Enjoy reading!
---
"Do you know him?" mabilis ako umiling kay Allendro.
It's true, hindi ko talaga s'ya kilala. Ngayon ko nga lang s'ya kilala. Pero bakit parang kilala n'ya ko? Palaisipan sa akin ang sinabi n'ya. I am not killer, wala akong naaalalang pinatay. I have selective amnesia? Hindi kaya? That's impossible!
Kung may pinatay ako dapat nakakulong na ko. Hindi ako itatago ng daddy ko at bakit andito ako? Hindi ako nag tatago kaya imposibleng may pinatay ako.
Pero bakit?
Bakit gano'n? Bakit pamilyar s'ya sa akin? Gaano n'ya ba ako kilala? Isa ba s'ya sa nabura sa memorya ko?
Ang sakit sa ulo kapag masyado akong nag iisip sa mga bagay.
Charlie Gonzales, isang sikat na vocalist? Kilala ako? Seryoso ba 'to? Pero hindi mawala sa isipan ko ang tinawag n'ya sa akin.
I am not a killer.
Kakakita ko lang sa kan'ya kanina tapos eto? Tinawag na akong killer? What the hell?
"Diana." napatingin ako kay Allendro. "Are you okay?" mabilis ko tumango at ngumiti ng bahagya.
"I am sorry." mahinang sabi ko.
Kahit s'ya ngayon ay nakatitig sa akin. Alam ko naman narinig n'ya ang sinabi ni Charlie Gonzales sa akin.
Alam ko na mag tatanong s'ya tungkol doon. Pero hindi ko talaga alam bakit ako tinawag ng gano'n.
Wala akong kaalam alam na nang yari sa akin. I just woke up in the hospital na parang wala lang. Parang normal na araw sa akin na hindi ko maintindihan kung ano ang nang yari.
Pero alam kong may nawawala na hindi ko maintindihan. Kakaiba ang pakiramdam ko noon ng magising ako sa hospital. May hinahanap ako, ang bigat ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag pero sila Mommy at sobrang nag-aalala sa akin no'n.
Mugto ang kanilang mga mata na para bang alalang- alala. Kahit wala naman nang yari sa akin?
Halos makalimutan ko na 'yun.
"Charlie Gonzales called you a killer, what was that?" he asked me that made me glanced him.
Tama nga ako, narinig n'ya.
Nakatitig sa akin 'to na para bang sinusuri ako.
"I don't know, too. Hindi ko nga s'ya kilala e." totoong sagot ko dito.
I know him because he's a famous and j saw him here in this ma but personally? I am not. Hindi ko talaga s'ya kilala or wala akong ala- ala na kasama s'ya. Kaya bakit n'ya ako tatawaging Killer? What the hell?
"Are you sure? Iba ang titig n'ya sayo. I am lawyer, Diana. He's angry but at the same time..."
"Ano?" natatawang tanong ko.
"Parang nangungulila s'ya sa'yo ganon?" natawa ako.
Paano n'ya nasabi 'yun?
"Imposible, hindi ko nga s'ya kilala e!" natatawang sabi ko. "Baka kamuka ko 'yun babaeng kinagagalit n'ya. Hindi ba may ganon?" Allendro nodded.
Mukang kumbinsido naman sa sinabi ko.
"Sabagay." sagot n'ya habang nakangiti.
Pero ang isip ko ay kay Charlie pa rin. Hindi ako makapaniwala na tinawag n'ya ako nang gano'ng pangalan.
I am Diana Aragon, my father own one of biggest firm here in Philippines, my brother is a great lawyer. They are both great lawyer at maraming nakakalilala sa kanila, kaya paano ako magiging killer?
Sobrang humahanga ako sa pamilya ko dahil ginagawa nila lahat para lang matulungan ang mga nangangailangan. Sobrang humahanga ako sa kanila dahil ginagawa nila ang trabaho nila na kahit walang kapalit.
Maging maayos lang ang justice system dito sa Pilipinas.
Hindi sila natatakot kahit sino kalaban nila, kahit senador, president, congresman o sino pa, basta maipag tanggol nila ang tama.
Kaya naman sobrang saya ako dahil sila ang pamilya ko kahit noon, sobrang sumama ang loob ko. Masaya ako dahil sobrang galing nila at sobrang pinag mamalaki ko din.
Kaya para sabihin ng lalaking 'yun na Killer ako? What the hell. I am Aragon, wala akong nilalabag sa batas.
Napabuntong hininga ako.
Baka nga kamuka ko lang, baka may nagawa ang isang tao sa kanila na kamuka ko kaya naman pinag kamalan n'ya ako.
Kung ano ano pa pinag- iisapan ko dahil lang sa pag tawag nito sa aking killer. Nakakainis!
Hindi dapat ako mawalan ng mood.
Tama, wag ko na sana isipin 'yun. Dapat i -enjoy ko na lang ang araw ko kasama si Allendro lalo na't inistorbo s'ya ni Daddy.
Allendro is fun, sinamahan n'ya ko bumili ng mga bagong damit para sa pamangkin ko at kahit sa pamangkin ko sa pinsan. Tuwang tuwa ako habang pinapakita ko sa kanya ang damit na nagugustuhan ko.
"Mahilig ka sa bata 'no?" he asked while smiling.
"Oo naman. Masayang may bata sa bahay para naman umingay. Masarap mag alaga at makipag laro sa mga bata lalo na kung stressed ka. Nakakawala nang pagod." sagot ko sa kan'ya habang nakatingin sa mga damit sa harapan ko.
"You are in a right age. Bakit hindi ka mag- asawa?" napatingin ako sa kan'ya.
"Hindi ko din alam. Siguro dahil wala pa akong lalaking gusto? Or nagugustuhan." sagot ko dito at saka tumingin muli sa mga damit.
"Bakit? Ano ba tipo mo?" napahinto ako sa pag titingin ng damit saka tumingin sa kan'ya.
"May hinahanap ang puso ko na hindi ko maintindihan." napatitig s'ya sa akin. "Hindi ko maintindihan at wala akong alam. Parang may kulang na hindi ko maipaliwanag." dutong ko pa at napabuntong hininga ako.
'Yun ang nararamdaman ko sa nakalipas na taon pero kahit isa ay walang nakakaalam na gano'n ang nararamdaman ko dahil pinilit ko 'tong itago.
"I see. Mukang wala akong pag asa kung susubok ako." natawa lang ako dito at saka napailing.
He's handsome and funny. Pero may gusto talaga ako.
Namg bandang lunch ay sa Zoren's kami pumunta para kumain.
Marami kaming dala pareho at nahihiya na ako dahil sa dami kong binili para lang sa mga bata. Kakaonti lang ang para sa akin. Tapos eto? Puno ang dalawang kamay n'ya na paper bag.
He loves Filipino foods. Pareho kami naman nagkwentuhan kami.
"Sa US ako lumaki pero iba talaga ang pag kain dito sa Pilipinas. Hahanap hanapin mo." sabi n'ya sa akin.
"Well, Noong nasa London kami ni Angel we have a Filipino maid, kaya ayun? Kahit asa London kami kumakain kami ng filipino dish." totoong sagot ko dito.
Hindi ko maiwasan mamiss ang mga tao sa London. Ang mga kaibigan ni Angel na naging kaibigan ko din kaso nawala na din ang communication namin sa kanila dahil sa nang yari kay Angel. Pero wala din naman, mukang inis din sila kay Angel dahil sa pinili nito si Kuya Saimon kaysa sa kaibigan namin.
Alam naman nila na may mahal si Angel pero bakit tinutulak pa kasi nila 'yun? Ilang beses ko sila pinag sabihan pero parang wala lang sa kanila?
Wala na kasalanan si Angel about doon. Dahil simula't sapul alam na nila ang gusto ni Angel pero sila lang 'to nag pupumilit.
"Ilang years ka don?" tanong n'ya sa akin.
"Five years umuwi agad ako pag ka graduate ko." napatango s'ya sa akin.
Gusto ko talaga umuwi noon para kay Mama. Miss na miss ko na s'ya, sila ni papa. Of course, my brother, too, my mom and dad. Kahit ano naman sama nang loob ko sa kanila ay namimiss ko sila, mahal na mahal ko sila.
"Kaya pala hindi kita nakikita noon sa mga event." napatango ako sa kan'ya.
"Busy din ako no'n sa London. Hindi naman nila ako nakakausap noong nasa London ako." sagot ko dito.
Alam ko naman si Angel ang kinauusap nila para lang kamustahin ako. Ako naman ay si Mama lang nakakausap sa babay or minsan ibang pinsan ko. Si Kuya Davin din, dahil sa ilang ulit 'to nangungulit na tumatawag sa akin kaya naman wala akong choice kung hindi kausapin 'to.
Madami kaming pinag usapan habang kumakain. Namahinga kami ng kaonti at nag pahatid akong umuwi. Kailangan n'ya na kasi mag work at limited lang ang time nila.
Hindi ko na inisip ang lalake kanina dahil baka nga pinag kamalan ako. Lahat ng tao may kamuka at sa tingin ko kamuka ko 'yun.
Siguro 'yun na lang isipin ko. Hindi naman maganda kung iisipin ko pa ang lalaking 'yun na hindi ko naman kilala personally.
Nang makauwi ako ay nakita ko agad sila daddy. Bumaba si Allendro ng kotse n'ya para pag buksan ako. Bumaba ako at agad sinalubong ni Divine.
"Pasalubong." agad na bungad nito sa akin na kinainis ko.
Inirapan ko 'to pero inirapan lang din ako kaya naman ngumuso ako.
"Wait ha." tumango ito.
Kinuha ni Allendro lahat ng pinamili ko. Kinuha ni Kuya 'yun na naka busangot at mukang hindi nagustuhan ang pag labas ko kasama ang lalakeng ito. Allendro was pale because of my brother. Masama ang tingin nito kay Allendro.
Sobrang protective sa akin si Kuya Davin kaya gan'yan itsura n'ya. Tapos si Allendro naman kinakabahan dahil kay Kuya. Kakampi n'ya si Daddy kaya siguro papalagpasin ni Kuya Davin 'yun.
"A-Ahm.."
"Thank you, nag enjoy ako." napangiti si Allendro sa sinabi ko kahit na kinakabahan.
"So? Meron pang next, i think?" lakas loob na sabi nito sa akin.
Tumingin ako kay daddy. "Pasuntok muna ako " napatingin kami kay Kuya.
Dad laughed. I sighed. "Well, okay?" Allendro smiled widely.
"Diana!" inis na tawag ni Kuya sa akin na mukang inis na inis sa desisyon ko pero wala s'yang magagawa once na sinabi ko.
Inaya pa ni daddy si Allendro pumasok pero tumanggi ito. Naiinis kasi si Kuya Davin sa kanya at nahihiya na din sya.
Sa tingin ko naiitindihan n'ya kapatid ko dahil babae ako at bunso ako. Tinawanan lang n'ya 'to kahit ang totoo kinakabahan na s'ya.
Pumasok kami sa loob at tuwang tuwang si Divine sa pinamili ko. Kaya naman ng binaba na ito ni Kuya Davin ay isa isa n'ya agad binuksan para makita ang binili ko. Ganon din naman si Devin, tuwang tuwa ito habang iniisa isa ang laruan.
"Yehey! Super dami! Mayro'n din sila Kuya Shaw and Kuya Stan? How about Star, Tita?" Divine asked me that made me chuckled.
"Of course, Mayro'n din." sagot ko dito. "Kaso hindi pa makakapag play si Star kasi hindi ba? Baby na?" she nodded quickly.
"Wala ng next time." naiinis na sabi ni Kuya.
"Davin." tawag ni daddy dito. "Let her. Nasa tamang edad na ang kapatid mo." Kuya Davin shooked his head
"No. Diana is still young. Ayoko pa." Daddy sighed.
Napairap ako sa kapatid ko at mukang hindi nakaka move on sa pag labas ko kasama si Allendro.
"Hindi pa mag aasawa ang kapatid mo. Makikipag date pa lang." napatango ako kay Daddy.
Hindi nag salita si Kuya. Umalis lang ito at iniwan kami ni daddy. Dad hugged me and kissed my forehead.
"Pag pasensyahan mo na kapatid mo. Hindi kaya na makita kang may ibang lalake." he chuckled.
Natawa din ako dahil don. Nakipag laro ko sa pamangkin ko sa carpet. They are both busy with their toys at mukang gustong gusto nila.
Hindi ko maiwasan mapanguso. Bakit puro kamuka ni Kuya Davin ang mga bata? I like Trice's eyes so much. Singkit ang mata non, pero ang mata ng dalawa ay malalim ng kaunti pero bumagay sa kanila na mas lalong naging kamuka sila ni Kuya.
Ang lakas ng dugo namin.
Pero siguro sobrang mahal ni Kuya si ate Trice kaya ganon. Ganon daw kasi 'yun. Pag sobrang mahal daw ng lalake ang babae ay nagiging kamuka daw nito ang mga anak n'ya.
At siguro dahil malakas talaga ang dugo namin.
Tinawag ni Ate trice ang anak n'ya para matulog. Ako naman ay binuksan ang smart Tv at nilipat sa youtube para manood.
Si Charlie Gonzales agad ang bumungad sa akin.
Biglang pumasok sa isipan ko ang nang yari kanina. Iniling ko ang ulo ko para kalimutan 'yun. Hindi ko na dapat inaalala pa ang mga bagay na 'yun. Hindi na dapat.
No Name Band. He's the vocalist.
Basa ko sa content.
Clinick ko 'yun. Isang video yun na kumakanta sya habang nasa likod ang tatlong kasama n'ya na may hawak ng kanya kanyang instrumento.
It took one look
And forever lay out in front of me
One smile, then I died
Only to be revived by you
Ngumiti s'ya sa camera at kumindat. He was smiling while singing. His hair is clean cut, his lips is so red parang ang sarap sarap halikan, ang kanyang mata na nakangiti na para bang ang saya saya n'ya sa ginagawa n'ya.
Hindi ko alam bakit biglang lumakas ang t***k ng puso ko habang pinanonood s'ya.
I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only you
Ooh