TASK 5: Daniel, Cleaning, Meeting
Irritableng naglalakad ang binata papasok sa kanyang office. He keeps on receiving glances and gossips from his employees. Sinong hindi? Iwan ba naman ang binata ng kaniyang bride sa araw mismo ng kasal niya.
Isang linggo na rin ang nakakalipas simula ng nakakahiyang pangyayari para kay Daniel Harrison. Hindi lang sya napahiya sa pangyayari kundi natapakan din ang pride niya bilang lalaki. Idagdag pang naiinggit siya sa ex bride-to-be nya dahil nagawa nitong tumakas sa responsibilidad.
Daniel is the new head of Harrison Shipping Trade. Isa ang company nila sa mga nagmo-monopolize ng marine trade industy at nagnananais pang lumaki kaya't pumayag sya sa gusto ng ama na pakasalan ang tagapagmana nang isa pang shipping company.
"You look irritated man."
"And why are you here?" He snapped his bestfriend. Ayaw nya ng may mag-aasar pa sa kaniya.
"Wow man! You're being a menopausal woman."
"Shut up ass. I have a lot of works today, Fin."
"Like what? Like granting Kyra's parents wish? Man, will you still accept a woman like her?"
Umiling na lang si Daniel pagkaupo nya sa kaniyang upuan. Ginawa nyang busy ang sarili para hindi na siya kulitin ng kaibigan.
"I guess you like her."
Napatingin si Daniel sa kaibigan na parang nagsasabing, 'nahihibang ka na ba?'.
Umiling lang ang kaibigan sa kaniya at nagpaalam ng umalis.
Bumalik ang tingin nya sa ginagawa sa computer.
Destination.
Manila.
Click.
He's going to the Philippines and find Kyra Sandico.
Sabi nya sa sarili nagagawin nya ito para sa ikakatahimik ng loob ng mga magulang nila. Tama, he set himself to bring Kyra Sandico, his fiancé.
___
"KIKAY!"
Natataranta akong lumapit sa boss ko. "Bakit po Sir?"
"Anong ginagawa mo ng buong araw?"
"Sir? Hinatid at sundo po si Alice sa school."
"Tapos?"
"Hinatid at sinundo po si Alice sa school."
"Yun lang ang ginawa mo? Well, that makes sense! Ang kalat-kalat pa ng buong bahay. Wala ka bang balak maglinis?"
"Sorry, Sir. Maglilinis na po."
Napahawak batok si Sir. Mukhang nagpipigil ng galit sa akin.
"Sorry kung mainit ang ulo ko. Lahat pala ng mga gamit panlinis nasa last cabinet sa kitchen."
"Yes Sir."
Aalis na sana ako ng tawagin nya ako uli. "Kikay."
"Sir?"
"Ilang taon ka na?"
"Po? Twenty-five po."
"Twenty-six. Not much of age difference so stop calling me Sir."
"Ano na lang po?"
"Uhmm.. Nico?"
"Okay po Sir..ayy.. Nico."
"Sige, maglinis ka na."
<3
What to do?
I don't know how to start to clean the dirt. Should I use broom, mop or vacuum cleaner? I already used the broom but it won't remove the sticky dirt. I don't have the guts to use the mop. It looks gross! Vacuum cleaner is the best option but I don't know how to use it. Is there a manual here?
I guess I should wash the dishes first. At least I know how to do it.
Nakatapos din ako ng isang gawain. Ang paghuhugas.
"Kikay, I'm going out with Alice."
"Opo Sir..ay Nico pala. Ingat kayo. Bye Alice."
"Bye Fairy godmother."
"Kikay, gabi na kami makakauwi. Dapat malinis na ang buong bahay. Sige."
HOW?
I can't clean everything!
Think, think, think!
Tama! Na saan ma ba yung cellphone ko?
Hinanap ko sa suitcase ko yung cellphone. My new S5! Alam ko namang may wifi dito sa buong condominum kaya isesearch ko online kung may cleaner bang pwedeng upahan para maglinis ng bahay.
And thank goodness! Meron!
In five minutes nakarating na yung grupo ng maglilinis.
Pinapasok ko sila habang ako, sitting pretty lang. Sige, mag linis lang kayo! Ako iinom ng wine ni Sir Nico.
After, one hour and a half... Kumikinang na sa ganda at linis ang paligid.
I gave them the money before they went home. I have nothing to do except for sleeping. I will take a nap for a minutes.
__
Kasalukuyang nagme-meeting sila Manager Maj at ang kaniyang actor na si Nico habang naglalaro naman si Alice sa park. Hindi naman sobrang formal ang meeting na ito. May mga kailangan lang pirmahang kontrata ang binatang artista kaya napagpasyahan na lang sa park magkita.
Mahilig din itong si Maj sa bata kaya pilit nyang pinasama kay Nico si Alice.
"How was your maid?" Tanong ni Maj.
"She and Alice easily get along well but Kikay needs to learn how to clean and cook."
Natawa lang si Maj. Alam nya ng una pa lang na hindi marunong maglinis ang bagong katulong ni Nico pero nakikita nya sa babaeng ito ang pagiging pasensyosa at masiyahin. Umaasa siyang makakatulong ang mga ugualing 'to para sa alaga.
"Pero pansin mo bang mukhang hindi siya Maid?" Reklamo ni Nico habang nagpa-flash sa utak nya ang katulong.
"What do you mean?"
"She had these signature bags which she told me a fake or a second hand. She has a pinkish skin, she had well-manicured nails, she walks with poise, and she's..."
"Attractive?" Singit ni Maj.
"Yeah... No! She's not. She's too jolly and plain for my liking."
Pinagtawanan ni Maj ang pagiging defensive ng alaga. Pero may punto ang lalaki. Hindi nga rin sya makapaniwala ng una silang magkita lalo na't nagkamay sila. Napakalambot ng kamay ng katulong na tila ba'y hindi pa naranasang humawak ng panlinis sa bahay. Unang hinala niya, fan siya ni Nico at gusto lang mapalapit sa alaga pero ng tanungin niya kung kilala ba nito si Nico, nakita niyang wala talagang alam ang babae tungkol kay Nico.
"Maj!"
Napukaw ang binatang Manager. Hindi niya naririnig ang sinasabi ni Nico kakaisip sa katulong na tinanggap niya.
"Huh?"
"I said, Alice wants to go home."
"Ahh.."
"Wala ka bang lakad ngayon? Yayayain sana kitang mag dinner at uminom ng kaunti sa unit ko." Pagyayaya ni Nico sa Manager nya.
Magka-edad lang naman ang dalawa. Halos sabay silang lumaki kaya't kahit manager ni Nico si Maj, magkaibigan pa rin silang matalik.
"Sige ba."