CHAPTER THREE

1318 Words
Mika's P.O.V. 12 p.m. na at nakahiga ako ngayon sa kama. Hindi pa ako tinatamaan ng antok at tahimik lang na nakatingin ako sa ceiling. Tumayo ako at bumaba papunta sa kitchen para kumuha ng fresh milk. Maybe, dahil di pa ako naggagatas kaya di pa ako inaantok. Kumuha ako ng isang baso at kinuha ko ung fresh milk sa ref. Pagkalagay ko ng freshmilk ay ininom ko ito agad. Habang umiinom ay napatingin ako sa maliit na bintana dito sa kusina. "Huh?" Napakunot ang noo ko. Nakita ko na naman ung mga lalaking naka hoodie. Lumapit ako sa bintana at tinignan sila. Bakit nasa labas na naman sila? Nilapit ko sa bintana ang mukha ko at pinagmasdan sila. Nagulat ako nang mapatingin sa akin ung isa. Nabitawan ko ang basong hawak ko at naramdaman ko ang bubog na tumalsik sa paahan ko. "What.." gulat kong sabi. I can't be wrong! Yung mask nila.. they're wearing a clown mask na hawig na hawig sa mga pumatay kila Mommy! Hindi ako makagalaw at pinagmasdan ko lang sila na maglakad papalayo. Mika, you need to do something. Agad akong tumakbo papunta sa pintuan at napangiwi nang may makaramdam akong sakit sa paahan ko. Tumama pala sa'kin ung ibang bubog. Damn. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Pagkalabas ko sa bahay ay agad kong ginala ang paningin ko. "Shit!" Inis kong sabi nang hindi ko na sila makita. Tumakbo takbo ako at nagpunta sa left side na street na hindi ko pa napupuntahan. Konti lang ang bahay na nakatayo dito at puro puno ang paligid. I think papunta ito sa Forest. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa malamig na hangin. Walang katao-tao rito ngayon dahil gabi na at kokonti lang ang bahay sa street na ito. Napatingin ako sa paahan ko at nakitang nakasuot pa pala ako ng pangbahay na tsinelas at nagdudugo ang paa ko dahil sa mga sugat gawa ng bubog. Hindi ko ramdam ang sakit nito dahil mas nananaig ang kaba at takot kong nararamdamang ngayon. Hindi ko na namalayan ang sarili ko na papasok na ako sa forest. Madilim at walang ka ilaw-ilaw rito pero sapat na ang binibigay na liwanag ng buwan para makita ang dinadaanan ko. Bawat hakbang ko ay napapahawak ako sa mga nagtataasang puno dahil sa takot at kaba. Baka matumba na lang ako dahil nanghihina ang mga binti ko. Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko, pero I want to know kung sino ung mga naka-mask na 'yon at kung ano ang kinalaman nila kay Mommy. "Help!" Napatigil ako nang may makarinig akong sumisigaw. Ilang minuto na ako naglalakad at pakiramdam ko ay naliligaw na ako. "Tulong!" Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makarinig ulit ako ng sigaw. "Tulungan nyo ako! Please!" Ramdam ko ang takot sa boses ng sumisigaw. Sinundan ko ito kahit sobrang dilim na sa parte ng dinadaanan ko. "Go and ask for help! As if someone will rescue you, Fiona." Napatigil at nagtago ako sa isang puno nang makita ang lalaking nagsalita. Napatingin ako sa apat na lalaking nakatalikod sa'kin ngayon at isang babaeng umiiyak na nakatali sa puno. May dala silang malaking flashlight at nakatapat ito sa babae kaya kitang kita ko ang istrua ng babae na maraming pasa sa braso at may dugo sa noo. Tanging itim na damit lang ng apat na lalaki iyon naman ang nakikita ko dahil nakatalikod sila. Anong gagawin nila? "Pakawalan n'yo ako! Wala akong ginagawa sa inyo! Please!" Umiiyak na pagmamakaawa nung babae. "Masyado ka nang maraming alam," sabi nung lalaking may hawak ng baseball bat habang pinapalo-palo ito sa palad ng kanyang kaliwang kamay. "Hindi ko nakita ang mukha nyo.. wala akong nakita!" Sinusubukan ng babae na makawala sa tali pero masyadong mahigpit iyon. Anong gagawin ko? Tatawagan ko ba ang mga police?! Kukuhain ko sana yung phone ko sa bulsa nang maalala na hindi ko pala ito dala at iniwan ko iyon sa kitchen. Damn! "Any last word, Fiona?" Rinig kong sabi nung lalaki at nakita kong naglabas ito ng baril. Agad akong napasinghap nang makitang may baril sila. Shit! I need to help her! But how? Baka madamay ako at wala akong dalang kahit na ano ngayon. "Please.. I will do everything! Spare my life," rinig kong sabi nung babae habang umiiyak. "Nope," sagot nung lalaki at narinig ko na lang na tumunog ang kanyang baril. Agad kong tinignan ang babae at nanlaki ang mata ko nang makitang binaril sya sa noo. Nakadilat ito at hindi na humihinga. Napatakip ako sa bibig ko at nagsimulang tumulo ang luha ko. Bakit? Bakit kailangan ko masaksihan 'to? Hindi pa ba sapat ung kila mommy at daddy? "Nice one! Headshot na headshot!" Rinig kong sabi ng isang lalaki at nagsitawanan sila. I need to get out of here. Kailangan kong ireport to sa mga police. Humakbang ako patalikod at di ko nakita ang isang sanga ng puno kaya nadulas ako. "Sino yon?" "Shit men! may nakakita!" "Ayun! Bilis!" Pagtingin ko sa kanila ay nakatingin na sila sa akin ngayon at patakbo na papunta sa'kin. Agad akong tumayo at tumakbo. "Someone help me.." umiiyak kong sabi habang tumatakbo. "Stop!" Sigaw nung mga lalaki pero hindi ko sila pinakinggan. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko mawawalan na ako ng hininga sa bilis ng takbo ko. Napapapikit na lang din ako dahil nagsisimula ko nang maramdaman ang sakit ng paa ko. "Stop running. You can't escape from us, honey!" Sigaw pa nung isa. Sobrang dilim at nahihirapan na ako makakita pero tuloy padin ako sa pagtakbo dahil alam kong papatayin nila ako once na mahuli nila ako. Muntik na akong mapatili nang mahulog ako sa isang butas dito. Napatingin ako sa tuhod at siko ko na nagdudugo. Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit nito. "Nasan na 'yon?" "Shit men! Nakatakas!" "Hanapin nyo dali! Maghiwalay tayo." Napatingin ako sa paligid ko at wala akong makitang liwanag rito. Umupo ako sa sulok at niyakap ang tuhod ko. Pinipigilan ko ang aking pag-iyak. Pano ako makakatakas sa kanila? Baka nasa labas lang sila at hinihintay ako. Ayoko pang mamatay. "Kuya.." umiiyak kong sabi. Kailangan kong makabalik. Nag-aantay si kuya sa bahay. Hindi pwedeng pati ako ay iwan sya. ××× Ilang minuto na ako dito sa butas na nabagsakan ko at tumayo ako. Kinapa-kapa ko ang paligid at nang may mahawakan akong malaking bato sa sulok ay kinuha ko ito at tumuntong ako dito. Unti-unti akong sumilip at nakita ang mga nagtataasang puno. Wala na kaya sila? Hindi ko alam. Natatakot akong lumabas pero kailangan ko nang makaalis rito. Kumapit ako sa lupa at pilit na binubuhat ang sarili ko. Bakit ba ang bigat ko? Matapos ang ilang minuto ay nakalabas rin ako at pinagmasdan ang paligid. Mukhang wala na sila at tahimik na ang paligid. Pano ako makakaalis rito? Hindi ko na alam kung nasan ako. Naliligaw na ako. "Shit Mika. Ang tanga mo," mahinang sabi ko sa sarili ko. Nagsimula na akong maglakad. Nagdadasal na lang ako na sana ay tama 'tong dinadaanan ko. Sana ay makauwi pa ako. Nang makita kong may naglalakad ay agad akong nagtago sa likod ng puno. Agad kong tinikom ang bibig ko. Dapat pala ay hindi na muna ako lumabas dun. Mas malaki ang chance na makita at mahuli nila ako ngayon. "F*ck. I don't know! Stop calling me or else i'll fuckin kill you." Pagsilip ko ay isa itong lalaki. Isa ba 'to sa kanila? Hindi ko sya makita ng maayos dahil madilim. Nagtago ulit ako sa likod ng puno at umupo. Niyakap ang aking tuhod at pilit na kinakalma ang sarili. Wala na akong ibang magagawa kundi ang magdasal na sana ay hindi nya ako makita dahil wala na akong lakas para tumakbo. "What are you doing here?" Agad na nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ng lalaki sa gilid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD