Nang bumukas ito ay agad ako lumabas. Masayang masaya akong nag lalakad papunta sa office. Tinawag ko pa ang secretary ni Angelo para lang ibili ako ng pag kain. Marami ako pinabili dahil for sure mamaya pa babalik sila Charlie. Maya maya ay dumating na lahat ng pag kain na pina order ko at saka ako kumain ng kumain. Sa sobrang saya ko ay tinawagan ko pa si Mommy para mag video call kami. Nakangiti kami at pareho sa camera, kumakain din s'ya. Mag uusap kami ni Charlie mamaya, malilinawan na kami pareho at baka sakaling mapatawad n'ya ako. 'Yun ang gusto ko, mapatawad n'ya ako. Baka sakaling pwedeng ibalik para sa amin. Baka pwede pa... "Ang dami anak ha?" nakangiting sabi ni Mommy sa akin. "Hindi ako nakakain ng breakfast kaya bumabawi ako, mommy." sagot ko dito. Halatang natutuwa