Hindi ko maiwasan titigan s'ya. Seryoso s'ya? Boyfriend? Pero wala pa ko nagiging boyfriend.
Paano ako mag kakaroon ng boyfriend kung bantay sarado sa akin si Kuya? Saka anong pinag sasabi n'ya? Kailangan ko ha maniwala o baka hindi naman totoo?
Hindi ko maiwasan titigan s'ya para tignan kung nag sisinungaling ba o hindi.
He's really handsome, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kahit sa pag titig n'ya sa akin ay sobrang pamilyar pero hindi ko maalala. Napapikit ako at napahawak sa ulo ko.
Wala talaga akong maalala tungkol sa kan'ya or kahit sa kapatid n'ya. Tapos sasabihin n'ya na ano? Boyfriend ko s'ya noon? I lost some memories about him and his sister. Hindi ko maalala ang nang yari sa bahay nila kaya paano ako naging witness?
"Ate, meryenda ka muna." sa pag dilat ko ay nakatitig pa rin sa akin si Charlie. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at nilipat kay Chaina.
Hindi ko alam bakit nahihiya ako. Hindi talaga ako komportable kahit ano gawin ko. Hindi ko naman alam kung ano talaga ang totoo noon.
"H-Hindi na. Kailangan ko din umalis." sagot ko sa kanya.
"Sayang naman. Ako may gawa n'yan oh." napatingin ako sa brownies na nasa harapan ko.
Hindi ko alam bakit nalungkot ako. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko.
Kumuha ako ng isa at tinikman ko 'to. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.
Para makita n'ya na kinakain ko. Ayoko din na mag tampo sa akin ang batang 'to. She is very pretty like Charlie. Para bang babaeng version s'ya ni Charlie. Pareho sila maganda at gwapo.
Sayang lang, ako kasi ang bunso sa bahay. Hindi tulad ni Angel na may batang kapatid din. Pero okay lang, ayaw na din talaga nila ako sundan no'n.
Inikot ko ang mga mata ko sa buong kabahayamam.
Hindi ko maiwasan pag masdam ang buong bahay nila. Sa Gitna ay may isang tv na malaki, dalawang pahabang sofa at isang single sofa kung san nakaupo ngayon si Chaina.
Nakatitig sa akin si Chaina habang nakangiti na para bang miss na miss ako nito. Hindi ko maiwasan ngumiti sa kan'ya at saka inikot muli ang mga mata ko sa buong paligid.
Cream ang kulay ng buong paligid. Ang kanilang chandelier ang nag bibigay ng liwanag sa lahat. Ang ganda nang taste nila, sobrang ganda sa loob at maaliwalas.
"Hoy, hindi ka na lumabas!" napatingin ako sa nag salita na kasama kanina ni Charlie.
Pumasok sila sa loob at napapatingin sila sa akin. Hindi ko alam kung kailangan ko ba sila batiin or wag na? Pinili ko na lang na huwag dahil hindi naman kami close. Tinikom ko na lang ang bibig ko habang nakaupo sa isang mahabang sofa.
They are wearing a white bathrobe now, wet hair at magaganda ang ngiti. Tumayo si Chaina para tumabi sa akin at sinubuan ako ng panibagong brownies.
Natawa s'ya nang mahina sa ginawa n'ya kaya natawa din ako. Nilagay ko ang buhok ko sa likod ng tainga ko at nag simula na s'ya mag kwentoz
"Pag wala akong pasok nag aaral ako mag bake o kaya nag v-vlogs ako. Nanonood ka ba no'n?" she asked me while smiling.
Para bang ayaw n'ya na sa akin ialis ang kan'yang mga mata kaya hindi ko alam ano ba dapat kong gawin. Sa paraan ng pag titig n'ya ay nakikita ko si Charlie sa kan'ya kaya naman naiilang pa rin ako.
"Hindi. Pero iba kong pinsan." sagot ko dito at saka umiwas ng tingin sa kan'6/z
I am not into on Social Media, basta mag popost lang ng pictures, tapos wala na. Kaya siguro hindi ko sila kilala at ang mundo ko ay business, parang wala na kong oras para ialam ang showbiz.
Kailangan ko din mag business dahil ilang beses na ako nag fail. Naiinis na sa akin si Kuya Davin, alam ko. Ginagawa ko naman ang best ko pero wala talaga. Gusto na lang ng mga 'to na mag work ako sa hotel or Condominium na pag aari nang pamilya namin.
"Aw, sayang! Subscribe ka sa channel ko, or gawa tayong video together." nakangiting sabi n'ya sa akin at para bang excited 'to.
"Hindi pwede 'e." sagot ko sa kanya na kinasimangot n'ya.
I am not into to anythings, ayoko din ng public life. Hindi sa nahihiya ako pero gusto ko lang ng privacy sa lahat ng bagay. Ayokong may nakakaalam kung ano pinag dadaanan ko, kung ano mali ko. Gusto ko lang ng tahimik na buhay.
"Pero nakapag usap na ba kayo ni Kuya? Nag kabalikan na ba kayo?"
"H-Huh?" lumunok ako.
Sumulyap ako kay Charlie na ngayon ay nakikipag usap sa ka banda. Sumulyap pa ito sa akin at ngumiti. Tumingin ako kay Chaina, at mukang totoo nga na boyfriend ko si Charlie noon.
Sa tanong n'ya pa lang kung nag kabalikan na kami ni Kuya n'ya ay alam ko na. Totoong naging kami pero wala akong maalala kahit ano. Bakit gano'n? Totoong naging kami?
Dad said, i was traumatic for what happened eight years ago. I am forcing my brain to forget what happened kaya nag karoon ako ng selective amnesia na hindi ko aakalain pwede pala ang gano'ng bagay.
Tumingin ako kay Chaina at saka sinagot 'to.
"Hindi. Saka hindi ko naman alam na naging boyfriend ko s'ya." sagot ko sa kanya.
Chaina and I talked about something in the past. I didn't force myself to remember, kaya nakikinig na lang ako sa kanya.
Takot din ako na baka dito pa ako mawalan ng malay. Takot ako na baka managinip na naman ako tapos hindi ko maalala. Hindi ko kaya ang takot sa tuwing nanaginip ako, ang hirap labanan.
Charlie was my tutor, binabayaran ko 'to para turuan ako sa mga subjects dahil ito daw ang top 1 sa batch n'ya. Sabay kami nag aaral na dalawa, pumupunta ako sa kanila para lang turuan n'ya ko.
Hindi ko aakalain na may gano'n. At mukang alam na alam ni Chaina lahat ng kwento tungkol sa amin ng kapatid n'ya.
Niligawan daw ako ng kapatid n'ya na agad kong sinagot. His brother likes me so much before, at di ako makapaniwala. Si Charlie? Gusto ako? Naging boyfriend ko?
Gwapo si Charlie tapos sa akin s'ya nanligaw? Anong mayro'n sa akin?
Hindi ko man daw pinahirapan ang kapatid n'ya dahil gusto ko din daw ito. Saka sikat daw ako sa school, i know that part.
Nag lakad lakad kami sa garden nila habang nag uusap. May pinakita din s'ya sa aking picture ni Charlie at ako na seryosong nag aaral.
May gusto akong itanong pero pinili ko na lang na hindi.
Lalo na't ang Mommy n'ya pa ang gusto ko itanong kung ano nang yari noon. Kung bakit na trauma ako, kung bakit namatay 'to. Pinili ko na lang na wag itanong dahil ayokong mag bago mood n'ya.
"Buti naman okay na kayo ni Kuya. Medyo galit kasi s'ya sayo e." nagulat ako sa sknabi n'ya.
"Why? Hindi ko maitindihan, sorry ha?" she just smiled.
Kaya ba tinawag n'ya ako nang killer sa Mall? Gano'n ba? Galit ba s'ya sa akin pero maganda ang pakikitungo n'ya sa akin ngayon ha? Bakit gano'n?
"Saka na pag naalala mo. Mas mabuting maalala mo kesa naman ikwento ko pa." napatango ako sa kanya.
Tama naman s'ya at yun ang mas nakakabuti sa akin. Napahinto lang kami ng may tumawag sa cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Daddy don kaya agad kong sinagot.
"Hello, dad."
"Where are you? Kanina ka pa wala ha?"
Napapikit ako. Hindi pwede malaman ni Daddy na nakipag kita ako kay Charlie or sa kapatid nito dahil alam ko na mag- aalala sila sa akin na ayoko naman mang yari.
"Dad may pinuntahan lang po. Uuwi na din po ako." sagot ko dito at narinig ko ang pag buntong hininga nito sa kabilang linya.
"Okay... Take care." agad nitong pinatay ang tawag.
Tumingin ako kay Chaina. "Uuwi na ko." bumusangot ito. "Number mo ate, para may communication tayong dalawa."
Mabilis ko tinanggap 'yun at nilagay ang number ko. Hinatid n'ya ko sa kapatid n'ya na ngayon ay nakikipag inuman sa ka banda.
"Kuya Charlie, aalis na si Ate." napatingin sila sa akin.
"Charlie pakilala mo naman ako sa girlfriend mo." someone teased at him.
"Hindi mo sa amin sinabi na sobrang ganda ng girlfriend mo. Kaya pala ayaw mo kay Ellie." napatingin ako sa isang lalaking nag salita.
Ellie, love team n'ya 'yun right? Naalala ko sa video na napanood ko kanina sa channel ni Chaina.
"Diana, i am Addison." ngumiti ako sa kanya ng tipid.
Hindi ko alam bakit ganito na lang pakiramdam ko kay Charlie.
"Stop it, Addison." tinawanan nila si Charlie dahil sa naiinis na boses nito. "Diana this is my bandmate, are you familiar with no name band?" umiling ako kasi ayun ang totoo. Kahapon ko lang naman sila na diskubre.
"Well, ano pa ba aasahan sa isang Aragon." sabi ng isa. "I am Lincoln." ngumiti 'to sa akin ng mag tama ang mga mata namin.
"Magno." nakangising sabi ng isa.
"Diana po." maikling sabi ko. "Uwi na ko " sabay tingin ko kay Charlie.
"Chaina umakyat ka na sa taas, ihahatid ko si Diana sa labas." sabi nito sa kapatid n'ya at napatingin ako kay Chaina na nakabusangot.
Mabilis umalis si Chaina at ako naman ay dumiretso na papalabas. Dire diretso ako sa pag lakad hanggang makalabas ng gate. Pero agad akong hinila ni Charlie sa braso na kinagulat ako.
"C-Charlie." he sighed.
"How are you?" my heart pounding fast. I gulped and looked away. "It's been eight years, Diana. Ngayon ka lang nag pakita sa akin." may halong lungkot ang boses n'ya.
Ang kan'yang mga mata na malungkot pero nakikita ko pa rin ang galit. Bakit? Totoo ba na malungkot s'ya pero bakit sa mga mata n'ya?
"I-I am sorry hindi kasi talaga kita maalala." sagot ko na lang dito.
"I know." malamig na sagot n'ya. "Ipapaalala ko sayo lahat." napatingin ako sa kanya. "Mag kikita pa naman tayo diba?" hindi ko alam pero parang may kakaiba sa mata n'ya.
"O-Oo." ngumiti s'ya at agad pinatakan ang halik ang labi ko kaya napalayo ako.
Nagulat ako sa ginawa n'ya pero nagawa n'ya na akong halikan pero sandali lang 'yun. Pero parang namimiss ko ang labi n'ya na hindi ko maintindihan.
"I am sorry. Miss na miss lang talaga kita." napayuko ako.
"A-Aalis na ko." utal na sabi ko dito kaya napatango s'ya.