TASK 6: Resisting Maj
"Welcome home Sir Nico! Hello Alice! Good evening po Sir Maj." Masaya kong bati. Akalain mong nandito si Sir Maj ngayon.
"Good evening Kyra. How was your work?"
"Ayos na ayos po!" Abot tenga ang ngiti ko.
"Wow!" Napalingon ako kay Nico. Pinagmamasdan nya ang buong paligid. "Marunong ka pala maglinis."
"Syempre naman Sir. Kaya nga nyo ako maid diba?" Mejo nakaka-offend sya ah pero totoo naman na hindi ako marunong maglinis. Actually, pinalinis ko lang 'to.
"So I assumed that you know how to cook as well?"
Hala sya! "Hindi ko po masisigurado yan."Alanganin akong napangiti. Siguro kung wala sila dito baka makapagpa-deliver pa ako.
"I guess I should be the one who'll cook while you change Alice's clothes."
Isinama ko na sa kwarto si Alice. Mejo madungis pero kaya ko to. Pinaliguan ko muna siya. Sa tub nya gustong maligo kaya hinayaan ko muna siyang maglaro ng bubbles.
"Fairy godmother are you really a fairy?" She asked out of the blue.
"The truth is I'm not a fairy."
"Then who are you? Are you the wicked stepmother? Are you going to marry my Dad? Is my Dad going to leave me?"
Sunod-sunod yung tanong nya. Napailing ako. Kasalanan 'to ng mga fairytale stories.
"Alice, I live here because I am your new yaya. And I am not going---"
"Yaya? You're a witch too?"
"No, I'm not a witch little girl. I am your yaya or nanny. I'll take care of you."
"but Yaya Ising, Yaya Titiy, Yaya Sara.. They look like a witch! They hate me! I hate them!" Nakita kong nalungkot ang batang parang totoong nasaktan. Maya-maya ngumawa na sya.
"Little girl, shh! What's wrong?"
"Mama! I want my Mama to take care of me. I do not want witches! Mama!" Iyak na ng iyak yung bata. Hindi ko mapatahan. Kung ano-ano ng patawa ko dito, pag-aamo sa kanya pero walang effect.
"Shhh!" Naku naman itong batang to.
"Mama!"
Palakad-lakad ako. Think, think! I don't know how to make her laugh hanggang sa matapakan ko yung tubig sa sahig na ikinadulas ko. Sht! Basa na ako!
Pinilit kong maiayos ang sarili ko. Ikaw ba naman shoot sa bathtub.
Napaupo na ako sa tub. Samatalang si Alice, tumigil na sa kakaiyak. Nakatingin sya sa akin na parang amaze na amaze. Isang sandali pa sinabuyan na nya ako ng tubig sa mukha. Tawa sya ng tawa.
"Alice! Payback time!" Tutal naman basa na ako, sinunggaban ko na sya. Napauo sya sa tub pero hindi pa rin nawawala yung pagtawa nya.
"Kyyah! Stop!" She continues to giggle non-stop.
"What are you two doing?"
Natigilan lang kami ng bumukas yung pinto ng bathroom at tumambad si Nico at Maj.
"Daddy! Yaya and I play bubbles in the tub like Mama."
Tumingin ako sa bata. She's smiling but I pity her.. Where is her mom?
"That's enough Alice. Take a shower and we will be going to eat." Nico said to her daughter but he's looking at me.
Alam kong ako talaga yung inuutisan nya.
"Let's take a shower Alice?"
"Yes Yaya. Can I call you Yaya?"
"Yes, little Alice. Come?"
"Yaya!"
Iniwan na kami ng dalawang lalaki. Binanlawan ko si Alice saka sya binihisan. Ang likot-likot ng bata. Pasayaw-sayaw at kanta pa siya. Nakakatuwa lang kasi hindi niya mabuo yung kantang kinakanta niya tapos paiba-iba pa.
"Yaya, you don't look like 'Yaya'."
Nagsalubong naman yung kilay ko sa sinabi niya. Anong look?
"You look like a princess."
Mabobola pala itong batang ito. "No Alice, you're the princess and I am your servant."
"No, you're too beautiful Yaya. I know! I know!"
"What is it?"
"What's your real name?"
"Kyra,"
"Now you are Queen Kyra!"
Grabe lang. Flattered na flattered ako sa batang ito. "Then I'm Queen Kyra and you're Princess Alice."
"Yey! Daddy! Daddy! I am Princess Alice." Ayun na po siya nagtatakbo papalabas.
Well, magpapalit muna ako ng damit.
<3
Awkward na awkward naman ako dito. Maj, Nico and Alice insisted that I should join them for dinner. I never did that to my maid. Gusto ko sa kusina lang sila kakain. But, the three of them showing enough kindness to me. At yun ang nakakapagpailang sa akin.
Of course I need not to act natural. I need to act like a poor maid so I use my hand sometime to pick my food. Ginagaya ko lang yung maid ko pag nasisilip ko silang kumakain. Isa pang nakakailang ang pinagsasabi ni Alice. She's playing matchmaker to Maj and I. Wala pa raw girlfriend ang Ninong Maj niya. I can be the one raw kasi mukha naman akong Queen. Ilang taon na ba ang batang 'to? Right, four years old at alam na ang mga ganung bagay.
Si Nico naman nakikitawa at nakikiasar pa. Gusto ko na talagang sumabog sa kahihiyan. Lalo na ng nakikita ko ring pinapatulan ni Maj yung joke. Kumikindat at nilalandi kunwari ako para masiyahan si Alice.
Hindi ko na talaga kaya! I excused myself.
Nilaklak ko na lang yung isang lata ng beer sa ref.
"What are you doing?"
"Ay Sir!"
Napagitla ako sa gulat kaya natapunan ko si Sir Maj. Sht!
"Sorry Sir!" Nataranta ako. Naghanap ng pampunas. Basahan! Pinunasan ko yung damit na natapunan ko ng alak. Nangangatog ako sa taranta noong una pero nawala kagad yun ng mafeel ko yung abs ni Maj. Nangangatog na ako dahil sa nahahawakan ko.
"It's okay, Kyra." Lumayo siya sa akin at tiningnan yung damit. Tapos nagdecide na lang siya na hubarin yung shirt niya sa harap ko! As in sa harap ko! Wala man lang pasabi!
Ulala, abs with liquid.. Para siyang model na pinaliguan ng oil. Yun nga lang alak ang napaligo ko sa kaniya. Ohh.. Hindi ko akalaing ganito pala ka-macho at ka-hot ang direct boss ko.
"Your gawking at me!" Amaze niyang sinabi... Sa akin?!
Oh my gosh! I did gawk at him!
Relax Kyra. Think of the times you went to party during highschool when the most handsome guy at school let you touch his abs. Yup, parang ganun lang. You gawk but can think of a smart remarks to make yourself cool.
"Your gawking at me." Natatawa niya pang sabi.
"Kaw kasi Sir Maj, pasikat ng abs. Ikaw ng may abs." Wow! I deliver that as smooth and natural it can be.
Maj laughter even roared inside the kitchen and I saw his eyes goes naughty. Gosh! Is he trying to flirt with me for real? Baka hindi ko mapanindigang si Kikay ako.
"You want to touch it?"
Gawd! May pagka-playful pala siya.
"Sir, baka pagsisigan niyo." Pinilit kong tumawa kahit na napapalunok at at natetemp sa offer niya. Sensya na green minded talaga ako!
"No,"
Temptation kitchen ba ito? Papalapit na siya ng papalapit ng papalapit..
At may tumikhim. Nag fake cough si Nico at mukhang nakita niya ang mga kababalaghan, este pantitrip ni Maj sa akin.
Natawa uli si Maj. Wala na siya sa harapan ko at papalapit na kay Nico. "Sarap pagtripan ng katulong mo." Tinapik niya yung balikat ng kaibigan. "May damit akong naiwan dito diba? Magpapalit lang ako."