Nagising ako ay mag aalas dose na ng tanghali. Masayang masaya akong bumaba ang kama habang yakap yakap ang painting na hawak ko. Pumunta ako sa labas at nakita ko si Carter don na tahimik na nanonood. Mabilis ko syang hinalikan sa pisnge at napatingin sakin. "Kumain ka na dyan." sabi n'ya sa akin. "You did not wait me?" nakangusong sabi ko. "Nagutom na kasi ako. Akalain ko ba kasi na magigising ka saktong lunch." hiningahan ko sya at mabilis nyang tinakpan ang ilong nya. Natawa ako ng mahina at saka pumunta sa kusina. Nilapag ko sa gilid ko ang painting saka nag simula ng kumain. Ngayon ko naramdaman ang tunay na gutom at mabuti nalang ay maraming niluto si Carter. Halos isang oras akong nag tagal sa kusina at saka bumalik sa sala. Tumabi ako kay Carte