Tulala ako habang nasa loob ng office. Tuyo na ang luha sa pisnge ko, ang puso ko ay patuloy na kumikirot sa nang yari. Charlie begged to me. Gusto n'ya ako bumalik pag katapos ng lahat. Pag tapos ng nang yari sa amin years ago. Ang pag mamakaawa n'ya sa akin kanina, kung paano s'ya umiyak sa harapan ko para lang bumalik ako. Halos bumigay na ako pero pilit ko nilabanan ang lahat, pilit akong lumaba para lang hindi bumalik. Para lang maligtas ko ang sarili ko sa sakit pero bakit ganito? Ako ang nasasaktan, bakit ganito? Bakit mas nasasaktan ako? Bakit noong tinanggihan ko s'ya ay halos madurog ako sa sakit? Bakit ganito? Bakit mas nasasaktan ako ngayon? Tama naman ang ginawa ko ha? Tama naman hindi ba? Nanginginig ang labi ko, huminga ako nang malalim at saka pinikit ang mga mata k