Chapter 6

1764 Words
Agad akong sumakay sa kotse ko at nag maneho paalis. Sa pag labas ko ng village ay agad ako huminto dahil. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, s**t! Hindi pa rin ako makapaniwala. Charlie was my boyfriend? May alam ba sila mom and dad? Bawal ako mag boyfriend, so paano ko s'ya magiging boyfriend? And he f*****g kissed me that made my heart pounding fast! Grabe! Halik lang 'yun pero ang puso ko? Nag wawala. Kakaiba ang epekto nito sa akin! Huminga muna ako bago mag drive papunta sa amin. Hindi pwede na makita ni Mommy na ganito ang itsura ko. Nakaabang si Mommy sa pinto at ng mapatingin ito sa akin ay agad ako niyakap. Ramdam ko ang pag- aalala nito sa akin kaya naman niyakap ko 'to pabalik. "San ka ba nag pupunta? Hindi ka man lang nag sasabi." nag aalalang tanong nito sa akin. "I am fine, mom." sagot ko sa kanya. "May pinuntahan lang po talaga ako." dugtong ko pa at napatango s'ya. "Kumain ka na ba?" umiling ako. Kaya naman inaya na ako nito papunta sa kusina para makakain. Sakto naman ay nandon si Daddy na naka apron. "DAVID!" mausok ang kawali at amoy amoy ang nasusunog na kung ano man ang niluluto ni daddy. Inis na inis si Mommy dito dahil sa nang yayari sa kusina. Pinaalis ito ni Mommy don at pinatay ni mommy ang apoy. "Ano ba to??!" naiinis na sigaw pa nito. "Sorry. Nagugutom na ko." mom sighed. "Sige umupo na kayo." malumanay na sabi nito kaya napanguso si Daddy na para bang bata. Humalik muna ako sa pisnge ni daddy bago maupo. Pumasok na si Kuya at Ate Trice na nakagayak. "Mommy, uuwi na kami." nakangiting paalam nito. Pumasok ang mga bata at humalik sa pisnge namin ganon din kay mommy. Kuya kissed my forehead, ate Trice kissed my cheeks. Umalis na ito at kami naman nila mommy ay kumain na. We stayed for a bit in a dining area to talk to me about earlier. "Where have you been?" daddy asked. "Sa friend ko lang po dad." sagot ko sa kanya. "Friend mo? You don't have friends Diana, except to your cousins." sagot ni Daddy sa akin kaya naman napatingin ako sa kan'ya. He's right. Pero ayoko naman sabihin san ako nag punta. Pero ayoko mag sinungaling sa kanya. Kaya hindi ko alam ano sasabihin ko sa kan'ya. Biglang nag ring ang cellphone nito at tumayo para sagutin ang tawag. Si Mommy naman nag simula na mag ayos ang pinag kainan namin. Hindi naman importante ang tumatawag kaya mabilis ko lang din tinapos ang tawah namin. Tumingin ako kay Mommy. "Anak, umakyat ka na. Mag pahinga ka na." sabi nito sa akin. "Opo!" Humalik ako sa pisnge nito. Mabilis ako umalis doon baka tanungin pa ko ni daddy. Hindi ako nag sinungaling kahit kailan kay daddy, i am always honest. Pinalaki kami ni mommy at daddy na wag mag sisinungaling kahit kailan. Mas maganda maging honest kami kahit na mapagalitan pa kami. Tama naman s'ya pero ngayon? Natatakot ako na mag sabi na nang totoo sa kan'ya. Hindi ko din masabi sa kan'ya kung saan talaga ako nag punta kaya iniwasan ko na lang ang topic. Sa pag pasok ko sa kwarto ko ay nag isip isip ako. Bumalik na kaya ako sa Condo ko? Hindi na ako bata para dumepende sa kanila. Kailangan ko na din kausapin sila mommy about dito. Dahil ang alam ko ay ang uuwi ngayon dito ay sila Ate Angel. Kaya naman nang gabi ay agad ko binuksan ang usapang 'yun. "Mom, dad, babalik na po ako sa Condo ko." napatingin sila pareho sa akin. "Mag sisimula po ulit ako ng panibagong business, or ano pa man po." dad stared at me. "Work under your cousin's company. Use your degree, mas kampante akong nandon ka. Kung ayaw mo, sa puder ka pa rin namin habang nag tatayo ka ng business." nagulat ako sa sinabi ni Daddy na para bang wala na akong choice pa. "Dad naman." "Choose, Diana." malamig na tugon nito sa akin. Wala na ko nagawa kundi tumango. Inisip ko kung kanino ako mag tra trabaho. Kahit saan pwede ako pero for sure di nila ako bibigyan ng mabigat na trabaho. I sighed. Kinabukasan ay dumating na sila Ate Angel, Kuya Saimon and Stan. Stan hugged me tight and kissed my cheeks. Tuwang tuwa itong nakita ako kaya agad kong nilabas ang binili kong laruan sa kanya. "Wow!" nag tatalon pa 'to sa harapan ko na kinatawa ko. Binuksan n'ya yun sa harapan ko. "Iinggitin ko si Shaw!" natatawang sabi nya. Umalis na kami don. Humiwalay na ko kay daddy para pumunta sa Funtabella Condominium. Agad kong pinarada ang sasakyan ko doon at saka pumasok sa loob. "Good Afternoon, ma'am!" ngumiti ako sa bumati sa amin at agad sumakay sa elevator para pindutin ang floor kung nasaan ako. Bumukas muli ang elevator at gulat ako ng makita si Chaina kasama ang isang babae maganda na nakangiti. "Ate Diana!" mabilis uto pumasok sa loob at hinalikan ang pisnge ko. "What are you doing here?" she asked. "I have a condo here." sagot ko sa kanya. "Really? Kuya, too. Papunta nga kami don." sagot n'ya sa akin kaya napatango ako dito at tumingin sa babaeng kasama n'ya. "G-Gano'n ba?" she nodded. "By the way, Ate Ellie, this is Ate Diana, Ate Diana this is Ate Ellie." pakilala ni Chaina sa akin. "Hi." sabay naming bati. "Ate Ellie, she's Diana, my kuya's girlfriend." Ellie and i both shocked. Napalitan din ito na pilit na ngiti. "Chaina." mahinang tawag ko. Chaina giggled. "Sya naman ang ka love team ni Kuya yung ElCha." ngumiti ako ng matamis sa kanya pero ginantihan lang ako ng plastic na ngiti. Alam ko ang gan'yan. May gusto 'to kay Charlie kaya ganito s'ya sa akin. "I am not Charlie's girlfriend." agad na sabi ko. Bumusangot ang muka ni Chaina. Pare pareho kami nag hintay sa tamang palapag na pupuntahan namin. I am VVIP here in Funtabella's Condo. Nag ring ang cellphone ko kaya agad kong sinagot 'yun. "Hello, Kuya Simon." "Diana babalik ka ba ngayon sa Condo? Sa tabi ka ng dati mong Condo. May kumuha kasi ng Condo mo hindi ko naman alam na babalik ka pa." Napabusangot ako. "Okay. Wala naman akong choice." sagot ko dito. "Wala na din dyan gamit mo." "KUYA!" naiinis na tawag mo. "I didn't know na babalik ka. You didn't tell me para mapa ayos ko." i sighed. "Ayusin mo na ngayon. Saka double check mo 'yung dati mong Condo, makiusap ka muna. Baka may nakalimutan kaming kunin don." Wala na kong nagawa kaya naman ng dumating ako sa floor ko ay agad ko binuksan ang katabing condo ko. Gulat ako na doon pa pumasok sila Chaina. Nag paalam ito sa akin na papasok na. Malinis at bago lahat. Wala ang mga gamit ko. Nag hintay akong dumating ang mga gamit ko at may iilan din na babae pumasok para ayusin ito sa closet ko. Tinignan ko ang mga gamit ko at wala dito ang kwintas ko at singsing! Nakakainis naman! Naiwan siguro sa cabinet! Kaya naman pumunta ako sa kabilang condo. Kumatok ako at mabilis din bumukas ito. "Diana!" Addison was shocked to see me. "I am sorry may i come in? May nakalimutan kasi akong kunin." sagot ko dito. "S-Sure!" agad na sagot nito sa akin. Agad ako pumasok at dumiretso sa Sala, Charlie was shocked to see me. "Ahm. May i go to your room. This condo is mine before at may nakalimutan ata silang kunin dito dahil may iilan gamit ko ang nawawala." pag papaalam ko dito. Hindi ko maiwasan tignan si Ellie na todo kapit kay Charlie na akala mo pag mamay ari na. Medyo masakit sa dibdib pero okay lang. I don't have a right to feel this. Hindi ko nga sya kilala pero bakit ganito nararamdaman ko. Para akonga naiinis na ewan pero wala akong karapatan para makaramdam ng ganito. "Samahan na kita?" tumango agad ako. Alam ko kung san ako pupunta kaya nakasunod sya sa akin. Sa taas agad ako umakyat at mabilis na pumasok sa dati kong kwarto. Ibang iba ang design nito noon andito ako. Black and White lang 'to pero noon ako ay light blue and white. Pati amoy ay iba na din. Agad akong pumunta sa cabinet kung san ko nilalagay ang importanteng bagay sa akin. Kinuha ko agad ang kwintas at singsing na 'yun. Hindi ko alam bat meron akong singsing pero ang kwintas na to ay bigay ni mommy. Agad ko ito sinuot pero nagulat ako may humawak ng kamay ko. "Ako na." hinayaan ko s'ya at agad humarap sa kanya. Mukang gulat sya ng mapatingin sa singsing ko na nag sisilbing pendat ng aking kwintas. "Nasa iyo pa 'yan?" napahawak ako sa singsing. Isang 92.5 silver ito at hindi mamahalin pero pakiramdam ko ay sobrang importante nito sa akin. Kaya hindi ko din maiwan iwan. Laging kasama ko, suot ko s'ya sa mga simpleng lakad ko. "H-huh? ikaw ba nag bigay nito?" i asked. this is promise ring. "H-Hindi." umiwas sya ng tingin at napatango ako. "Aalis na ko. Salamat ha?" nakangiting paalam ko. Mabilis ko syang nilampasan pero nagulat ako ng hilahin n'ya ko. Agad nanlaki ang mata ko ng lumapat ang labi n'ya sa labi ko. Mahigpit ang hawak nito sa bewang ko. Agad ko s'yang tinulak pero agad din ako nitong hinila muli at diniinan ang halik sa labi ko. Kinagat n'ya ang ilalim ng labi ko kaya napabuka ang bibig ko at agad n'yang pinasok ang dila n'ya. Unti unti nang hina ang tuhod ko sa halik n'ya. "Charlie..." mahinang tawag ko. Pero agad ko s'yang tinulak. Nag hahabol ako ng hininga habang nakatingin sa kanya at ganon din s'ya. "I am sorry. i am just... f**k!" agad ako nag iwas ng tingin at lumabas ng kwartong 'yun. "Diana!" malakas na tawag n'ya sa akin. Bumaba ako at alam kong nakasunod s'ya sakin. Saktong nasa sala ako ay nahuli n'ya ko. "I am sorry." malumanay na sabi n'ya. "D-Don't do that again." mahinang sabi ko sa kan'ya. "What is happening?" maarteng tanong ni Ellie sa amin. Tumingin ako kay Charlie pero sa akon lang ito nakatingin. "A-Aalis na ko." mahinang sabi ko. Agad akong umalis don pero hinila n'ya ulit ako. Napabuntong hininga sya saka nag salita muli. "Hey, sorry. Diba tutulungan pa kita makaalala?" tumango ako sa kanya. "Hindi ko na uulitin." Tumango ulit ako sa kanya at agad hinalikan ang noo ko. May kung ano na naman ako naramdaman dahil sa ginawa n'ya. s**t! Ang puso ko! Nakakainis! Sa kan'ya ko lang talaga naramdaman ang bagay na 'to. Hinatid n'ya ko sa Condo ko at gulat pa syang mag katabi kami ng condo. Ngumiti sya sa akin ng matamis at di ko din maiwasan ngumiti sa kanya. "See you later?" "Huh?" "Let's dinner outside?" umiling ako sa kanya. "Sorry, ayoko lang lumabas. Baka kasi ma issue ako. You are famous actor." napatango sya. Muka naman naiintindihan n'ya ako. "Then, my place?" tumango ako. "With Chaina." "Sure." agad na sagot ko. Pumasok na ko sa loob. Sa pag sara ko ng pinto ko ay agad ako napangiti. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD