng isang boxer. Inamoy ko ang hininga nya. Amoy alak sya at amoy babae din sya. For sure mga babae na naman ang inasikaso n'ya at kung saan na naman sila pumunta na dalawa. Mapait akong ngumiti. Napahawak ako sa ulo ko at saka tumingin sa sofa. Nakita ko ang pinag inuman ko sa ilalim ng mesa. Mabilis kong inayos 'yon at saka tinago para hindi mapansin ni Davin. Sunod naman ay pumasok ako sa CR para maligo at para mawala ang amoy ko. Kinuha ko ang bathrobe at yun ang sinuot ko sa katawan ko. Kah