Malapit na tayo mangalahati!!! Thank you, guys! ---- Pinikit ko ang mga mata ko, tahimik lang ako habang dinadama ang sakit. Tahimik lang ako at hinayaan ang mga boses na patuloy na bumubulong sa akin sa akin. Hindi ko alam kung paano sila papaalisin. Hindi ko alam paano sila patitigilan dahil natatakot na ako. Hindi ko alam saan nang gagaling lahat ng boses na 'yun. Hindi ko alam bakit sila pasulpot sulpot. "Hmmm..." malakas na tawanan muli ang narinig ko at himinga ako nang malalim. "Mas masarap kung mas maraming dugo hindi ba?" pinanood ko ang pulso ko na umaagos ang dugo. Mabilis kong nilinis 'to. "Mommy will be mad at me." mahinang sabi ko. "Hindi nila malalaman." bulong muli nito. "Mas okay na gagawin mo 'yan, mas okay 'yan. Ang sarap sa pakiramdam hindi ba?" tumango ako dit