CHAPTER TWO

1201 Words
Mika's P.O.V. "So, bakit ka nag-transfer dito?" Tanong ni Cara at umupo sa tabi ko. Why? Nanahimik lang ako sa gilid pero kinakausap nila ako. I want peace. "It's a long story," Sabi ko at nilipat ulit ang pahina ng libro. "I'm going to read for now." Excuse ko sa kanila. "Woah. Mukhang may tatalo na kay Loui ah," Sabi ni Kael at tumawa ng mahina. "Good morning class! Please be seated." Napatingin kami sa pisara at isang teacher na ito. "I'm Mr. Hanji Cruz. Your prof in Gen math." Pakilala nya sa sarili. "We have a transferee." Tumingin sya sa'kin at ngumiti. "Please introduce yourself." Napabuntong hininga na lang ako. Wala akong choice kundi magpakilala. Ito pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat kaya ayaw ko din lumipat ng school. Tinanggal ko ang earphones ko at tumayo. "I'm Mikaella Evergreen. 18 years old." Maikling sabi ko. "That's all?" Tanong ni Mr. Cruz at sumandal sa table nya. "Yes, that's all," Sabi ko at ngumiti dahil ayoko namang masungit at suplada ang maging impression nila sa akin. "Sir!" Nagtaas ng kamay ang isang babae. "We want to know her better. Can we ask kung anong hobbies mo?" Tanong nung babae at ngumiti sa akin. Napahinga na lang ako ng malalim. Gusto ko lang naman mag-aral at mamuhay ng tahimik but why? They're all staring at me. "Playing online games and reading," tipid kong sagot. "May boyfriend kana?" Tanong pa nung lalaki sa likod na nakataas ang kamay. Seriously? "Yes." I lied dahil ayoko namang kulitin nila ako. "Aww," sabi nung mga kaibigan ng lalaki at humawak sa kanilang dibdib na para bang nasasaktan. Finally. Makakaupo na ako at magiging tahimik na ulit ang buhay ko. "So, no more questions?" Tanong ni Mr. Cruz sa mga classmates ko habang nakapataas-baba ang kanyang kilay. "Is it true na pinasukan kayo ng magnanakaw sa old house nyo?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita galing sa kabilang side. Napayuko ako at hindi sumagot. Pano nila nalaman 'yon? Hindi ko na lang ito pinansin at umupo na ako. "Okay. Enough. Let's continue our lesson." ××× "I'll pick you up later. Let's have dinner at Sbarro with a friend. Okay?" - Kuya Mike Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ang text ni kuya. "Okay." - Mikaella It's lunch break already and nasa cafeteria ako ngayon, hawak ang biniling chicken sandwich at mango shake. Tinignan ko kung may available pang pwesto dito sa cafeteria at napabuntong hininga na lang ako nang makitang puno na ito. Great. Mukhang magiging loner at loser nga talaga ako ngayong school year. "Hey! Do you want to join us??" Napatingin ako sa babaeng nag-alok ng pwesto sa akin. "Yeah, join us!" Sabi pa ng babaeng kasama nya. May kasama din silang tatlong lalaki na mukhang hindi matino kaya umiling na lang ako at lumabas na lang dito sa cafeteria. Pagkalabas ko ay naglakad lakad lang ako hanggang sa mapunta ako sa back garden. Umupo ako sa bench at dito kumain. Ginala ko ang paningin ko at maraming mga puno at halaman dito. May maliit na fountain din sa gitna at may mga bulaklak na kulay puti rito. Mas maganda pang kumain dito kaysa sa cafeteria. Nang matapos akong kumain ay nag-unat ako. Malamig ang hangin at nakakarelax ang lugar dito. Natanggal ko ung connection ng bluetooth earphone ko sa phone ko kaya tumunog ng malakas ung pinapatugtog ko sa phone ko. "Shit," Sabi ko at agad itong pinatay. Bakit ba rock music ung pinapakinggan ko ngayon? Patayo na ako at itatapon ko na sana ung mga kalat ko nang may makita akong tao sa likod ng isang puno. Matangkad ito at kita ko lang ang likod nya. Dark red ang kulay ng buhok nya. Nakita ko ring may hawak ang kaliwa nyang kamay ng sigarilyo. Isang adik lang pala. Nagtungo na ako sa trash bin at tinapon ung mga kalat. Pagkabalik ko sa bench ay wala na sya ron sa puno. "Buti naman," Sabi ko dahil ayokong makaamoy ng usok ng sigarilyo, and besides masama yon sa health. Bumalik na ako sa classroom at nagfocus dito. Nakakasawa magpakilala kada bagong subject at prof. Nakakapagod. ××× Uwian na at suot-suot ko na ang bag ko nang lapitan ako ni Kael. "Hey Mika," tawag nya sa'kin at tinitigan ko lang sya. "I hope it's okay na Mika ang tawag ko sayo?" "Yeah, sure. It's fine," Sagot ko sa kanya. "Super busy kanina kaya i forgot na i-tour ka sa Academy," sabi nya at ngumiti. "If you want, pwede naman ngayon para mapamilyar ka na dito." Alok nya. Napatingin ako sa phone ko at nakitang nag-text na si kuya na nasa labas na sya. "I have plans. Maybe, tomorrow na lang," sabi ko at ngumiti ng konti. "Okay! So, tomorrow?" Masaya nyang tanong. "Yep. Una na ako," Sagot ko at nauna na lumabas sa Classroom. I guess it's fine na magkaron ako ng friend sa new school ko. Nang makalabas na ako sa gate ay nakita ko na ang kotse ni kuya. Agad akong lumapit dito at pumasok sa loob. "How's your 1st day of school?" Salubong na tanong nya. "It's.. fine. I guess," mahinang sagot ko. "Good. If someone's bullying you, tell me agad. Okay, Mika?" "Yes, kuya." Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at tinignan ang mga buildings na nadadaanan namin. Nang makarating na kami sa Sbarro ay nag-aantay na doon ang kaibigan nyang babae. Hindi ako pamilyar sa kaibigan nya ngayon. Baka new friend. "Hey, Shiela," sabi ni kuya nang makalapit kami sa table at umupo. "Hi Mike! so, she's your younger sister?" Nakangiting tanong nung Shiela. "Yes," sagot naman ni kuya. "Omygod, she's so pretty!" Sabi ni Shiela habang nakatingin sa akin. "I'm Shiela Hanz. Nice to meet you, Mika!" Pakilala nya sa sarili. Parehas kaming itim ang buhok. Hanggang balikat nga lang ang kanya. Hanggang dibdib kasi ang haba ng buhok ko at medyo wavy ito. "Mikaella Evergreen. Nice to meet you too," Sabi ko at nakipag-shake hands sa kanya. "Okay na pala ung inorder ko na pizza. We can eat na," sabi ni Shiela at inabutan kami ni kuya ng pizza. Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. Work mate pala ni kuya si Shiela and good for him na may friend na agad sya. "Oh by the way, Mika. Sa Willton's Academy ka now nag-aaral, right?" tanong ni Shiela sa akin. "Yeah," sagot ko at sumubo ng pizza. "Nako. Beware sa mga students don." Babala nya. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Anong ibig sabihin nya? "Why?" Agad na tanong ni Kuya. "Baka ma-bad influence ka nila. Dami ko kasing naririnig na rumors sa Academy na yan," Sabi nya at pinunasan ng tissue ang gilid ng labi. "Last month lang ay may namatay na student d'yan. Lasing daw yun tapos napaaway." Kwento nya. "Mukhang mababait naman mga classmates ko," sagot ko dahil ayoko namang mag-alala sa akin si kuya. "What? Really? That's too much! Eh ung pumatay don sa student? Nakulong na?" Tanong ni kuya. "Nope. Pero suspect nila na sa Willton's academy din daw nag-aaral ang murderer. Kaya take care lagi, Mika," Sabi ni Shiela sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD