Nanginginig ang katawan ko na inupo n'ya ko sa sofa. Pumasok lahat ng masasamang sinabi n'ya sa akin noon. Natatakot ako, natatakot ako sa pwedeng sabihin n'ya. Tumulo luha ko habang nakatitig sa kanya. Galit na galit ito. Pumasok lahat ng aala ala noon. Ang mga masasakit na salita, ang kanyang galit na mga mata. "Charlie." agad 'tong hinila ni Addisson. Napahawak ako sa braso ko habang nanginginig ako. Pinikit ko ang aking mga mata. Diana, calm down. Hindi na pwedeng ganito. Labanan mi lahat, Diana. Kaya mo 'to. Wag kang matakot. "Pre, kumalma ka. Natatakot s'yo si Diana." huminga ako ng malalim at pinapakalma ang sarili. Hindi ko s'ya maintindihan, bakit? Hindi ba noon? Eto ng hiling n'ya? Na lumayo ako? Na wag na mag pakita? Pero bakit ganito? Dapat ba hindi ako mag pakita p